Anthology | Beach, Please! 03: Let's Play Beach Volleyball!

14.5K 1.5K 2.4K
                                    

JAMIE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

JAMIE

TIRIK NA ang araw pagdating namin sa beachfront. I put on the sunglasses hanging on the pocket of my beach robe. Isinuot ni Lorelei ang dala-dala niyang brim hat habang sun visor hat naman ang kay Alistair. As for my Loki dear, wala siyang isinuot. Baka maisipan pa niyang makipag-staring contest sa araw kapag na-bore siya.

Habang naglalakad kami sa may aplaya, naramdaman na ng mga daliri ko sa paa ang mapinong puting buhangin. Parang nasa Boracay na rin kami. Humarap ako sa dagat, huminto sa paglalakad, ini-stretch ang aking mga kamay at huminga nang malalim.

Inhale. Exhale.

It's been a while since I felt the smell of the warm sea breeze and heard the sound of the crashing waves. The last time I was on a beach, I was with my family. That was a couple of years ago na. Six years, I think? Bata pa ako noon.

Kaya nga nagke-crave akong makabalik dito. This time, with my friends. This beach trip brought back some of my childhood memories. Dahil sa talas ng memory ko, malinaw ko pang natatandaan ang mga nangyari noon. We used to swim in the water. We used to build sandcastles. We used to eat snacks while watching the sunset.

"Jamie, are you okay?" tanong ni Alistair. Napansin niya siguro na naluluha ako.

"Of course, I am!" nakangiti kong sagot. I wiped the tears welling up in my eyes. "Napuwing yata ako. Ang lakas kasi ng hangin galing doon."

Enough with the drama! Nandito ako para mag-enjoy, hindi para mag-emote.

I put on a smile and turned to face my three friends. "So ano'ng unang gagawin natin?"

Kailangan kong libangin ang sarili ko para mawala muna sa isip ko ang gano'ng memories. My eyes glanced around me and observed the other beachgoers. Pwede naming gayahin kung ano ang kanilang ginagawa. May mga nagsu-swimming na sa dagat. May mga naglalaro ng buhangin at bumubuo ng sand castle. May mga nagbabatuhan ng bola.

Dahil nasa beach kami, ano ang laro na exciting at siguradong mag-e-enjoy kami? E 'di beach volleyball! Loki sighed when I raised that suggestion while Lorelei and Alistair nodded approvingly to me. Magandang exercise 'to para maiunat ang mga buto at muscle namin.

Because there were just four of us, hinati namin sa tigda-dalawang member ang bawat team. I chose Loki to be on my side because I'm confident that I alone could beat the Lorelei-Alistair tandem. In mobile games term, ako na ang magbubuhat sa kanya. Pwedeng tumayo lang siya sa likuran ko at panoorin kung paano ko tatambakan ang mga kalaban.

Saan galing ang confidence ko? Well, kahit 'di n'yo tinatanong, magaling yata akong maglaro ng volleyball. Marunong akong mag-serve. Marunong din akong mag-spike. Hindi ako kagaya ng iba na natatamaan ng bola sa mukha. Sa volleyball class namin, ang team ko ang nag-number one.

I haven't tried beach volleyball yet but I guess the gameplay was just the same. Pareho namang may volleyball sa pangalan kaya wala akong dapat ikabahala. That puts me at an advantage.

Chronicles of the QED ClubWhere stories live. Discover now