Mr. Stranger [Chapter 1]

1.5K 13 5
                                    

Nakaupo ako ngayon sa isang bench dito sa isang di kalayuang mall. Pwede ngang lakarin kaya lang after 1 day ka pa siguro makakarating. Isa lang ito sa mga ordinaryong araw na wala akong magawa kaya nagma-mall ako. Wala naman kasi akong magawa sa bahay. Haharap na naman ako sa computer at mananatili doon ng isang buong araw. Napaka-productive talaga ng buhay ko. 

"Miss may kasama ka ba? pwedeng maki-upo?" Tinanong ako nung lalaking naka-shades. Hula ko hindi nagkakalayo ang edad namin.Pero bwisit naman oh. Bakit kailangan sa bench na kinauupuan ko pa siya uupo? Sa dami ba naman ng bench dito sa mall.

"Uhm. Wala. Sige" Ganun lang yung sinagot ko sa kanya. Ayoko ng pahabain pa. Saka 'I don't talk to strangers. Kahit pinagsisigawan ng malandi kong utak na gwapo ang katabi ko.

Hindi ko siya tinitingnan kahit sulyap man lang. Baka kasi mahuli niya ako akalain niya pa na may gusto ako sa kanya.

"May hinihintay ka ba?"Tumingin ako sa kanya. WAAAAHHH. Tinanggal niya na yung shades niya.

Ang gwapo naman ng loko na ito. Teka lang. Bakit ang usisero naman niya? Bakit niya tinatanong?

Pakialam niya ba? Pero mabait ako kaya sinagot ko yung tanong niya.

"Meron eh" Actually, WALA akong hinihintay. Ayoko lang na isipin niya na loner ako. Kahit na

loner naman talaga ako. Siya rin naman loner eh. Tapos nagtanong ulit siya.

"Anong name mo?"

"Sorry. Hindi ako namimigay ng pangalan sa hindi ko kakilala"

"Ay ganun ba. Sayang naman." Tapos tumawa siya. Ano naman kaya ang nakakatawa sa sinabi ko? Mukha ba akong cheap na namimigay ng pangalan kung kani-kanino.

"Eh ilang taon ka na?"

"16" Ay sht. Nadulas ako. Kasi naman ang gulo ng taong ito.

'Ahahaha. Magka-sing age pala tayo. Althea"

"PAANO MO NALAMAN ANG PANGALAN KO?" Manghuhula ata siya o kaya nakakabasa ng isip. Kakilala ko ba siya dati? Baka naman kamag-anak ko pala siya. Sino ba itong lalaki na ito?

Tumawa muna siya. Nagulat ata sa sinabi ko kasi sumigaw pa ako. Hinawakan niya lang yung left

wrist niya. Tapos napatingin ako sa left wrist ko. Shocks. May bracelet kasi ako na nakaukit

yung name ko. Observer siya infairness.

Hindi na ako mapakali kasi salita na siya ng salita. Kesyo pang sosyal daw ang name ko. Kung

mayaman ba daw ako. Siguro spoiled bratt ako. Tinanong niya din favorite color ko basta lahat

ng nasa slum book.

"SECRET!" Yan lang lagi yun sagot ko sa kanya.

Kinuha ko yung cellphone ko tapos kunyari nagbasa.Tumayo ako sa pagkakaupo tapos nagsimula ng maglakad. Ayoko ngang magpaalam sa kanya. Hindi naman kami close. Tapos nung medyo malapit na ako sa may escalator para tumaas.

"BYE ALTHEA! NICE MEETING YOU!" Sumigaw ba naman. Hindi ko na lang siya nilingon kasi nakakahiya naman. I'm sure pinagtinginan siya ng mga tao. Akala ko ordinaryong araw lang ang mangyayari ngayon kaya lang naiba dahil kay Mr. Stranger.

Mr. StrangerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu