Napatigil ako sa pagmamadali pagkakita kay Fyuch na natutulog sa sofa. Talagang dito siya natulog? Nangongonsensya ba 'to? Akala mo kasi'y asawa na hindi pinatulog sa kwarto! Tsk. Naiiling akong pumasok sa kwarto niya para kuhanan siya ng kumot. Pero pagbalik ko ay gising na siya at nakaupo.

"Where are you going?" kunot noo na tanong niya habang nagkukusot ng mata. Namumungay pa ang mga ito na tumingin sa 'kin. Halatang puyat at walang tulog din.

"Pinababalik na 'ko sa PBN," malamig na tugon ko at agad na nag-iwas ng tingin. Hinagis ko sa tabi niya ang kumot na kinuha ko nang hindi talaga siya tinitignan.

Subalit paglingon ko ay nakalapit na siya at ramdam ko na ang init ng katawan niyang walang saplot.

"Are you still mad?" Halos magtaasan ang balahibo ko sa batok sa pabulong na tanong niyang iyon. Muntik na namang bumigay ang marupok kong sarili, pero buti at nagmamadali ako.

"Magsisinungaling ako sa 'yo kung sasabihin kong hindi, but let's not talk about that now." Agad na lumayo ako sa kanya at diretso siyang tinignan sa mata—iwas na bumaba sa kanyang katawan. "I need to leave."

Nakita ko ang mabilis paglungkot ng kanyang itsura, pero pinigilan ko ang sarili ko na pawiin iyon. Maybe he has to feel sad for a while para maramdaman niya kung gaano rin ako nalungkot at nasaktan sa nangyari. Pero makakaasa siyang hindi ko siya hihiwalay nang dahil lang doon. Hindi ako nakarating hanggang dito sa pagpayag ko na pakasalan siya para lang bumitiw sa dulo. My patience is long enough to endure shits.

He sighed and nodded.

"Okay." He looked at me with those sad eyes. "Take care and...I love you, baby."

Natunaw na naman ang puso ko sa mga titig at salita niya. Ngunit nang akmang lalapitan niya na 'ko ay tinalikuran ko lang siya.

"Thank you," tugon ko bago tuluyang lumabas ng pinto. Maybe I need enough space to breathe for now.

Bago eksaktong pumatak ang alas-nuebe ay nakarating ako sa opisina na parang may mabigat na batong nakadagan sa dibdib ko. Dinatnan ko ang pamilyar na senaryo ng sigawan at murahan sa umaga. Pero imbes na mabadtrip ako lalo, napangiti ako.

Ito ang klase ng ingay na kailanman ay hindi ko yata pagsasawaang pakinggan. 'Yung ingay na kahit nakakairita ay hahanap-hanapin ko pa rin.

I really missed this!

"Goodness gracious, Portia! Mabuti at nandito ka na!" tarantang sinalubong ako ni Dei. "Please, do us a favor. Ikaw na ang magreport ng case na 'to." Wala akong nagawa nang ipasa nito sa 'kin ang sandamukal na research materials. Kung siguro hindi ako na-suspend at ginawa ito ni Dei ay baka nasabunutan ko na siya. Pero dahil first day ng pagbabalik opisina ko ngayon ay napangiti pa ako.

Dala-dala ang mga materyal na ipinasalo sa 'kin ay dumiretso ako sa office ni boss Amara.

"Welcome back?" Nakangising anito pagkakita sa mga hawak ko. "Siguro naman sapat na ang pahinga mo para makapag-function ka ng maayos."

"May naka-ready ka ba d'yang masarap na putahe para sa pagbabalik ko?"

"Not sure if you'll still consider this a delicious meal, but you have to continue working on what you have started months ago." She stood up from her seat and took a folder on her desk. "Nahuli na ang mastermind ng PDAF pero hanggang ngayon ay nakakalat pa rin ang mga sangkot. Two of the detained senators were even out on bail."

"What a disgusting system we have, right? Napaka-bulok."

"That's why I want you to work on this story. I know that only you...can give a fair voice on this issue."

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now