Chapter 02

6 1 0
                                    

6 am na no'ng nag-decide akong umuwi dahil ramdam ko ng sobrang bangag ko na, nakailang maling orders na rin ako. Aiden advised me to catch some sleep dahil mukhang isang pikit na lang at tutumba na raw ako.

Habang naglalakad papunta sa parking lot, iniisip ko na maglinis ng kwarto dahil clear ang schedule ko this week so I might as well put it to good use. Every weekend naman talaga ako nag-iimis pero hindi 'yung linis na linis talaga dahil most of the time tinatamaan ako ng antok. If I remember it right, huling general cleaning ko ay katulong pa siya...

I immediately stopped myself from going there. Pinilig ko ang ulo ko at nagpatuloy na sa paglalakad nang may nakita akong naninigarilyo sa tabi ng sasakyan ko. Kanina pa ako nahihilo pero mas lumala yata dahil sa naamoy ko. Pero 'di ko na lang sinita kung sino man siya but then I thought he looked familiar. Anyway, gusto ko na lang umuwi at matulog at malapit na akong maging zombie sa sobrang deprived ko sa tulog.

I was about to take a step nang biglang nagdilim 'yung paningin ko for a split second. Luckily, may nakapitan akong poste kaya 'di ako natumba...or not?

"Odeya?" as far as I know walang nagsasalitang lamp post dito sa parking lot.

The last thing I remembered was when I felt a warm hand on my forehead then followed, sounding somewhat like a curse. And right after that, I passed out.

***

I woke up wincing because of a piercing headache but I ignored it para maghanap ng tubig. I feel so parched. Mabuti na lang ay meron akong pitsel at baso na nakapatong sa bedside table. Nakailang baso yata ako bago ko maramdaman na hindi na tuyot ang lalamunan ko. Siguro kung may ibang tao dito malamang tinawanan na ako, I looked like a fucking fish out of water.

Speaking of other people, who brought me here? Obviously, nasa ospital ako—that, I know at least. And so I looked around the room hanggang sa mapadpad ang tingin ko sa sofang malapit sa pintuan.

There I saw Aart Lewis Rossi, my ex and the last person that should be here with me. What more, he's glaring at me–quite intensely, in my opinion.

"What in the fucking world..." I unknowingly muttered.

Bakit siya nandito?

'Di ko na alam kung dapat ba 'kong mahiya dahil mukha akong tanga kanina o magulat kasi wala naman akong natatandaang kasama ko siya bago ako mawalan ng malay. Nevertheless, I was speechless.

After seconds of boring holes in my face, he sighed, "Nag-collapse ka."

Woah. Thanks, Captain Obvious. I thought as I'm rolling my eyes. He must've saw me dahil mas lalong sumama ang mukha niya.

"Bakit ka nandito?" diniretso ko na, mahihiya pa ba ako e nakita niya na nga akong mukhang sira-ulo kanina.

He looked like he had so much to say but he held himself back as he replied, "I was the one who brought you here."

So siya pala ang nakapitan ko. Gusto ko na lang ipukpok ang ulo ko sa pader. Sa lahat ng pwedeng makakita sa'kin, siya pa? Ang cliché ha.

I was caught off-guard nang bigla siyang magsalita ulit after a moment of silence. Akala ko kasi naging estatwa na siya do'n sa sofa. Do'n naman kasi siya magaling, sa pananahimik.

"So, why did you collapse? What happened?" he asked, his voice hinted with...worry?

I answered him with a bored voice, "I believe the doctor told you that already."

Naiinis ako. Why does he look worried? And most importantly, why do I care? Ano naman ngayon kung mukhang sinipa ang aso niya? 'Di ako naaawa, sorry.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Water Under the BridgeWhere stories live. Discover now