Maraming taong dumadaan na napapatingin sa 'min. Particularly kay Angel. Maganda talaga ang bruhang 'to. Mala-anghel kasi ang mukha. Mukha nga lang.

Napatitig ako sa puting kotse na kumikintab dahil sa araw. Tumigil ito sa harapan namin. Tinted ang salamin. Halatang mamahalin. Napatitig din si Angel doon. Bumukas ang pinto. Lumabas ang matangkad na lalaki. Nalaglag panga ko. Karamihan ng tao, napalingon. Nakasuot siya ng leather jacket at sneakers. Kulay blue ang t-shirt na pangloob. May kwintas na parang dog tag. Napahawak ako sa bibig nang nginitian niya ako.

Tinanggal niya ang sunglasses. Ipinatong sa medyo magulong buhok na may highlights na hazel brown. Inayos ang relo sa kaliwang pulso. Sumandal siya sa kotse, hamalukipkip. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya habang nakatingin sa 'kin.

Hindi ko na napigilan ang mapatili. "Oh my God, Kuya Xyrus!" Tumalon pa ako. Nasiko tuloy ako ni Angel dahil lalo kaming pinagtinginan. Tumakbo ako palapit kay kuya. Sinalubong niya naman ako ng yakap. "I missed you, Sexy Bro. Akala ko sa January ka pa?" Niyakap ko rin siya pabalik. Hinimas niya ang buhok ko. Natawa siya pagkabanggit ko ng sexy bro.

"I missed you more, Baby Xhai. I want to spend the Christmas here. Ayaw mo?" Syempre gusto. Namiss ko kaya siya. Sobra.

"Yo! Xyrus..." Napabitiw ako kay kuya nang sumingit si Angel. Epal talaga kahit kailan. Seryoso? Yo? Inirapan ko siya kahit na kay kuya siya nakatingin at nakangiti. Kaso made in China. Sobrang fake. Kulang na lang tumirik mata niya, eh. Sarap kurutin ang lukaret.

Napatitig si Kuya Xyrus sa kanya. Nabura ang ngiti. Kaya nawala rin ang ngiti ni Angel. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila. Ano ako dito extra?

Kumunot lalo ang noo ni Gel at pinagtaasan ng kilay si Kuya Xyrus. "Tangina! Ba't ganyan ka makatitig?"

Napasapo ako sa noo at tumingin ulit kay kuya na kunot noo na rin. Gaga talaga ang bruhang 'to. Manhid-manhiran pa rin.

"Don't cuss!" Napatalon ako sa ginamit na tono ni kuya. Nakatingin siya nang matiim kay Angel.

Tumawa nang pagak si Gel. "Tangina naman, Xyrus. 'Di ka pa nasanay." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Nabitiwan niya lang agad dahil hinawakan din ni kuya ang kanyang siko. "Gago! Bitiwan mo nga ako, kung ayaw mong bangasan ko 'yang mukha mo?"

Hinimas ko ang noo. Sumasakit ulo ko sa kanila. Kakakita lang nila. Tapos ganito agad?

"Don't cuss, Angel Faith." Mas madiin ang boses ni kuya ngayon. Naalarma na ako. Ano bang problema ng mga 'to? Hindi ko na alam kung eeksena ako kasi naman, pinagtitinginan na kami.

Hinila ni Gel ang braso. "Tangina! Gago ka ba? Ano'ng problema mo at—" Napasinghap ako kasabay nang pagnganga ng mga nakatingin sa kanila. Kumurap ako ng ilang beses pero hindi ako nagkamali sa nakikita.

Bloody hell! Kuya Xyrus kissed her.

Ilang segundo ring magkadikit ang labi nila. Hindi nga ako nakagalaw sa kinatatayuan. Kahit si Angel ay nandidilat ang mga mata ngayon pero 'di agad nakapagreact.

"I said don't cuss," medyo kalmado na ang boses ni kuya nang pakawalan niya si Angel pero ako naman ang hindi makalma. Tumalikod siya at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa na parang wala lang sa kanya. Pero hindi nakatakas sa 'kin ang pamumula ng tainga niya.

Ibinalik ko ang tingin kay Angel na natulala. Nakasandal sa kotse at nakanganga.

"Tangina mo!" Agad namang nakabawi si Angel. "Gago. Wala kang karapatan na halikan ako. Fuck you!" Sumugod siya kay Kuya Xyrus na nakatalikod.

Napapikit ako. Alam ko na kung ano'ng mangyayari. Magkakaroon ng giyera.

"Aray! Tangina." Napadilat ako nang may narinig na kumalabog. Napangiwi rin nang makita si Angel na nakahandusay sa sahig. Tumaas ang kilay ko. Ano'ng nangyari? "Tangina, Xyrus Helle!" Sinubukan niyang tumayo pero namilipit siya sa sakit at napahawak sa paa.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Where stories live. Discover now