Umiba ang timpla ng hangin nang biglang pumasok si Caleigh at Vlaire. Tumahimik.

"Where's my dress?" tanong ni Caleigh kay Carla. Napatingin agad ako sa exposed at mahaba niyang legs. Kumikintab ito dahil sa maputi at makinis niyang balat. Curly ang kanyang buhok. Simpleng blouse at shorts lang ang suot pero nakakaintimidate. Nataranta naman si Carla sa paghanap ng dress niya. Carlos ang pangalan ng bakla pero dahil nagfefeeling prinsesa, gusto niya Carla.

"So, you're here?" Napabaling ako kay Vlaire. Nakaanggat ang isang kilay sa 'kin. Hindi rin siya nagpapatalo sa kaseksihan ni Caleigh. Nakasleeveless ng lavender, fitted black jeans at heels. Nakamessy bun ang buhok at nalalaglag ang ilang hibla sa pisngi't noo. Walang make-up pero sopistikada pa rin tingnan.

Nginitian ko lang siya. Tinanguan ko rin si Leigh. Ayoko makipag-away sa kanila. May party bukas.

"Bakit late kayong dalawa?" singit ni Keziah. Si Denice pumunta ulit sa fitting room para hubarin na ang suot niya. "Nanlalaki kayo, ano?"

"Hindi manlalalaki ang mga iyan," sabad ni Denice, sumisigaw mula sa fitting room. "Alam mo naman kung sino ang gusto nila. 'Di ba, ate?! Haler!" Mahahalata mo talaga ang humor sa boses niya.

"As if naman na magpapaligaw si Leigh, haler?!" panggagaya ni Angel sa boses ni Denice. Napatingin ako kay Caleigh na nagsalubong ang mga kilay. "Hindi pa nga nagpapaalam manligaw ang mga kawawang nilalang, basted na agad sa gagang 'yan!"

"Shut up!" asik ni Caleigh. Umirap.

"It's true," natatawang sabi ni Vlaire. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa. Nakikisali sa pang-aasar kay Caleigh. "Ano bang tingin mo sa mga boys? Nangangain kaya ayaw mong lapitan ka?"

"Xhaiden..." Napapitlag ako sa pagkakaupo. Tiningnan ang tumawag sa 'kin na si Caleigh. Nilunok ko ang bumabara sa lalamunan. "Ilakad mo nga kay Brix ang babaeng 'to." Sabay turo niya kay Vlaire. Nanlaki ang mga mata ni Vlaire.

"Una na kami, guys!" Hinila na ako ni Angel palabas ng shop. Hindi na kami nakapagpaalam nang maayos sa kanila. Halos madapa ako sa paghila ni Angel.

"Sandali naman, Gel!" Pero hindi niya ako pinakawalan. Hila-hila niya pa rin ako hanggang sa makalabas kami ng mall na pinagtitinginan. Mukha kasi akong kinikidnap ng babaeng ito, kung makakaladkad, walang patawad. "Wait nga lang!"

Pinakawalan niya na ako nang nasa tapat na kami ng abangan ng taxi. "'Wag mo nang pansinin ang mga 'yon. Nagmamadali ako." Tinitingnan niya cellphone niya. Mukhang may katext na ewan. Bigla akong naweirduhan.

"May problema ka ba?" Hindi niya ako pinansin. Bagkus, panay ang lingon niya sa paligid. Naghahanap yata ng taxi dahil wala nang nakapila. Palakad-lakad din sa harap ko. Hinila ko siya sa braso. "Hoy! Ano'ng nangyari sa 'yo? May nakapasok na langgam sa panty mo?"

"Tangina! Wala," simpleng sagot niya. Pero kailangan talaga may malutong na mura?

"Naisip ko ang sinabi ni Caleigh. Pwede kaya, Gel? Brix and Vlaire?" Maya-maya ay tanong ko kahit panay ang hawak niya sa buhok.

"Hindi," wala sa loob na usal niya. Kaso mukhang hindi niya naman naintindihan sinabi ko. Parang wala siya sa sarili.

"Bakit naman? Kilala natin si Vlaire. Deep inside, I know, she's not a bad person—"

"Ayoko! Brix at Xhaiden ako. Kaya hindi pwede." What the...?

Lakad lang siya nang lakad sa harap ko. Naaalibadbaran ako. Napapasabunot pa siya sa buhok niya na parang ewan. "Natatae ka ba?"

"Tangina. Hindi."

Iningusan ko na lang siya at tumingin sa kabilang kalsada. Walang kwentang kausap, eh.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Where stories live. Discover now