Ang teacher na nasa harap namin ay may pagkalmado ang boses pero halata sa boses niya ang awtoridad. Halata sa itsura niya ang pagiging strikto dahil sa magkasalubong na kilay niya kahit hindi galit, mga mata na walang pinapakitang emosyon at taas noong pagtayo niya.

"So.. Some of the students already knew me because of my hot-temper personality and a strict look. Well I can't change your perspective towards me. But if you can't resist it, feel free to go outside." sabi niya sabay turo sa pintuan.

Ilang segundong katahimikan pero walang lumabas.

'Aba, ang mahal mahal ng tuition dito ta's aalis lang sila dahil ang strikto ng teacher?'

"So I guess you want my attitude? Sa di pa nakakakilala sa akin, let me introduce myself." sabay sulat niya ng pangalan niya sa white board.
'Miss Teressita A. Deocampo.'

"I'm Teressita A. Deocampo, you can call me Miss, I don't like students calling my name cause first it sounds rude to me and second we're not even close. I'm your General Mathematics teacher and also YOUR ADVISER. Mayroon akong rules as the adviser of this section, kung anong kademonyohan ang tinatago niyo sa katawan niyo, huwag niyong ipapalabas dito. Kung ano kasama ang ipinapakita niyo sa bahay niyo, kahit ito ang pangalawang tahanan niyo, hindi ako magdadalawang isip na parusahan kayo. And lastly,..I don't like keeping secrets." sabay tingin niya kay Raizin.

'Ano ba ang tinatago niya?'

Tiningnan ko siya at nakita kong tinaasan lang ng kilay ni Raizin si Miss.

"Ako parin ang Adviser niyo kaya sa ayaw at sa gusto niyo ako ang masusunod, Understood?"

Tumango ako pero hindi ko alam kung bakit hindi nagsalita ang mga kaklase ko.

"UNDERSTOOD?!" sigaw niya

⊙_⊙: ako

"Y-yes Miss." sabay-sabay naming sagot.

"Good." balik niya sa kalmadong boses. "Our discussion will going to start tomorrow. Class dismiss." sabi niya at umalis na agad.

Narinig ko naman ang pagpapalavas ng malalim na paghinga ng mga kaklase ko.

'Kaya ayun, naaamoy ko ang adobo, kari-kari, steak, carbonara, at iba pa. Nakakagutom.'

"Grabe te! Nakakalokers si mader! May pa sigaw-sigaw effect pa, attitude ka ghorl?" sabi ni Jericho na andito na pala sa tabi ko.

Hindi ko lang siya pinansin dahil niligpit ko ang notebook ko na hindi naman namin nagamit. Ilalagay ko na sana ang bag ko sa balikat pero biglang sumara ng napakalakas ang pintuan.

Gulat kaming napatingin dito at nakita naming si Raizin ang gumawa nito. Pinagsasarado niya rin ang nga binatana pero maliwanag pa naman dahil sa ilaw sa loob.

"What the heck Raizin!" sigaw ni Luna

Pero parang hindi man lang niya narinig ang sigaw ni Luna dahil patuloy parin siya sa pagsara ng bintana. Ng matapos niya na itong gawin ay pumunta siya sa harap namin habang pinapakalma ang sarili niya. Sinusuklay niya pa ang buhok niya habang naglalakad pabalik-balik.
'Ano ba nangyayari dito?'

"Just calm Raizin, please?" mahinahong tanong ni Rajeev habang hinahawakan niya sa balikat si Raizin para pakalmahin.

"How am I supposed to calm in this situation, huh?" tanong niya habang nag-uumpisang tumulo ang kuha sa mga mata niya.

"Tell me what's the problem." mahinahong pakiusap ni Rajeev.

May dinukot siya sa bulsa niyang isang medyo malaking litrato, ka size ng ordinaryong notebook. Pinakita niya ito kay Rajeev at narinig naman namin ang pagmura nito.

Pumunta si Mary sa harap para kunin ang litrato at tiningnan niya ito pero dahil sa laking gulat niya ay nabitawan niya ang litrato.

Eto na ang pagkakataon para makita namin kung ano ang nasa litrato at--

"Fvck!" Jacob

"Oh my god!" Jericho

"Shit!" Kali

"What the hell?" Luna

'Ang nasa litrato ay ang matandang tindera na binilhan ko ng kendi bago ang trip. Tadtad ng tama ng baril ang katawan niya, wala na itong damit pero naka blur ang bandang dibdib niya. May mga nakasulat na mga pangalan sa katawan niya. Ang gamit na panulat ay ang hilo na ginagamit panahi.'

At mga pangalan namin ang nandun, ang lahat na sangkot sa aksidente sa bus.

Ang pangalan ni Luna at Raizin ay nasa ulo, kay Jericho nasa bandang tiyan. Kay Karl at Kali ay nasa kanang kamay at kay Mary at Rajeev naman ay nasa kaliwa. Ang sa akin at kay Jacob ay nasa bandang puso naman.

"Tangina ano to?!" sigaw ni Mary na nag-umpisa ng umiyak habang pinapatahan ni Kali.

Nag-umpisa na ring umiyak sina Jericho, Luna at Raizin. Ang tatlo naman ay may tinatawagan sa kani-kanilang cellophane.

Nakaramdam ako ng takot at kaba dahil sa nangyayari ngayon. Hindi pa na po-proseso sa utak ko ang pagtangkang patayin kami sa hospital pagkatapos eto na naman?

'Bakit kami??'

Nanginginig ang kamay kong dinampot ang litrato at may napansin akong ekspresyon ng itsura ng matanda na nakahandusay. Na ngayon ko lang napansin at ako lang ata ang nakapansin dahil sa takot nilang lahat.

'Naka mulat ang mga mata nito at nakangiti na hindi labas ang ngipin habang tumitingin sa gawi ko!!'

At ang lugar kung saan nakahiga ang katawan niya, pamilyar. Ang lupa na kulay kayumanggi..

'Sa bahay ito! Si ate! Bakit ito nasa bahay?!'

-----------------------

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW ME FOR MORE UPDATES, TNX!   ^_^

Keeps Forgetting Memory(ON - GOING) Where stories live. Discover now