Chapter 002

146 5 0
                                    

Chapter 002

07-22
8:41 PM

Group chat with the girls

Cressy:

Arianne

Nireto mo ba ako dito sa tropa mo? Si Daven

Xylie:

Naku patay galit na si Madam

Bat niyo kasi nirereto pa yan e alam niyo namang acads is life si Cressy

Kaela:

Ulul ikaw pa nga yung todo asar kay Daven kanina!

Yan tuloy napachat siya

Cressy:

Cringe kasi

Iimbitahin tayo kapag may gala tropa nila Arianne, gusto pa makipagkita

Asa siya

Arianne:

LUH

Taena talagang Avanzado na yan panay bola

Pinilit ko ngang facebook friends lang, nakipagchat pa ang pota

Kaela:

HAHAHAHA

Xylie:

Syempre no para may mapagkaabalahan naman si Cressy

Siya lang lagi yung walang kadate sa atin e

Cressy:

Bakit ba

Sanay na ako ma7th wheel sa inyo

Ayoko nga may kayakap habang nanonood ng sine o di kaya may kaakbay kapag naglalakad

No thanks

Arianne:

Wow grabe girl

Kaela:

Bitter ka teh?

Cressy:

Eh bat ba kasi kayo nagsasama ng mga lalaki niyo na dapat tayo lang apat duh

Xylie:

Syempre kasi nang-aaya sila makipagkita eh

Di ko kayang tumanggi

Kaela:

Agree

Tsaka iyang si Arianne nililigawan na nung lalaki niya kaya malapit na yan magkaboyfriend

Sana all!

Cressy:

Whatever

Di niyo ba gagawin assignment niyo sa Chem?

Xylie:

TF?

Kaela:

Monday pa pasahan nun! Friday pa ngayon oy!

Cressy:

Ayaw niyo yun mas maaga kayong matatapos

Arianne:

Enjoy your weekend muna girl, wag puro acads

Baka mabaliw ka jan

Cressy:

Busy kasi ako kapag weekdays kasi tinutulungan ko si Mama sa pagbabantay kay Bryn

Kaela:

Wow ang sipag naman

Ilang taon na nga ulit kapatid mo?

Cressy:

Three

Xylie:

Edi si Raffy pabantayan mo

Arianne:

Hahaha baliw ka

Abala yun si Raffy sa reputasyon niya noh

Cressy:

Oo nga, di ko maaasahan yun

Kaela:

Gosh

Loosen up ka na lang muna jan

Next week pa naman exams so wag ka munang mastress

Arianne:

Yah kasi tuwing nasstress ka, nasstress din kami

Cressy:

Fine

Basta wag niyo akong idamay sa tuwing nagc-cram kayo ah!

Xylie:

What do you mean cram

Iyong gagawin ba ang assignment sa oras na kinocollect na?

Kaela:

HAHAHAHA

Gagawin yung assignment sa oras ni Ma'am para mapasa bago siya umalis ng room

Arianne:

Duh ang importante nakapasa kami

Cressy:

Whatever

Babasahin ko na lang muna yung guide questions na napost

Kaela:

Hay naku Miss Academics

Arianne:

Sana magyaya na sila Daven ng gala para matahimik na yung isa jan

Cressy:

Ulul!

Xylie:

Correct ka jan

Kaela:

HAHAHAHAHA

Seen by everyone

Lovers in Quarantine (Quarantine Series #2)Where stories live. Discover now