KASALUKUYAN

9 2 1
                                    

Ito mema ko lang. Hahaha Nagpagawa kasi ng tula 'yong kapatid ng boyfriend ko. Sana all may jowa! Inunahan na kita. Basahin mo na! Bossy ang author 'wag kang ano.

-----

Ang buhay ay biglang nagbago
Nag-iba ang ihip ng mundo
Maraming nagkasakit, maraming naghirap
Walang nagawa kung hindi yumakap

Makabagong metodolohiya sa edukasyon ngayon ay sinimulan
Mga estudyante'y namulat sa katotohanan
Ito'y pupunan ang kasalukuyang kakulangan
Kailangang mag-aral sa sariling paraan

Dumaan ang bagyo, maraming nawasak
Tumindi ang ulan nasakop ay malawak
Ito man ay delubyo sa lahat ng tao
Sana makita mo pa rin ang liwanag na totoo

Umiyak ka ngayon pero lumaban ka bukas
Matakot ka ngayon pero maging malakas
Magdamayan tayo at magbigay ng tiwala
Tiwalang tayo'y makakaahon muli na parang panaginip lang pala

Gaano man katindi ang ating pinagdaraanan
Tayo ay magsikap upang ito ay malampasan
Ngumiti at patuloy na lumaban
Darating ang araw ito'y matutuldukan

AdiennaMichelle

RANDOM INVENTIONSWhere stories live. Discover now