FACEMASK

2 1 0
                                    

This was written for writers guild wricon. Wala lang mema ko lang ulit sumali, angal ka? Hahaha oh, basahin mo na!

------

FACEMASK
by: AdiennaMichelle

Isang salita, walong letra
Ito ang bagay na sumimbolo sa ating mga alaala
Mabigat, mahirap, at masakit ang naging takbo ng taon
May umiyak, pero may ngumiti rin naman

Sabi nila 'kung gusto mong mabuhay isuot mo ito'
Ang paalalang buong taon mong sinaulo
Hindi kinalimutan at palaging tinandaan
Mananatiling nakatakip upang hindi mahawa ng sakit

Mabigat man ang bawat araw na nagdaan
Tayo pa rin naman ay lumaban
Pinalakas ang loob at sarili
Sa bagay na ito'y dumepende

Dumaan ang bagyo, maraming nawasak
Tumindi ang ulan nasakop ay malawak
Ito man ay delubyo sa lahat ng tao
Sana makita mo pa rin ang liwanag na totoo

Umiyak ka ngayon, pero lumaban ka bukas
Matakot ka ngayon, pero maging malakas
Magdamayan tayo at magbigay ng tiwala
Tayo'y makakaahon muli na parang panaginip lang pala

Gaano man katindi ang ating pinagdaraanan
Tayo ay magsikap upang ito ay malampasan
Ngumiti at patuloy na lumaban
Darating ang araw ito'y matutuldukan

FACEMASK hindi lang para saiyo o para sa kaniya kung hindi para sa lahat ng tao
Ang ilong at bibig ay itago 'yan ang aking payo
Salamat sa isang taong aral
Natutunan naming pahalagahan ang aming mga mahal

FACEMASK hindi lang para saiyo o para sa kaniya kung hindi para sa lahat ng taoAng ilong at bibig ay itago 'yan ang aking payoSalamat sa isang taong aralNatutunan naming pahalagahan ang aming mga mahal

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

@AdiennaMichelle

AdiennaMichelle

RANDOM INVENTIONSWhere stories live. Discover now