HOPE STORY

3 1 0
                                    

This was my entry on Hope Story at University of Makati, my very own school and luckily I won second place! They also featured this story to inspire others. 

I hope this will inspire you, too! 😘

----
#HeronsChristmasHope

"Nahirapan, pero walang sinukuan."

Sa isang iglap nagbago ang paraan ng aking pag-aaral, ang dating pasilip-silip sa mikroskopyo ay naging panonood ng videos sa YouTube. Ang moving exam ay naging Google form. Ganoon pa rin naman—kinabahan, iniyakan ang takdang aralin na hindi alam kung kailan matatapos pero tinanggap na ito'y parte lang ng pag-aaral at daan sa tagumpay. Sumakit ang ulo. Nataranta sa pagsusulit na may nakalaang oras hanggang sa natapos din sa wakas. Nanlabo ang mata sa tambak na mga aralin. Pinagpuyatan ang pamanahong papel na kinabukasan ay may mali pa rin. Nawalan ng internet, nagsasalita pa ako pero wala na pala sila. Nasampal ang sarili. Uminom ng kape at pupungay-pungay na nagklase sa Google Meet, Zoom, at iba pang aplikasyon—ako ay may natutuhan.

Nagreklamo man tayo sa mga internet na bigla na lang nawawala, nakahabol pa rin naman. Nagsimulang walang kasiguraduhan magwawakas na mayroong nalalaman.

Ito ang kwento ng pag-asa na dapat magpahinga ka pero 'wag kalimutang muling tumayo at lumaban. Mahirap man ang naging takbo ng buhay darating din ang minimithing tagumpay. Naniniwala ako na bukas sisikat ang araw na wala nang takot sa ating paglabas.

Tingalain natin ang edukasyong patuloy pa rin sa pagbabahagi ng kaalaman kahit na iba ang pamamaraan.

Pasko na, ibahagi ang ngiti at iwagayway ang kamay na sa wakas matatapos ang taon na tayo'y ligtas. Tandaan, ang pagsubok ay dadaan lang. Ito'y magpapaalam at ang aral—sa ati'y iiwan.

All rights reserved December 24, 2020
@AdiennaMichelle

RANDOM INVENTIONSWhere stories live. Discover now