TAMAWO BOOK II

9.6K 233 13
                                    


 


Ikalawang Libro ng Tamawo


Meron po tayong konting pagbabago hinggil sa kwento ng Tamawo.

Ihihiwalay ko na po ang book 2 sa book 1 para hindi gaanong mahaba.

Pasensya na po sa lahat ng aking minamahal na mangbabasa.

Ang kwento ni Aldous ang magiging ikatlong libro, huling story na po 'yun ng Tamawo.

Kaya tatlong libro po ang Tamawo dahil sa huling libro na lang si Aldous. Pangit nga naman kung pagsasamahin ko sa book 2 eh ang bata pa ni Aldous haha.



Para naman sa mga katanungan:


Kailan po magsisimula ang Book Two?


-Wala pa pong eksaktong petsa, pakihintay na lamang. Kailangan ko din munang pag-ukulan ng pansin ang iba ko pang nobela.


Pagsasamahin po ba ang Book1 sa Book2?


-Hindi na po hiwalay na siya.


Sino na ang magiging bida sa pangalawang libro?


-Ang magtutuloy po ng Ikalawang Libro ay ang anak ni Anida at siyempre ang inyong kahilingan na magkaroon ng LOVELIFE si GEORGE (Giordano).


Ano ang pangalan ng anak ni Anida at Gerald(Heraldo)?


-Para sa ikatatahimik ng iyong kaluluwa, Aldous ang magiging pangalan n'ya.


Babalik pa ba si Dion?


-Pwedeng oo, pwedeng hindi.


Saan na titira si Anida? Sa mundo na ba ng mga Tamawo?


-NPA(No Permanent Address) po si Anida, pwede siya sa mundo ng mga Tamawo at pwede rin sa mundo ng mga tao. Magpapabalik-balik lang siya kahit kailan n'ya gusto.


Meron po ba na madadagdag na tauhan?


-Opo marami.


Si Moneth ba ang magiging ka-love team ni George(Giordano)?


-Abangan (Pwedeng oo, pwedeng hindi).


Paano po 'yan, wala sa mga nabanggit ang katanungan ko?


-Hintayin mo na lang sa Ikalawang Libro. Mehehehe


P.S: Magiging Third Person's POV na po ang Ikalawang Libro upang mas maging malawak ang sakop ng kwento.


Maraming Salamat sa inyong lahat...



Love You All!!!


LeonLynx ^_^

Tamawo (Book 1 Completed)Where stories live. Discover now