Chapter 3

10.9K 359 24
                                    

Chapter 3

Kinabukasan naging mabigat ang pakiramdam ko, pero pumasok pa rin ako sa school. Dumaan muna ako sa simbahan na malapit sa school para ipagtirik ng kandila ang namayapa kong Lolo. Laking gulat ko nang biglang nawala ang sama ng aking pakiramdam.

Masiglang pumasok ako sa aming silid aralan nang makita ko si Moneth na namumutla.

Lumapit ako sa kanya. “May sakit kaba Moneth? Bakit namumutla ka?”

Kumuot ang kanyang noo. “Ganon? Pati ba naman ikaw ‘yan ang sinasabi? Wala akong sakit, umiinom kasi ako ng pampaputi para mapansin naman ako ng crush ko.”

Nanlaki ang aking mga mata. “Hindi mo na naman kailangan mag-iinom ng mga ganyan Moneth. Kung talagang mahal ka ng isang tao, matatangap ka n’ya kahit na ano ka pa.”

Umirap siya. “Hmp! Basta gusto kong pumuti eh.”

Napatingin kami sa isang lalaki na papasok sa aming classroom. Hinampas ako ni Moneth sa braso. “Anida tignan mo oh? Ang gwapo, at super puti pa nya. Grabe, crush ko na siya.” Kinikilig na sabi ni Moneth.

“Ano kaba? Siguro lumalaklak ng glutathione ‘yan kaya ganyan.” Mahinang bulong ko sa kanya.

Humalakhak si Moneth. “Baka mayaman?”

Napatingin sa aming dalawa ang lalaki na bagong dating at dumeretso siya sa isang bakanteng silya. Kasunod n'ya na dumating ang aming guro na si Ma’am. Agapay.

Tumingin si Ma’am sa lalaki na bagong dating at ngumiti. “Nandito ka na pala George.”

Ngumiti ang tinawag ni Ma’am na George. “Opo, Ma’am. Agapay.”

Bumaling si Ma’am sa aming lahat. “Class, I want you to meet George Tamilo. Transferee siya galing ng Manila, kaya sana i-welcome nyo siya dito sa ating paaralan.”

Tumayo si George at yumuko sa aming lahat. “Ako si George Tamilo, kinagagalak ko kayong makilala.”

Biglang umigay sa buong klase, maraming babae ang nagtilian sa angking kagwapuhan ng lalaki sa aming harapan.

“George, dito ka na lang maupo sa tabi ko.” Sabi ni Angel ang muse ng klase.

Ngumiti si George. “Dito na lang ako sa harapan.” Matipid na sabi nya.

Naupo si George sa harapan ng aking silya. Kinalabit siya ni Moneth. “Hi George, ako nga pala si Moneth.” Inabot pa nya ang kanyang kamay.

Nagkabangaan ang tingin namin ni George at bigla akong kinabahan na hindi ko alam ang dahilan. Nakipagkamay si George kay Moneth habang nakatingin sa akin. Nailang ako bigla at napayuko.

“Siya nga pala si Anida, bestfriend ko.” Sabi ni Moneth.

“Alam ko, nice to meet you Anida.” Titig na titig na sabi nya sa akin.

Kinabahan ako sa sinabi n’ya. “Kilala mo ako?” Takang tanong ko sa kanya.

Tinuro ni George ang aking I.D at ngumiti. “Nakita ko sa I.D mo Anida.”

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi n’ya at napatingin ako sa aking I.D. “Nice to meet you din George.”

Inabot n'ya ang kamay n'ya sa akin at tinanggap ko naman iyon. Kinilabutan ako nang maglapat ang aming mga palad. Ang lamig ng kanyang kamay, malambot at napakakinis.

“Okay, class kunin nyo na angt inyong mga libro at magsisimula na ang ating klase.”

Umayos na kami ng upo at nakinig na sa mga sinabi ni Ma’am.

***

Habang naglalakad ako pauwi, napansin ko na sinusundan ako ni Dion. Hindi na lang ako nagparamdam na alam ko na nasa likuran ko na siya. Nang makaliko ako sa isang eskinita, tinawag ako ni Dion.

“Anida, uuwi ka na ba?”

Lumingon ako sa kanya. “Oo, pauwi na ako.”

 “Pwede ba na sumabay ako sa’yo?” Nakangiting sabi niya.

Kumunot ang aking noo. “Bakit? Diba sa kabilang daan ang papunta sa bahay nyo?”

Ngumiti siya sa akin at napakamot sa kanyang ulo. “Ano kasi Anida," Napayuko siya saka muling tumingin sa akin. "Gusto ko kasi na ligawan kita, pwede ba?”

Nagulat ako sa sinabi nya sa akin. “Hindi pa kasi ako ready sa mga ganyang bagay Dion, pasensya na.”

“Nakita ko na parang gusto ka din ng bago nating classmate. Kung liligawan ka ba nya, papayag ka?” Naging malungkot ang kanyang mukha.

“Hindi rin.” Tipid na tugon ko.

“Sana kung handa kana, ipaalam mo naman sa akin Anida.” Pilit na ngumiti siya habang bahagyang nakayuko.

“Matagal pa ‘yun Dion, baka mainip ka lang.” Malamig na tugon ko.

Lumungkot ang mukha ni Dion sa mga sinabi ko. Ayaw ko naman sana na saktan siya, pero wala pa talaga sa plano ko ang pakikipag nobyo. Ayaw ko naman na paasahin siya sa isang bagay na alam ko naman na hindi ang isasagot ko sa bandang huli.

Nang magpaalam siya sa akin, nakita ko na lay-lay ang kanyang balikat habang naglalakad palayo. Napabuntong hininga na lang ako at naglakad na pauwi. Habang naglalakad ako, nakita ko si George na lumiko sa short cut na kalsada na dinadaanan ko.

Nang makaliko na ako sa kalsadang iyon, nagtaka ako dahil bigla siyang nawala. Nagpalinga linga ako sa paligid ngunit hindi ko siy makita. Napatalon ako sa sobrang gulat nang may magsalita sa aking likuran.

“Anida, dito ka pala dumadaan?” Sabi ni George.

Napalingon ako sa kanya at napahawak ako sa aking dibdib. “Ikaw lang pala George, akala ko kung sino na." Tumango ako. "Oo, rito ako dumadaan kasi shot cut ito patungo sa amin.”

“Dito ako nakatira Anida.” Tinuro nya ang isang napakalaking puno ng balete.

Nanlaki ang aking mga mata. “Sa balete?” gulat na sabi ko, natakpan ko ang aking bibig.

Natawa siya sa aking sinabi. “Mukha ba akong kapre Anida? Ang bahay sa likod ng puno ang tinutukoy ko.”

Nakahinga ako nang maluwag. “Ah, ‘yung puno kasi ang tinuro mo eh.” Natatawa na ring sabi ko at napayuko ako sa kahihiyan.

“Gusto mo ba na pumasok muna sa aming bahay Anida?” Pag-aaya niya.

Umiling ako ng ilang ulit. “Naku, hindi na George kailangan ko na kasing umuwi.” Pagtanggi ko.

“Kahit magkape man lang muna tayo Anida, gusto ko kasi na makilala ka pa ng lubusan.” Naging seryoso ang kanyang mukha at titig na titig siya sa akin.

Bigla akong kinabahan at bumilis ang tibok ng aking puso. Pinilit kong iwasan ang nakakaakit na mga titig niya at saglit na napapikit.

“S-sa susunod na lang siguro George.” Napabaling ako sa gawing kaliwa ko.

Ngumiti siya sa akin. “Sige, hindi kita pipilitin na sumama sa akin Anida.”

Pinasadahan ko ng tingin ang buong kabahayan nila George. Ang ganda at laki ng kanilang bahay kapag tinignan sa labas, siguradong sobrang ganda noon sa loob. Pinagmasdan ko si George habang nagkakalad siya papasok sa kanilang bahay. Nang hindi ko na siya matanaw, naglakad na ulit ako pauwi sa aming bahay.

ITUTULOY...

Tamawo (Book 1 Completed)Where stories live. Discover now