Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

I. Running Away

15 1 0
                                        

Year 2019

"Takbo Meli! Takbo!" Isang boses ng matandang babae ang maririnig sa hindi kalayuan.

Sila ay halos malayo-layo na rin sa kanilang tinakasang lugar. Isang napakataas na building ang kanilang nilayasan para makatawid sa lugar kung saan ang mga tao ay namumuhay ng malaya at masaya.

"Ester, hintay!" Isang tinig ng dalaga naman ang sumigaw kasunod sa tumatakbong si Ester.

Siya ay si Melissa Capor. Isang dalaga at wala ng pamilya.

Mas mabilis tumakbo ang matandang babae kaya sa sobrang paghahabol niya dito, bigla siyang nadapa dahil napatid ng makalat na ugat ng puno ang kanyang mga paa.

"Tulong! Tulungan mo ako, Ester!"
pasigaw na tawag niya sa kasama pero may bigla siyang narinig na malakas na putok ng baril malapit sa kanilang pwesto.

Isang tili ang kanyang narinig sa di kalayuan. Walang iba kundi tili ni Ester na kasama niya.

Bigla siyang gumapang para maghanap ng lugar na matataguan. Nakakita siya ng isang malaking patay na puno at doon siya sumuot sa ilalim nito para magtago. 

Nakita niyang may paparating na isang truck at puno ito ng mga armadong lalake. Sila siguro ay pinadala ng nasabing lugar para hulihin sila ng patay.

"Nakita niyo ba ang isa?" tanong ng isang lalake na may suot na ibang uniform. Siguro ito ay may mataas na posisyon sa kanila.

"Negative pa sir!" sagot ng isa nilang kasama.

"Hanapin natin dito banda. Siguro hindi pa nakakalayo ang baliw na iyon!" sagot naman ng kanilang heneral.

Narinig ni Melissa ang kanilang usapan at nang marinig niya ang katagang baliw ay agad siyang bumungisngis.

"Baliw daw ako? Mga ulol! Kayo siguro ang baliw!" mahina niyang sambit sa sarili.

Biglang napawi ang tawa niya ng may isang lalaki ang nakakita sa kanya. Ito ay nakatayo sa bandang likod ng kanyang tinataguan na seryosong nakatingin sa kanya.

"Sir, ple--ase po, huwag niyo akong isumbong sa kanila" pagmamakaawa ni Melissa sa lalaki.

Hindi naman umiimik ang lalaki na may hawak na saklay sa kanyang kanang kamay. He is on his early fifties siguro kung titingnan mo ang mga mababaw na wrinkles na lumalabas sa kanyang balat nung bigla etong nagkunot ng kanyang noo.

"Huwag ka mag-alala hindi ako pumunta sa bundok na eto para magsumbong ng mga tumatakas sa lugar na iyon. Sa totoo lang hinihintay ko ang aking asawa na si Ester." Sabi nito sa kanya.

Sa pagkasambit ng matanda sa pangalang Ester ay bigla niyang naalala ang kanyang kasamang matanda na binaril malapit sa kanila.
Siguro eto ang sinasabi ni Ester na kanyang asawa na matagal nang naghihintay sa kanyang paglabas sa lugar na iyon.

"Ester ba? Siya ang kasabay kong tumakas pero siya ay nahuli at binaril" mahina at malungkot kong sabi dito.

Biglang nagulat ang matanda sa sinabi ko. Nais ko pa sana magsalita ng sinenyasan niya ako na tumahimik kasi papunta sa kinatatayuan niya ang mga armadong lalaki.

"Tanda! May napansin ka bang isang babae na mahaba ang buhok at may peklat sa mukha? Nasa 5'2" ang kanyang tangkad, maputi at nakasuot ng isang puting gown na pang-ospital?" Tanong ng lalaki na may blonde na buhok at may dala etong mahabang baril na parang armalite.

Biglang umusog ang matanda para takpan siya.

"Wala po sir. Kakarating ko lng upang maghanap ng mga tuyong kahoy para sa aking munting kubo" sagot nito sa sundalong lalaki.

Para naman etong naniwala sa kanya. Agad etong nagpaalam at bumalik na sa isang malaking truck.

Nang umalis na ang nasabing sasakyan ay agad nang lumabas si Melissa sa kanyang tinataguan.

" Salamat po. Sana maging okay lng kayo. Hindi niyo man lng naabutang buhay ang asawa niyo." Saad ni Melissa na may halong pagkalungkot sa kanyang boses.

"Siguro kung hindi ko sya pinilit na magpunta doon, siguro masaya pa kaming nagsasama ngayon. Akala ko tutulungan nila akong gumaling ang asawa ko pero hindi ko alam na sila din pala ang papatay!" Naiiyak na sabi ng matandang lalaki habang kausap si Melissa.

Nanlumo din siya sa sinapit ng mag-asawa pero wala na siyang magagawa. Sa ngayon ang isispin niya ay ang kanyang sarili kung paano siya makakatakas sa lugar na eto. Sa lugar na puno ng masasamang tao na itinuturing siyang isang hayop. Sa pagkalabas niya, ipapakita niya sa buong mundo na siya ang sinusunod, tinitingala at pinag-uusapan. Nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatingin sa lupa.

" Magbabayad kayong lahat! Hindi ako baliw at mas lalong hindi ko pinatay ang aking mga magulang!" At isang mahihinang bungisngis ang kanyang pinakawalan habang binabaybay ang daan papalabas sa masukal at madilim na kagubatan patungo sa lugar kung saan matataas na buildings at malls ang iyong makikita.

Ortega Asylum

Nagkagulo ang lahat nang mapansin ni Doctor Ian Medel na nawawala ang kanyang pasyente na si Melissa Capor.

Nawawala din ang matandang si Ester na halos limang taon nang nasa loob ng hospital na iyon.

"Kahit anong mangyari, ibalik niyo sa aking buhay si Melissa!" Sigaw na utos ni Doc Ian sa mga sundalo na maghahanap sa kanya.

"Yes, sir" sagot ni Louie, ang heneral sa grupo.

Bigla namang dumaan ang nurse na si Iris para kausapin ang doctor ng nasabing asylum.

"Doc, medyo delikado tayo ngayon lalo na't nakatakas ang isang high profile at ang very dangerous patient natin na si Ms. Capor. The CEO of this hospital wants to see you right away" pagpapaliwanag ni Iris kay doc Ian.

" Tell him that I'm doing the best I can. I'll meet with him later" Ian simply said to the nurse.

Iris nodded and went back to her respective duty.

Ngayong nakatakas ang isa sa mga delikadong pasyente ng Ortega Asylum, may halong kaba at takot ang nararamdaman ng mga taong nakabantay sa nasabing hospital sakaling eto ay maghahasik ulit ng lagim sa labas.

Isang malaking pagkakamali na pinayangan ni Doc Mendel si Melissa na umihi mag-isa. Masyado siyang nagtiwala dito at nahulog siya sa taglay na alindog nito. Hindi niya naisip na siya pala ay parte lamang ng kanyang plano.

"I'll make sure to find you Melissa kahit magtago ka pa sa impyerno. I'll make you pay for what you did to my heart!" He uttered softly as he made his way to the CEO's office.

Who is Melissa Capor?
Is she that dangerous to be taken seriously by the Asylum's residence doctor?

Her TRACESStories to obsess over. Discover now