"Huh?" Ano ba 'yan, parang ang ganda pa naman ng sinabi niya. "Hindi ko narinig."

"Bahala ka d'yan! Sabi ko sa'yo, ayoko ng paulit-ulit." Sabi niya. "Wait, wash room lang ako." Duktong niya pa at nagmamadaling umalis.

Tumingin naman ako sa labas ng fast food restaurant na kinakainan namin ni Cat at tinignan ng masama ang mga sasakyang naipit sa traffic, hindi ko alam kung anong pumasok sa mga kokote nila at ngayon pa naisipang magsabay-sabay magbusina tapos dumagdag pa ang mga tricycle na nagpapatugtog ng malakas. Lunch break kasi namin at dahil matagal na kaming hindi nakakapagsabay kumain ay sumama na ako sa kaniya rito. Mukhang may parada kaya traffic sa labas at sobrang ingay.

Tsk! Hindi ko tuloy narinig ang sinabi niya.

"Let's go?" Sabi ni Cat pagkabalik niya sa pwesto namin. Wala naman akong nagawa kung hindi ang tumango at hindi na siya kinulit pa tungkol sa naudlot naming usapan bago siya pumuntang wash room.

Habang nasa taxi kami ay nakatingin lang siya sa labas. Hindi na rin siya clingy katulad dati, sa tingin ko ay kusa na siyang dumistansiya sa akin dahil may girlfriend na ako. Ayos lang din naman sa'kin dahil ayaw ko rin naman bigyan ng dahilan ang girlfriend ko ng ikakaselos niya. Nakakapanibago nga lang.

Ginaya ko na lang din siya at tumingin din ako sa labas, sakto namang may nakita akong dalawang taong pamilyar sa'kin na magkausap sa isang restaurant. Hindi lang naman silang dalawa ang nandoon dahil may mga kasama pa ito, hindi nga lang kita ang mga mukha no'n sa pwesto ko.

Kung tama ang nakita ko ay si Lilith at Percy iyon.

Nabaling naman ang atensyon ko sa telepono kong hindi pala naka-silent. May meeting pa naman ako mamaya, mabuti na lang at ngayon may tumawag.

"Hello? Is this Iniko Peterson?" Tanong ng isang hindi pamilyar na boses ng babae sa kabilang linya.

"Yes, who's this?" Kunot noong tanong ko.

"Good afternoon, Ms. Peterson. I'm Glori De Leon, I'm the dean in your sister's current school, Griffin High." Pagpapakilala nito.

"What happened to her? Is she okay?" Natatarantang tanong ko.

"Oh, she's fine but her schoolmate isn't." Sabi nito kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay may nangyaring masama sa kapatid ko.

"Okay, what happened?" Kalmado ko nang tanong.

"I think it's better if we're gonna talk here in my office with her schoolmate's parents." Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi nito.

"Okay, I'll be there in 15."

"That's great! We'll wait for you, Ms. Peterson." Sabi nito at binaba na ang tawag.

Pagbaling ko ng tingin kay Cat ay nakatingin na ito sa'kin na parang nagtatanong.

"I'm gonna go to Aki's school."

"What happened?" Takang tanong nito.

"Hindi ko rin alam, hindi rin dinetalye sa tawag kaya pupunta ako ro'n ngayon. Pakisabi na lang kay Rin na may importante akong lakad, ha?" Bilin ko sa kaniya.

"I'll come with you."

"Huwag na, masyado ka na namin naaabala ng kapatid ko. Malapit na rin tayo sa company." Kokontra pa sana siya pero may tumawag din sa kaniya. Pagkababa niya ng tawag ay kinausap niya ang driver ng taxi at sinabing sa Griffin High na kami dalhin.

Napa-face palm na lang ako dahil ibig sabihin lang no'n na parehong sangkot ang mga kapatid namin sa gulo sa school nila.

Ang mga batang 'yon talaga. Noong unang beses silang nagkitang dalawa sa bahay namin ay pareho silang mahiyain, noong una ay nagtitinginan lang silang dalawa habang kami namang mga ate nila ay gumagawa ng fort sa living room hanggang sa napagpasiyahang umupo ni Hexane sa tabi ni Aki. Pareho silang 3 years old noong panahon na 'yon, ang cute-cute lang nilang dalawa. Magmula nang maglaro sila ay lagi nang sumasama si Hexane kay Cat kapag pumupunta siya sa'min at gano'n din naman si Aki kapag kami ang pumupunta kanila Cat.

Nang makarating kami sa Griffin High ay dumiretso kami ni Hecate sa Dean's Office. Nakita naman namin ang dalawa sa labas.

"What happened?" Nag-aalalang tanong ko kay Aki. Hindi naman sumagot ang kapatid ko at nag-iwas lang ng tingin.

"Hexane Redwood! Bakit may pasa ka?!" Galit na tanong ni Cat.

"Nadapa lang ako, Ate." Sabi nito at kinamot ang dulo ng kilay niya.

"Iba ang nadapa sa tinulak." Nakasimangot na bulong ni Aki.

"Ms. Redwood, Ms. Peterson, nand'yan na pala kayo. Pasok na po." Sabi ng isang may edad na babae.

Inakbayan ko naman ang kapatid ko at pumasok kami sa loob nila Cat.



No Strings AttachedWhere stories live. Discover now