"Ang aga kasi nagising ni Lucy, Jadey," Ngumuso siya. "Pinauwi niya agad ako, hindi man lang kamo ako pinakain!"

Ate Jade laughed at her. Parang bata talaga siya, kahit pala talaga dito sa bahay nila ay ganoon siya kumilos. Hindi nagtagal ay naupo na siya sa tabi ni West, nakikikain. Pero hindi siya pinapainom ng kape dahil bawal daw sa kanya.

"Wait..." Kumunot ang noo ni East at tinitigan ako. Parang ngayon niya lang ako napansin based sa reaction niya. "Ella, why you here?"

Napangiwi ako. "Ah, ano kasi, bale dito na ako pinatulog ni Ate North. N-nalasing kasi si..." Tiningnan ko yung kambal niya at mukhang na-gets agad ako nito.

"I see..." Tumangu-tango siya. After ilang seconds ay pinandilatan niya ako ng mata. "Ella!"

"B-bakit?"

Mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. Hindi na ako nakapag-react nang bigla na lang niya ako hilahin patayo at basta dinala sa living room nila. Pinaupo niya ako sa sofa at nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. Napalunok ako dahil ang lapit niya.

Lord, bakit naman kasi kamukhang-kamukha ni East si West? Ninenerbiyos ako!

"East-"

"Wala namang ginawa si Westy sa'yo?"

"Huh?"

"Wala? Like kahit ano?" tanong niya pa ulit. Lalong hindi ko na-gets dahil ang bilis niya magsalita, nawiwindang ako. "Wala siyang ginawang kahit ano sa'yo kagabi? As in anything?"

"Ano?" Hindi ko alam kung shunga ako or what pero nagugulumihanan ako sa kinikilos ni East.

Nilapit niya lalo ang mukha sa akin kaya halos ilubog ko na ang sarili sa kinalalagyan. Juice colored, East! Hindi nakakatulong na ang serious ng expression mo, mas nagiging hawig mo ang kambal mo!

Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon