"Hindi mo sure, Ella" saad ni Trixia.

"Akong bahala okay? Irereto ko si Deah at wala pang isang Linggo, lalabas na sila para mag-date" umangat ang gilid ng labi ko ng makita ko si Deah na nag-angat ng paningin sa akin.

"So ituro mo na sa akin ang lalaki at ipapakilala kita," saad ko bago uminom ng tubig habang nakatingin kay Deah na tumango bago ipinalibot ang kanyang paningin sa buong canteen.

Napansin kong tumigil ang tingin niya sa may bandang likuran ko. Namula pa siya kaya sinundan ko ang paningin niya at doon ko nakita ang gusto niyang lalaki. Kumunot ang noo ko ng makita ang lalaking gusto ni Deah na nakatingin sa akin bago kumindat. Pota? Namamalikmata yata ako.

Agad akong nag-ayos ng upo at humarap kay Deah na nakayuko na naman habang namumula. Siya siguro yung kinindatan ng lalaking iyon. Mukhang mas mapapadali ang misyon ko dahil napapansin pala siya nung lalaki.

"Mukhang wala pang isang buwan, kayong dalawa na ang susunod na magiging magkasintahan dahil sa taglay kong talino..." saad ko bago ngumisi.

"Tell me his name," saad ko. Napaangat ng tingin sa akin si Deah bago tumango.

"Javier Guriego, second year din siya kagaya natin at kaibigan niya si Elion at Aiden na kilalang mga playboy..." tumango ako.

"Oh! Tahimik muna kayo nag-iisip na ang genius," saad ni Trixia kaya ngumisi ako sa kanya.

"May ice cream ka sakin mamaya," napapalakpak naman si Trixia dahil sa sinabi ko. Mahilig siya sa ice cream eh!

"Okay mamayang uwian hintayin niyo ako dahil kakausapin ko ang bebe mo Deah para ireto ka, Game ba kayo?" tumango silang apat sa akin kaya napatangu-tango ako.

"M-May kasama siyang babae kanina..." halata sa boses ni Deah ang lungkot habang naglalakad kami palabas ng main building para hanapin si Javier. Uwian na namin kaya hinahanap na namin si Javier.

"Huwag kang mag-alala tutulungan kitang maging sayo siya," tumango si Deah bago ngumiti.

"Ayun siya oh!" sabay turo ni Shiela kay Javier na nasa ilalim ng puno kasama ang isang babae.

"Ako ng bahala sa babae," hinubad ko ang bag ko bago walang pag-aalinlangang nilapitan si Javier na nakatingin sa babae.

"P-Please kahit isang date lang! Sana payagan mo akong ipakita sayo na gusto kita!" agad akong lumiko dahil wala muna akong balak manggulo ng isang confession. Dahil mahirap mag-confess lalo na kung ganyan kasikat at kagwapo ang lalaking kakausapin mo.

Pumuwesto ako sa likod ng puno kung nasaan sila. I admit, Deah has a beautiful taste when it comes to a man.

Javier is a tall man, with muscular body and a handsome face that would literally make girls scream if they saw him looking at them. He had a clean cut hair which made him more attractive but he has this Playboy awra around him.

Mukhang tama nga sila Shiela. Mukhang mahihirapan akong kumbinsihin ang lalaking ito na i-date si Deah. Pero kakayanin ko!

"Sorry, I'm not interested" rinig kong malamig na tugon ni Javier sa babaeng kausap niya. Bahagya akong sumilip sa kanila at napansin ako ng babae kaya agad siyang umalis at halata sa kanyang mukha ang pagkabigo.

"Are you eavesdropping?" halos mapatalon ako dahil sa gulat ng makarinig ako ng isang baritonong boses na nagmumula kay Javier na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko.

"Bakit naman ako makikinig sa babaeng nag-coconfess sayo-?" agad kong tinakpan ang bibig ko ng mapagtantong hindi dapat iyon ang sinabi ko.

He chuckled sexily before leaning near me. Agad akong napa-usog dahil sa paglapit ng malandi na ito.

"I see..." saad niya bago ngumiti ng nakakaloko at tumayo ng maayos. Nakahinga ako ng maluwang dahil doon. Napunta ang atensyon ko kila Trixia na pinapanood ako mula sa malayo. Nakita ko ang madilim na ekspresyon ni Deah habang nakatingin sa amin.

Don't worry Deah, he's yours.

This isn't the first time someone hit on me. Lahat ng lalaking gusto ng mga tinutulungan ko ay lagi akong nilalandi pero sa huli ang bagsak nila ay dun sa mga tinulungan ko.

Bakit?

Kase binantaan ko sila na sisipain ko ang kanilang mga alaga na nasa gitna ng mga hita nila kapag hindi nila di-nate o binigyang pansin ang mga nireto ko sa kanila. At dahil mahal nila ang alaga nila edi iyon sumunod sila sa gusto ko. Hanggang sa nagustuhan na din nila ang mga tinulungan ko.

"You're Javier, right?" tumango siya kaya ngumiti ako ng nakakaloko.

"Okay so I'll tell you what I want," saad ko, napangisi naman siya bago tumango.

"So you want me?"

"What the fuck-!" kunot ang noo ko habang pinapanood ko siyang tawanan ang naging ekspresyon ko dahil sa sinabi niya.

"Pwede ba? Magseryoso ka?" pasinghal kong tanong sa kanya. He looked at me with amusement in his eyes.

"Bakit? Hindi ba ako tama? Lahat ng mga babaeng lumalapit sa akin ay ibinibigay nila ang sarili nila kahit hindi ko naman gusto," saad niya kaya napairap ako. Wala akong pake sa mga babae niya.

"Well, sadly. Hindi nila ako kagaya dahil iba ang ibibigay ko," he bit his lower lip as he look at me curiously.

"What is it?" tanong niya bago bi-nend ang upper body niya para maging magkapantay ang mga mukha namin.

"May reto ako sayo..." saad ko bago ngumisi sa kanya. Napatingin naman siya sa mga mata ko bago umangat ang gilid ng labi niya.

"Really? Then who's this girl?" tanong niya.

"I'll make sure you'll be hers and she'll be yours," saad ko bago ngumisi sa kanya.

And now I'll make sure that the 'Mission: Make Javier Guriego fall for Deah Valdes' will be successful like how my other mission too.

Make You Mine (CRS #4)Where stories live. Discover now