Bituin

89 19 4
                                    


Ako'y umibig sa isang binibini
Gusto ko na ako ang kanyang bayani
Ipagtatanggol ka sa anumang laban
Kahit kapalit nito ay kamatayan

Pero pag-ibig ko'y walang napuntahan
Walang iba kung hindi sa basurahan
Hinayaan nalang ito na mabulok
Parusa ito sa mga marurupok

Nasilayan ko ang iyong kagandahan
Tangi't namumutawi sa kalawakan
Mga nilalang sayo'y nakatingin
At kasing ganda mo ang mga bituin

Tulad ng bituin ang iyong pagningning
Binabalot ang langit ng iyong sining
Ikaw man ay isang magandang tanawin
Ang imposible mo talagang sungkitin

Poems from a Scarred HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon