Chapter 1

8 1 1
                                    

▪︎CHAPTER ONE▪︎
Seeking Something Special

Myrddin's POV
~•~

~I lay my love on you. . . It's all I want to do. . . Every time I breath, I feel brand new. . . You open up my heart. . . Show me all your love. . .  And walk right through. . . As I lay my lo~

"AYY—ANAK NG LOVE!!" Gulat na naibulalas ko nang bigla ako'ng matumba dahil sa lakas ng pagkakabangga sakin.

"Oh! Sorry miss, sorry"

Nagsalubong ang kilay ko at inis na nilingon ang nakabangga sa'kin. Pero hindi ko makita ng mabuti ang taong nakatayo sa harap ko dahil nasilaw ako sa araw. Isang lalaki.

Nabigla siguro ang mata ko sa nakaksilaw na liwanag na biglang tumama dito kaya medyo nagbu-blur pa ang paningin ko. Kaya kinapa ko na lang sa sahig ang natapong headphones ko.


"Myyrrrdddd!!"

Nilingon ko ang sumigaw at kahit blur ang paningin ko ay alam kong si Dhaoryll yun dahil siya lang naman ang tumatawag sa'kin ng gano'n. Hindi ganon ka-labo ang mata ko. Sadyang nabigla lang ako sa pagkakatumba.

Patakbo siyang lumapit sa'kin at parang may pinulot at maya-maya lang ay nasa kamay ko na ang headphones kong nasira. Kaya naman ay humarap agad ako sa nakabangga sa'kin para sumbatan siya.

"Baka puwede kang tumingin sa dinada—" Sarkastikong singhal ko nang bigla akong matigilan.

S-si Hansel?! Nako naman! Kinusot-kusot ko pa ang mata ko pero siya talaga, eh.

"Tsk! Tumingin ka naman kasi sa dinadaanan mo 'tol!" Pangaral ni Dhaoryll sa kanya. "Tingnan mo ang nangyari kay Myrddin 'ko'!" Dagdag niya pa habang napapaturo sa'kin. Kaya agad naman akong napakunot noo.

Ano'ng Myrddin 'ko'!? Psh! Di ba talaga siya titigil kakaganyan?

"Bakit mo naman kasi ako iniwan sa labas ng gate, Myrd? 'Diba sabi ko, sabay tayo'ng pumasok?"

Hindi ko siya pinansin. Sa halip ay pinulot ko ang headphones ko na natapon tsaka sinubukang tumayo. Pero– ugh! Ang sakit ng pwetan ko!

"Aray!"

"Sorry... M-Merdin. I'm really sorry, I-I didn't mean it. Let me help you." Lumapit agad sa'kin si Hansel at napalunok pa'ko nang inabot niya sa'kin ang kamay niya. Kilala niya rin pala ako? Nanginginig ang kamay na inabot ko 'yon.

... pero ang epal na Dhaoryll. Tinapik pa yung kamay ni Hansel nang malapit ko nang maabot 'yon!

"Sus! Huwag na 'tol! Kung tinulangan mo agad siya kanina, edi nakatayo na siya ngayon! Hah!" Panunumbat pa ni Dhaoryll saka siya naman ang nag-abot ng kamay sa'kin

Psh! 'Yon na sana 'yon, eh.

Nagsalubong naman ang mga kilay ko at napabagsak ang balikat na inabot ko yun tsaka pinagpag ang palda ko't inayos ulit ang salamin.

"I'm really sorry, M-Merdin. Sorry, It's my fault. I'm in a hurry and I didn't look at my way." Parang takot na takot siya kaya napangiti ako sa loob loob ko.

Ang cute!

"Hah! Sa susunod na—! Hmmp!"

Tinakpan ko ang bibig ng maingay na Dhaoryll dahil bukod sa panira siya ng moment, eh, daig niya rin ang tindera kung makadada. Akala mo naman, siya yung nadapa!

Teardrops of Heavenजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें