Teardrops of Heaven

9 1 2
                                    

Teardrops of Heaven

▪︎Prologue▪︎

Nagsawa ako sa katititig sa bulaklak na hawak ko kaya't naiisipan ko'ng tumayo mula sa pagkaka-upo sa bench. Hindi ko ininda ang lamig na dulot ng ulan na tumatama sa damit at balat ko.

Inilibot ko ang paningin sa park kung nasaan ako, umaasa paring makita ko siya. But still, I can't see him. Ang tanging nakikita ko lang ay iba't-ibang tao - mapabata man o matanda - na nagsisihanap ng kanilang masisilungan.

Hindi man lamang ako makaramdam ng hiya kahit na pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid. Maybe dahil ako lang ang tanging nakatayo sa ilalim ng ulan habang ang iba ay 'di magkanda-ugaga kakahanap ng pasilungan.

All I feel right now is disappointment. Dahil umasa ako. Umasa ako'ng magbibigay siya ng oras para sa'kin. Dahil 'yon ang pinangako niya.

Pakiramdam ko, tinalikuran na ako ng mundo. Akala ko noon, ako yung laging walang oras. But I didn't expected na ang mga tao pala sa paligid ko ang walang oras para sa'kin.

Hindi ko inaasahang aabot sa ganito ang mararamdaman ko. Na aabot sa puntong I would feel unloved. Na di na ako deserving sa attention ng mga taong mahal ko.

Alam ko naman na naging kami lang out of pressure. That I didn't really like him. Pero pinakita niya sa'kin kung gaano ako kahalaga sa kaniya. I've tried to like him too. But now na nakikita ko'ng nagsisimula na akong matuto na ibaling sa kaniya ang attensiyon na para sana sa taong nagugustuhan ko na hindi naman ako magustuhan, doon ko naman nakikita kung gaano ako ka-aksaya ng oras sa kaniya. Ang gulo lang.

Napatingin ako sa playground ng may marinig na tilian. At doon ay nakita ko ang mga batang masayang naghahabulan sa ulanan. Pawang mga nakangiti at makikita ang saya sa mga mata nila. At do'n na nga tuluyang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Kung sana, pareho lang kami ng nararamdaman ng mga batang 'yan. Sana ay isa lang ako sa mga batang 'yan na masayang naghahabulan habang nauulanan, at hindi nag-iisa dito na nagpapa-ulan at umiiyak.

Bigla ko'ng naramdamang tumigil ang pagtama ng ulan sa balat ko. At nang tumingala ako ay may payong na palang pumipigil na mabasa ako ng ulan. Gusto ko'ng umasa na sana ay siya na lang ang nagmamay-ari ng payong na kinasisilungan ko. Siya na totoong gusto ko at hindi ipinilit na magustuhan. Siya na kung sana ay gusto lang rin ako ay hindi ko na sana ipagsisiksikan ang sarili ko sa lalaki'ng di ko naman gusto.

"Please, kung sino ka man. Hindi ko kailangan ng payong mo, thank you. Just leave me alone, please." Sinabi ko iyon ng hindi hinaharap ang taong may hawak ng payong. Ayoko nang malaman pa kung sino ang may-ari ng payong na 'to.

Ilang sandali ang lumipas pero hindi ko pa rin siya naramdaming umalis. Napabuntong-hininga na lang ako at inihakbang ang paa ko. Pero hindi pa man ako nakakaalis sa pagkakasilong sa payong ay may naramdaman akong braso na pumigil sa'kin. Hinila niya ako pabalik at iniharap sa kanya. At doon nagtama ang mga paningin namin. Mas lalo pang tumulo ang luha ko.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng makitang ang taong inaasahan ko ang siyang nagmamay-ari ng payong. Nakikita ko sa mga mata niya ang awa. Pero hindi 'yon ang gusto ko'ng makita. Gusto ko'ng makita ang kahit na katiting na pag-asa na gusto niya rin ako.

Alam ko'ng mali dahil may karelasyon na ako. Maling umasa pa ako sa kaniya gayong siya ang dahilan kung bakit ko ipinagpilitan ang sarili ko sa taong 'di ko gusto. Maling siya ang hanapin ko sa tuwing kasama ko ang boyfriend ko. At mas lalong mali na siya ang nandito imbes na ang boyfriend ko. Pero alam ko rin sa sarili ko'ng mali na nakipag-relasyon ako sa boyfriend ko para gawing panakip-butas sa lalaking to.

"He didn't came?"

Tatlong salita lang 'yon pero nakaramdam ako ng kahihiyan. Gusto ko pa namang ipagmalaki sa kaniya na hindi lang siya ang kaya ko'ng magustuhan kahit na alam ko'ng wala siyang pakialam. Pero hindi ako sinipot ng boyfriend ko sa date namin.

"Ano namang pakialam mo do'n?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong niya kaya sinagot ko rin siya ng tanong.

"I just care for you. He shouldn't have let you be exposed to rain, you might get sick. And I know that I'm also one of the reasons why you're like this." I can feel the sincerity in his voice, but it can't heal the pain he made inside.

"You care for me? Or you just symphatize me? Hah! Pwede ba? Oo, noon ay ikaw ang dahilan ng pag-iyak ko. Pero noon 'yon. Right now, I am crying because of another guy. At hindi na ikaw ang dahilan. Do you understand?" Gigil ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko, pinipigilang sigawan siya.

Nakita ko'ng nabigla siya sa inasta ko, maging ako rin ay nabigla. Ilang sandali pa ay tumango-tango siya. "Yeah, I understand. I'm sorry."

Bumaba ang tingin ko at do'n ko napansing hawak ko pa rin ang bulaklak na kanina ko pa dala-dala. I know it's kinda awkward na ako ang magbibigay pero, para sana 'to sa boyfriend ko, eh.

Palihim ko'ng pinunasan ang mga luha ko. Pero agad ko 'yong tinigil nang marinig ko siyang magsalita ulit.

"You know what? Whenever I'm sad, hindi ako nahihiyang umiyak. Because I know, heaven didn't. Hindi siya nahihiyang ipakita sa mundo ang pag-iyak niya. Just always remember that you are not alone. Heaven is always by your side." Tumingala siya habang nakasilong parin sa payong niya.

Bumaba ang tingin niya pasalubong sa mga titig ko. At nakita ko ang unti-unting lumabas napakatamis niyang ngiti.

"I often wonder kung bakit ka palaging nandiyan kapag nalulungkot at naglulugmok ako. Nandiyan ka sa isip ko, sa puso ko, sa paningin ko. At minsan nga, di ko na lang namamalayan, nandiyan ka na pala sa harap ko. Wala kang sinasabi, but you lighten up my mood. Pero bakit kahit gano'n... hindi mo pa rin ako magustuhan?" Hindi ko alam kung tama ba'ng sabihin ko ang matagal nang bumabagabag sa isip ko gayong kakasabi lang niya ng mga words of wisdom niyang nakapagpagaan ng loob ko.

"I should have realized it when things aren't this hard."

Naguguluhan ko siyang tiningnan. Hindi maintindihan kung parte pa ba 'yon ng words of wisdom niya o ano.

Napasinghap ako nang hawakan niya ang pisngi ko ng isang kamay niya. At di ko alam kung bakit pero... parang nakikita ko na ang pag-asang matagal kong hinanap sa mga mata niya.

"Myrddin, what if I really can like you?"

Hansel... pinapaasa mo na naman ba ako?

Teardrops of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon