Chapter 2

4 1 5
                                    

Author's Note: Elysia Myrddin in the media. Enjoy reading :)

▪︎CHAPTER TWO▪︎
Unwelcoming The Most Welcomed

Myrddin's POV
~•~

DUMATING kami ni kuya sa bahay na naambunan. Mabuti nalang, 'di na tuloy ang ulan at ambon lang.

Pagkarating namin sa bahay, napansin ko'ng may itim na kotseng nakaparada sa garahe dahil bukas ang gate. Teka, kina kuya Mendel 'yan, ah.

"Anong ginagawa nila kuya Mendel dito?" Takang tanong ni kuya Mike. May pamilya at sariling bahay na kasi sila kuya Mendel. Minsan lang sila makadalaw rito ng asawa't anak niya dahil busy siya sa pagiging doctor. Gano'n din si kuya Martius. Do'n siya tumitira sa kumbento kung sa'n siya naka-destino. Do'n sa kabilang bayan.

"Baka naman dumalaw lang. Malamang, na-miss tayo. Na-miss ko na rin si Maddi, eh." Nakakamiss nga naman talaga sila. Lalong-lalo na ang pamangkin ko'ng napaka-cute!

Niyaya ko nang pumasok si kuya Mike nang magsalita ulit siya.

"Woah! 'Tol, anong okasyon? May reunion ba?"

Hindi pa man naipapasok ni kuya ang motor niya sa garahe, may dumating namang motor sa labas. Si kuya Marvell sakay ang girlfriend niyang may bitbit na limang box ng pizza.

"Akin na po, ate. Mabuti't nakabisita ka dito." Kinuha ko ang box ng mga pizza kay ate Lairra. At magkasama na kaming pumasok sa loob. Close kasi kami neto.

"Kamusta first day, Myr, Mike?"

"Naku kuya Marv, ewan ko lang diyan sa kapatid mong si Michelangelo."

"Ano na naman yon?"

"'Sus 'tol, behave 'to no. Mamaya, turn off pa chic ko sa'kin, eh."

"Ah talaga, Mike? May dumating na opportunity? Ang alam ko, lagi ka namang naba-basted, eh." Natawa si ate Lai kaya nadala na lang ako.

Nasa pintuan pa lang kami, dinig na dinig na namin ang ingay sa loob. Mga nagtatawanan at nagkakasiyahan. Una ko munang binuksan ang screen door saka ang pinto pero natigilan ako ng makita ko ang babae sa loob na may malawak na ngiti habang kandong si Maddie sa kanyang hita. Halos mabitawan ko na rin ang pizza pero mabuti na lang ay nahawakan ko 'yon ng mabuti.

Naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata at ang pamumula ng ilong ko. Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Oh, Myr. Dali na, hindi ka pa ba papasok?" Ang pagtawag ni ate Lai sa akin ang nagpabalik sa huwisyo ko. At napalingon rin ang mga tao sa loob sa direksyon ko. Nakapasok na pala sina kuya Marv at Ate Lai at kami na lang ni Kuya Mike ang nandito sa bukana ng pintuan.

Napakurap ako ng ilang beses at dali-daling pinunasan ang mga luhang namuo sa mata ko.

Nakita ko'ng ngumiti ang babae pagkakita sa amin ni kuya Mike at napatakip pa sa bibig habang humihikbi.

"Oh my god, mga anak ko! Ang lalaki niyo na talaga." Ibinuka niya ang dalawang braso at lumapit sa'min. "Payakap nga si nanay."

Teardrops of HeavenWhere stories live. Discover now