Pasimple ko tinanggal ang kaniyang kamay sa akin, Napabuga siya ng hangin dahil sa aking ginawa.

"May araw ka rin brat, tandaan mo yan"

"Babush Mr. Montecristo, see you when I see you" pang-asar na balik ko sa kaniya.

Mabilis kong nilisan ang silid dahil ayoko na gumawa ng issue. Agad naman nagtayuan ang mga bodyguard ng makita ako.


****SOMEONE'S POV****

Naiiyak ang isang ama habang pinagmamasdan ang anak na natutulog. Dahil sa matinding kabiguan ay muntik ng mawala ang kaniyang anak. Hinding hindi niya mapapatawad ang lalaking nanakit sa kaniyang unica hija. Mabuti at naagapan ito dahil kung hindi tiyak na nasa kabaong ang anak nito.

"magbabayad ka Jam Montecristo Sisiguruhin ko na ikaw ang paglalamay" gigil at puno ng pagkasuklam

Tumayo ito at lumabas ng silid, ng makita siya ng kaniyang kanang kamay agad itong lumapit sa kaniya.

"Tawagan mo ang Dispatcher may ipapagawa ako"

"masusunod Boss"

"sabihin mo ang binatang Montecristo, Jam Montecristo ay kailangan mamatay ngayon araw, kapag nagawa ng maayos at malinis magbibigay ako ng karagdagan pabuya."

"Tiyak boss na matutuwa ang mga yun, matagal ng wala silang trabaho"

"Sige na, maghihintay ako ng magandang balita"

"Yes boss, good news para bukas"

Agad umalis ang kaniyang tauhan at siya naman ay muling bumalik sa silid para bantayan ang kaniyang unica hija.

****JAM****

Isang linggo na rin ang lumipas matapos ang engkwentro ng bratinellang Dela Torre.  Pauwi na ako ngayon kailangan ko pang dumaan sa flower shop para bumili ng bulaklak. Dahil birthday ni Mommy kailangan na kompleto sa dinner kung hindi tiyak na magtatampo ito.

Habang nagmamaneho pansin ko ang isang motor at isang SUV na may pagka-kaskasero kung magmaneho. Hindi ko sana papansin pero parang nakasunod sa akin.

Agad ko inihinto ang kotse ng makakita ng isang bagong bukas na flower shop. Mas okay na dito na ako bibili para mas mabilis na nakauwi.

Kung minamalas ka nga naman unang bumungad sa akin ang pagmumukha ni Brat, nakasuot ito ng maxidress kaya nagmukha itong mabait. May hawak din itong bulaklak pero nasa paso.

"Ngumiti ito ng mapang-asar sa akin pero agad din nawala dahil nakatingin ito sa aking likuran, hindi ko alam bakit siyang biglang tumakbo papunta sa akin at bigla akong dinamba.

" Fuck"

Sunod kong narinig ay

Bang...

Bang...

Bang....

Bang...

Bang.....

putok ng baril hindi ko mabilang dahil ibat-ibang ingay na ang maririnig, pagkabasag ng salamin, sigawan ng mga tao, habang si brat nakadagan sa akin ay naramdaman ko ang pagkilos nya.

Kahit masakit ang aking likuran nakita ko itinataas niya ang dress para kunin ang mga baril nakatago sa kaniyang hita, parehong hita niya ay may nakasukbit na maliit na baril.

Walang pag-aalinlangan niyang pinagbabaril ang mga armadong lalake. Napatumba niya ang apat ang ang tatlo at sugatan pero mabilis na nakatakas.

Ramdam ko ang sobrang takot, tiyak akong ako ang pakay nila.

"Ano hihiga ka lang dyan, tumayo ka na"

Maya-maya ay dumating ang mga, armadong lalake na walang maskara. Hindi ko napigilang pumunta sa kanyang likuran ni Brat.

"Baliw kahit magtago ka sa akin, makikita ka nila, hindi ka talaga nag-iisip, ligtas ka na boy mga bodyguard ko yan"  tawa pa ito ng tawa halatang natutuwa siya sa nangyari.

Nakaka-asar talaga.




Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Dec 26, 2022 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

The Royal Couple, Double, Trouble 1  (On-Going) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang