Kabanata 3

1.9K 103 57
                                    


***ADRIANNA***

Tanghali na ako nagising, ginawa ko muna ang aking morning rituals. Kinuha ko ang aking mobile phone para tingnan ang aking mga social media account. Hindi ko mapigilang tumaaas ang aking kilay ng makita ang trending sa araw na ito, mula ang  post kay Elena na kasama ang babaerong walang class kung pumili ng babae na si Jam Montecristo na halatang katatapos ng na magsex ang dalawa, kitang topless sila pareho na nasa kama habang si Elena ay nakatapis ang kumot, stolen shot ang picture na halatang hindi alam ni Jam dahil nakaside view ito, ewan ko ba kung bakit ko naging first crush ang mokong kaya lang na turn-off ako dahil nakita ko siyang nag-ma-makeout session sa isang parking lot kasama ang isang retokadang model kahit kailan wala man lang class ang mga babaeng pinapatulan.

Iba't ibang komento ang mababasa at halos lahat ay inggit kay Elena dahil nakadate at nakasama nito ang pinakabatang bilyonaryo. Lahat ng komento ay mula sa kasama niyang modelo na kaplastikan niya. At hindi sinasadya na pusuan ang post, as in Ewwww nakakabadtrip talaga.

Nagpasya na akong bumaba para tingnan ang mga alaga kong aso, ilang minuto din akong nagtagal sa kanila.
Matanda na rin sila kaya kumuha ako ng tagabantay nila para mas tutok sa pag-aalaga. Animal lover talaga ako pero hindi halata dahil sa maldita na awra ko, naging aktibo ako sa mga organisasyon na may hangarin para mabigyan ng kalinga sa mga homeless na aso't pusa, ang mga alaga ko dahilan kahit papano ay nabawasan ang negative vibes ko at stress, kasi nakakasira ng araw tingnan ang mga post ng isang attention seeker na kagaya ni Elena.

Nagpunta ako sa kusina at talagang ang swerte ko dahil andun si Andrei gumagawa ng homemade bread pizza, yung tirang tasty bread na nilagyan niya ng ibat-ibang toppings yung tira sa almusal kagaya ng ham, hotdog, sausages atbp. Madami din klase ng cheese na talagang nakakagutom.

"Hi Lucifier, mukhang masarap yan ah"

"Oo? masarap pero wala akong balak na bigyan ka"

"Ang damot mo naman, kakambal mo ako tapos ang sama ng ugali mo sa akin"

"kung gusto mo gumawa ka, hindi yung gawa ko ang kakainin mo na naman"

"Ang damot mo, kaya ang panget mo na"

"Kung panget ako, mas panget ka"

"Whatever"

Nakaisip ako ng gagawin na tiyak na asar talo si Andrie, isinalang na niya sa oven tiyak na ilang minuto lang ay makakakain na ako, kaya nagbukas muna ako ng ref para kumuha ng freshmilk at pa simple nagtext kay father na kunwari hanapin niya si Andrei, wala pang dalawang  minuto ay may tumatawag na kay Andrei. Lumabas ito ng kusina saktong tumunog ang timer ng over. Madali kong kinuha ang tatlong piraso ng bread pizza at dahil mabait naman ako ay nagtira ng isang piraso. Isang ngiting tagumapay ang gumuhit sa aking mga labi. Mabilis akong bumalik sa kwarto dala-dala ang pagkain, mas safe kung sa kwarto ko kakainin.

Tagumpay na naman ako saktong sa huling subo ko ay nakarinig ng malalakas na katok. Sarap na sarap ako habang nginunguya ang pagkain, tiyak na hindi na maipinta ang pagmumukha ni Andrei. Kaya mas maigi na hindi ko na lang pansinin pwede naman siyang gumawa ulit.

Sa wakas tumigil na ito sa pagkatok at nakarinig ako ng sunod-sunod na message alert tone.

"Sumakit sana ang tiyan mo"

"Magtae ka sana ng isang linggo"

"magsuka ka sana pati bituka mo maisama"

Napangiti na lang ako,
hindi ko na lang pinansin dahil kailangan maghanda para mamaya, isa ako sa napili na maging modelo ng bagong itatayong condotel, ang alam ko ay project ng Montecristo Empire tiyak naroon si Jam na maharot dahil sa mahilig ito sa babae.

****

Safe akong makakalabas ng bahay dahil tiyak akong nasa headquarters na si Andrie. Adik na adik yun sa training gaya ng self defense at paghawak ng ibat-ibang uri ng baril.
Kaya kahit na menor de edad pa lang ito ay may magandang hubog na ito ng katawan at hindi papatalo sa mga hunk model o actors. Madalas man kaming magbangayan ay hindi naman ito nanakit sa akin takot lang niya kay tatay.

****

Alas kwatro na ng hapon andito na ako sa lobby ng ELISE hotel, nakikita ko din ang ibang model na walang ibang ginawa kundi tingnan ang sarili sa compact mirror nila as if may magbabago.

Ang ingay talaga grupo ni Elena na halatang attention seeker pa grand entrance pa ang peg.
Dumating lang sila biglang umingay ang paligid, hay mga walang breeding akala mo sila lang ang tao.

Sabay-sabay na kaming pinapasok sa conference room, mga nasa kinse ang mga model na pina-upo sa long table. May inihandang pagkain sa amin, saktong sa pwesto ko kitang kita si Jam kasama ang ilang executives habang ang grupo ni Elena akala mo mga bulating inasinan dahil sa presensiya ni Jam.

Habang kumakain ay ilang beses ko rin napapansin na nakatingin sa akin si Jam.
I know right dahil ako ang pinakamaganda sa lahat. Nang masiguro ko na ako talaga ang tinititigan ay nakaisip ako ng kalokohan, tinusok ko ang bratwurst sausage hindi ko man lang pinagka-abalahan na putulin, nakipagtitigan ako sa kanya at malandi kong kinagat sabay kindat sa kanya. Naibuga nya tuloy ang iniinom na juice kaya napatingin ang lahat sa kaniya. Pasimple akong nagpunas ng aking bibig para matakpan ang pagpipigil ko ng aking tawa.




****JAM****

Walang akong gana na pumunta sa dahil sa tadtad ang social media account ko ng mga negative comments tungkol sa amin ni Elena. Halos boung angkan ko ay pinagtulungan ako, kasi sa group chat ay ako pa rin ang topic, tama nga nasa huli ang pagsisisi.

Napag-alaman ko rin kanina na yung nakalusot na paparazzi ay kaibigan pala nito, gusto na gumawa ng ingay para lalong pag-usapan si Elena. Dapat lang na iwasan ang babaeng desperada dahil tiyak na may gagawin pa ito na ikakapahamak ko.

Andito kami sa ELISE hotel para makita at makilala ang mga model na kukunin para sa endorsement ng condotel. Nakita ko ang grupo ni Elena na mukhang tuwang-tuwa at halatang ako ang pinag-uusapan, pero ang naka-agaw ng pansin sa akin ay ang anak ni Tito Andrius si Andrianna.

Ang ganda talaga ng batang ito, ang bilis ng panahon at dalaga na ito sa simpleng lang ang ayos nito pero angat sila sa lahat, hindi ko mapigilang titigan siya, alam kung off limits ang dalaga dahil tiyak tanim bala sa noo ang aabutin ko.

Ilang beses din kami nagkakatitigan pero hindi ko inaasahan ang gagawin niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ilang beses din kami nagkakatitigan pero hindi ko inaasahan ang gagawin niya. Habang umiinom ay nakatitig lang ako sa kaniya,nakipagtitigan din siya sa akin, mapang-akit niyang kinagat bratwurst sausage sabay kindat sa akin, dahil sa pagkabigla ay naibuga ko ang akin iniinom. Nagkanda-ubo-ubo ako at nabasa ng husto. Hindi nakaligtas sa akin ang pasimple niyang pagpunas ng kaniyang labi upang takpan ang pagtawa nito.

Napahiya ako dahil sa kagagawan ng isang brat, humanda ka sa akin.



Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Royal Couple, Double, Trouble 1  (On-Going) Where stories live. Discover now