Kabanata 4

469 33 20
                                    

***ADRIANNA***

Mabilis na natapos ang event ngunit nanatili pa rin kami dahil sa may mga kailangan pang pag-usapan tungkol sa magiging theme, location, outfit na gagamitin sa pictorial, medyo naiinip na din ako at inis dahil sa paulit-ulit na tanong ng ilang model na nuknukan ng slow maka-pik-up sa gusto mangyari ng event organizer o yung incharge sa commercial, hindi ko mapigilang umiikot ang aking mga mata. Para makabawas ng pagkabanas ay napalingon ako sa isang bahagi ng silid, glass wall iyon kaya makikita ko ang mga bodyguard na nagkalat sa lobby na abala sa pagbabantay sa akin.

Mabuti na lang at naka-casual atiire sila kaya walang mag-aakala na mga bodyguard sila at ayoko na naka-uniform sila tiyak na halata na mga bodyguard sila. Iniiwasan ko kasi na maging center of attraction. Ayoko na mapansin dahil sa dami ng mga bantay hindi naman sila nakakahiyang kasama, Napabuntong hininga na lang ako kapag naiisip na hindi ako papayagan ni tatay na umalis ng bahay na hindi sila kasama, paano kaya ako magkaka love life sa sobrang dami ng hadlang at laging time to time maka-report kay tatay sa bawat kilos ko.

Kahit na babae ako ay may alam naman sa self-defense at paggamit ng baril, dahil na rin sa kilalang lider ng mafia si tatay kailangan kong matutunan ang mga bagay na iyon. Noong nakaraang taon sa birthday namen ni Andruis ang regalo sa amin ni tatay ay baril, sa akin zigana 9mm pistol rose gold  at kay Andrius ay isang cartel gold AK 47, halos hindi maipinta ang mukha ni nanay dahil doon.

Pero ng ipinaliwanag ni tatay kay nanay na mas maigi na marunong kami dahil na rin sa mga kaaway na handang sirain ang Dela Torre mafia clan. Madalas kong dala ito at every once a week ay may practice ng shooting at si tatay mismo ang trainor namen. Simula ng bigyan ako ni tatay ng baril na naging hobby ko na rin nag collect ng mga baril sa tuwing nakakakuha ng pera sa modeling.

Napatingin ako ulit kay Jam na hindi maipinta ang mukha dahil sa ginawa ko, malay ko bang masyadong obvious yung reaksyon niya at napahiya sa simpleng pang-aakit ko.

Hindi ko na lang pinansin ang masamang tingin na ipinupukol sa akin, paki ko ba sa kaniya hindi ko kasalanan na dyosa ako ng kagandahan.

Sa wakas natapos na din, agad  akong tumayo para makalabas ilang hakbang pa lang mula sa aking kinauupuan ay may biglang humablot ng aking kaliwang braso kaya natigil ako sa paglakad, napalingon ako at mukha ni Jam ang bumungad sa akin na halatang nagpipigil sa pagkapikon, namumula ang tainga nito at sambakol ang pagmumukha, kaya napatingin ako sa paligid halos lahat ay nakatingin na sa amin, inihanda ko ang ngiting mapang-asar, ngumiti ako sa kaniya upang ikalma na rin ang aking sarili.

"Hey Montecristo"

"Hey Brat ano tatakas ka?"

Napataas ang aking kilay dahil sa kaniyang sinabi.

"Bakit naman ako tatakas? Unang-una Mr. Montecristo wala akong utang sayo, wala din akong atraso sayo at higit sa lahat hindi ko kasalanan na hindi mo kinaya ang pagiging dyosa ko ng kagandahan." mahabang sagot ko sa kaniya pero tiniyak kong siya lang ang makakarinig

Napatawa ito ng nakakaloko at ngumisi na parang aso.

"Wow masyadong kang bilib sa sarili mo brat"

"Hindi kaya nagsasabi lang ako ng totoo, BITIWAN. MO. NGA. AKO.
NGAYON. DIN. BITAW." puno ng diin ang aking pagkakasabi

Mabuti na lang at lumuwag na ang pagkakahawak
" kung pwede h'wag kang paharang-harang sa dinadaanan ko, alalahanin mo nagkalat ang mga bantay ko sa labas ng silid baka maospital ng ka di oras"

"tinatakot mo ba ako brat?
Montecristo ang kaharap mo." mayabang na sabi sa akin kaya hindi ko mapigilang tumaas ang akin kilay.

"Alam ko na Montecristo ka, alalahanin mo Dela Torre ang kaharap mo, na kayang pasabugin yang bungo mo ngayon kapag nainis."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Royal Couple, Double, Trouble 1  (On-Going) Where stories live. Discover now