Kabanata 2

1.7K 53 19
                                    

***Adrianna***

Sa wakas naka-uwi na rin ako mula sa pictorial, pagpasok ko ng bahay nakita ko si Tatay na nakakunot ang noo habang binabasa ang newspapers.

"Hi Tay bakit nakakunot na naman ang noo ninyo? Sige ka papangit ka at dadami ang kulubot sa mukha mo" sabay halik sa kaniyang pisngi at niyakap ko din ng mahigpit

"ang bolerang kong prinsesa ay narito na pala, Hay anak wala na talagan pagbabago sa bansa kung ang mga pulitiko ay mananatiling mga puppet ng mayayaman"

"Hay naku Tay, dapat itigil mo na ang pagbibigay ng pondo sa mga pulitikong PWD"

"PWD?"

"Yes Tay Person with Disability sila yung Mga Bulag, pipi at bingi sa kalagayan ng lipunan kaya lugmok ang bansa sa kahirapan, matatapos ang mga termino nila na walang ginawang pagbabago, maliban sa pagbulsa ng kaban ng bayan"

"Yeah I will, wala na akong susuportahan sa sunod total sila naman ang lumalapit sa akin, kumusta ang pictorial mo? Balita ko ay may tinuturuan ka na naman ng leksyon?"

"Yes Tay nakakatawa ang mga mukha nila ng sabihin ko kung sino ako, tiyak na hindi na yun uulit."

"Mas maganda siguro anak na tumigil ka na sa modeling maraming talagang masasamang tao dyan"

"Tay naman kaya ko po na protektahan ang sarili ko, hindi nga nila alam na black belter ako, saka Tay pumayag ako sa deal naten na laging may bodyguard na nakabantay sa akin kapag oras ng trabaho ko, promise Tay walang mangyayari masama sa akin."

"Okey kahit kailan ang tigas ng ulo mo, kanino ka ba nagmana?"

"Sagot sa tanong mo Tay, Mana lang ako sayo kung mana ako kay nanay tiyak na sa charity ako palagi, Tay si Nanay may dala akong pasalubong?"

"Nasa kusina nagluluto pa yata para sa feeding program ng isang bahay ampunan"

"Sige Tay akyat na muna ako dahil ayaw ni nanay na maistorbo sa kusina"

"May pagkain dyan baka gusto mong kumain"

"Diet ako Tay"

"Sayang crispy kare-kare pa naman ang ipinaluto ko"

"I hate you Tay sira na naman diet ko, sige bukas na lang ako magsisimulang magdiet" nakangiti kong sabi kay Tatay

Nagtungo kami sa dining at si Tatay na naghanda ng pagkain ko. Hindi nila alam kung gaano kalambing at maasikaso si Tatay. Oo ang isang Andrius Dela Torre ay nakakatakot pero ang Tatay ang pinakamabait, kaya ako kapag nag-asawa isang kagaya ni Andruis Dela Torre ang magiging batayan.

*****

Sobrang busog na busog ako dahil si Tatay ang daming inilagay na kanin, kaya mamaya hindi na ako kakain pero mukhang malabo dahil tiyak na magpapaluto si Tatay ng paborito ko. Masyadong akong spoiled kasi ako ang nag-iisang prinsesa.


***JAM***

Andito ako sa bar kung saan tambayan ng mga artista, modelo, at mga kilalang personalidad gustong mag hapi-hapi. Inilibot ko ang aking mga mata para maghanap ng panibagong prospect.

Nakita ko ang isang grupo ng modelo ay napadila ako ng aking labi. Madalas sila rito, si Elena Smith ay naroon ay sumasayaw ng mahalay kaya halos lahat ng kabaro ko ay nakatingin sa grupo nila, pero ang tingin nito ay para sa akin. Mabilis kong ininum ang whiskey at lumapit sa sa table nila.

"Hi ladies, can I have a seat"

"OMG its Jam Montecristo, of course you join us, we will make you happy, di ba girls"

The Royal Couple, Double, Trouble 1  (On-Going) Where stories live. Discover now