Chapter 29

92 84 2
                                    






"Jazz, halika dito." Tawag saakin ni aji. Halos ilang araw nalang makaka-uwi na kami. Sure na sure mamimiss ko ito. Sobra.

Isa lang yung Hindi ko mamimiss at si andres yon. Charot. Feeling ko May na developed akong feelingspara sakanya. Parang kaylan lang sinasabi ko sa sarili ko na wag ulit mahulog sa isang lalaki. Sorry jazz, marupok talaga ako eh.

Lumapit ako kay aji na naka-upo sa gilid ng beach. "Bakit?" Tanong ko.

"Sabi ni ninang wag na daw muna tayo mag-trabaho at ienjoy muna natin yung mga huling araw natin dito." Sabi nito tapos lumusong sa tubig.

"Sige, teka." Sabi ko bago ako pumasok sa loob para hanapin yung swimsuit ko sa kwarto.

Matapos kong hanapin at suotin lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si andres sa hallway kausap si oliver. Nag-tatawanan silang dalawa.

"Uy, si jazz! Mag-swiswiming kaba?" Tanong ni oliver. Napa lingon si andres tapos nginisian ako. Btw, hindi ako naka bikini kasi wala sila non dito.

Tumango ako kay oliver. "Kasama ba si alliyah?" Mapangasar nitong tanong. Bwibwisitin nanaman ba nya si aji?

"Oo den." Sabi ko at nilagpasan yung dalawa don. Baka kasi hinihintay na ako ni aji.

Dali dali pumasok si oliver sa kwarto nila ni andres para kumuha ng damit.

"Teka sasama din kami." Narinig kong sabi ni andres sabay hubad ng t-shirt nya. Napa-takip ako ng mukha. Umalis na kasi si oliver at kaming dalawa nalang naiwan.

"Patakip-takip kapa jan nakita mo naman na." Asar nya. Tinangal ko kamay ko na naka takip sa mata ko at tinitigan sya ng diretso.

Hindi ko maiwasan mapatingin sa ano... sa abs? Dati kasi wala sya non eh.

"Tignan mo gustong-gusto mo naman." He smirked. Lumapit sya saakin at napa-antrs ako.

"Bastos! Anong gusto? Asa ka!" Binatohan ko sya ng towel habang paunting papalapit ng papalapit saakin. Nanginginig na yung dalawang binti ko.

Sinapo nya yung towel nayon at bigla-biglaan akong hinawakan sa kamay at inilagay yon sa ano... sa ano nya. Sa abs nya. Wag kayong  bastos!

"Ano ba?!" Inilayo ko agad kamay ko sakanya. Minsan nakairita na talaga sya.

Hupindi na ito nagsalita at tumawa nalang. Tumalikod ako sakanya at nag-lakad na ng palayo. Hinihintay na ako ni aji. Sya lang kase mag isa don.

"Hoy, san ka pupunta? Intayin mo kami ni oliver." Hindi kona sya inilingon at tuloy tuloy parin sa pag-lalakad.

"Bahala ka sa buhay mo! Naiinitan nako." Sabi ko sabay binilisan yung pag-lakad.

Nung naka baba nakita ko si aji kasama si ate saori? Kala ko hindi sila close. Nilapitan ko sila.

Habang lumalapit naman ako napansin agad ako ni aji. "Jazz, bat ang tagal mo naman?" Tanong nito.

Umupo ako sa tabi nila. "Kasi nag-paintay sila oliver sasama daw sila." Nakita kong umirap si aji. May galit yan kay oliver, eh.

"Halika na nga jazz, masydo na akong nabibilad dito." Aya saakin ni aji mag swiming. "Ikaw ba ate saori? Sasama ka?" Tanong ko dito.

"Hindi na, babantayan kopa si seb." Tumayo na ito at bumalik na ulit sa loob.

Mamaya maya nakita na namin na lumabas sila andres. Wala namang magandang nangyari nung araw nayon. Katulad lang ng dati.

Gusto ko na talagang maka-uwi at makita ulit sila mama. Hindi ko mapigilan mapangiti tuwing maiisip ko na tatlong araw nalang ay makakabalik na ulit ako sa bahay.

Bigla akong napahinto at nagising sa tatotohanan nung bigla akong kinalabit ni Aji. Nilingon ko ito at tinanong kung bakit nya ako kinalabit.

"Alam mo jazz, mamimiss kita... Salamat..." sabi nya saakin sabay yakap. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. First time akong yakapin ni aji.

"Mamimiss din kita." Niyakap ko din syang mahigpit. Sa puntong ito nararamdaman kong tumutulo na yung luha ko. Kahit kaunting panahon ko palang sya nakakasama dito feeling ko ate kona sya.

Ngumisi ito at pinunasan yung mga pisnge kong may luha. "Wag mo ngang ipa-halata na sobra mokong mamimiss." Sabi nito sabay tawa.

Natawa din ako sabay punas ng natitirang luha sa mata ko. "Mag-kikita parin tayo diba?" Tanong ko sakanya.

"Alam mo jazz, napag-isipan kong hindi na ako uuwi." Paliwanang nito saakin habang naka tingin sa lapag. Napa nganga ako sa sinabi nya. Hindi na sya uuwi?!

"Huh? Bakit naman?" Inocenteng tanong ko sakanya.

"Wala na si mama... matagal na kaming iniwan ni papa... galit saakin yung mga kapatid ko pati narin ata yung mga tao saakin." Nakikita kong hinihigpitan nya yung pag-hawak nya sa damit nya.

Hindi ko namna alam na ganon pala yung pinang-dadaanan nya.

"Dahil ba sa may kumalat na balita na may pinatay ka?" Tanong ko dito. Humarap sya saakin at ngayon nakita kona yung mukha nyang luhaan.

"Na frame up ako! Hindi ko alam yung gagawin ko non. Lahat ng tao takot saakin... nawalan ako ng trabaho... hindi nadin ako maka-labas ng bahay ng hindi ako sinasalubong ng mga newscasters."

"Sinabi mo ba sa mga kapatid mo na hindi ikaw gpyung gumawa non?"

"Alam naman nila, pero pinili parin nilang hindi mag-salita. Ngayon at wala na akong trabaho nawala na yung interest nila saakin. Para bang kinalimjtan na nila ako." Hindi ko mapigilang hindi maawa kay aji.

Kung dati akala ko ako na yung pinaka-kawawang tao sa mundo, pero masyado pang pala akong OA dati.

"Mas okay pa dito, malayo sakanila. Dito sa kasiyahan tangap ka ng mga tao, dito sa kasiyahan makakapag-simula ulit ako." Sabi nit habang pinupunasan yung mga luha nya.

Hindi ako sumagot i hugged her instead. She needed it.

Ngayon wala kang ibang maririnig sa kwarto kung hindi yung malamig na hangin.

Alliyah, mamimiss kita.

*****

Next chapter-

Hello Kasiyahan (Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt