chapter 13

124 112 2
                                    

Chapter 13

The secret

"you promise not to tell any one about this, alright?"

"whoa, wag naman ganyan jalen! Alam mo namang na nonose bleed ako sa english, ehh" reklamo nya.

"sige na! Daming arte! Jusme" humiga ako ng maayos sa kama para kwento sa kanya lahat na nangyari. Hindi ako sure kung handa akong sabihin ito sa kanya pero masaya din naman may kausap sa mga ganitong bagay paminsan minsan.

"oh, bilis na!" reklamo ulit ni andres. Bubunutin ko itlog neto, eh.

"si.. S-si mikel.. Ex ko sya" nauutal na sabi ko sa kanya habang naka higa.

Tumalikod ako sakanya nang humarap sya saakin.

"oh, tapos?" bastos talaga ito!

"edi ex ko sya tapos!" sigaw ko dahil nabwibwisit nadin ako sa kanya.

"jalen naman! Mag kwento ka mabuti!" reklamo nya ulit sabay hila ng damit ko. Ang kulit.

"ano ba pa kwekwento ko? Ulol ka!" sigaw ko sakanya sabay harap ulit sa kanya. Hala ang cute nya talaga. Ewan ko ba! Ayoko naman na sa lalaki pero ano ito? Bagong feeling?

"wag mokong titigan ng matagal baka masayan kang cute lage tinitignan mo, baka pag harap mo sa ibang tao ma miss mo ka cutan ko" nag pogi sign pa amp.

"bwisit ka! Tinitignan lang naman kita dahil ang panget mo! Baka masanaya akong laging panget ka harap ko baka pag humarap na ako sa ibang tao parang anghel na tingin ko sa kanila" paliwanag ko sakanya.

Umirap sya parang bata at tumlikod saakin. "kwento mo na kase kung ano nangyaro sainyo! Inaantok na ako, eh" kung makapag reklamo sya parang bata.

"kasii.. Ano.. Nag break kami kasi.." hindi ko matuloy.

"kasi dare lang ng mga kaibigan nya para ibigin kanya?" tanong nya.

Paano nya nalaman? Stalker sya ano?

"huh? Oo.. Pano mo nalaman?" tanong ko. Nalilito na ako.

Natigilan sya saglit parang pinagsisihan nyang sinabi nya yon.

"hay! Jalen gabi na, inaantok na ako" sabi nito bago humikab.

"teka!" sigaw ko sabay alog sakanya.

"huy!  Ano ba!?" sigaw ko. Tinignan ko sya. Tulog na amp.

Bwisit naman! Makatulog na nga lang din! Walang kwentang kausap.

Nagising ako hindi ko alam kung ano oras na non kaya umasa nalang ako sa sikat ng araw.

Mukhang alas siete palang hindi pa ganong kataas yung sikat ng araw kaya sigurado ako.

Bumagon ako ng bigla kong napansing hindi ko na pala katabi si andres.

Hinanap ko sya sa kubo pero wala sya. Posible kayang iniwan nya ulit ako?

Wala ka talagang maasahan kay andres! Sarap pingutin sa tainga.

Lumabas aki ng madatnan ko syang naka upo sa isang putol na puno.

Mukhang malalim ang iniisip nito, ano kaya yung iniisip nya? Bigla naman akong naging curious.

Teka ano ba pake ko sa kanya? Wala naman, diba?

"jalen! Ano ginagawa mo jan!?" gulat na tanong ni andres.

Nakita nya siguro akong naka tingin sa kanya.

"wala lang, ikaw ano ginagawa mo jan?" tanong ko sabay turo sa inuupuan nyang puno.

"ha? Wala lang... Nag papahangin."

"oh, sige, kelan tayo babalik kila ninong?" tanong ko sabay buhat sa mga kahoy na hinanap namin kahapon.

"ngayon na?" ngumiti ito at kinuha saakin yung mga kahoy para sya yung mag buhat.

Buti naman kasi ayaw kong pinag bubuhat ako.

"jalen, kung may tao mang gumawa sayo ng malaking kasalanan.... Papatawarin mo ba?" biglang tanong ni jacob habang nag lalakad kami pabalik sa hotel.

"umm.. Depende kung malala" tumungin ako sa kanya at saktong naka tingin din sya saakin kaya agad itong umiwas ng tingin.


"bakit mo naman na tanong?"

"wala.. Lang" sabi nito tapos ngumiti. Ngiting parang ewan.

"alam mo, ang weird mo talaga" sabi ko sabay tawa.



Ngumiti sya saakin "ha?  Ako weird? Ikaw nga dati ka sungit sungit mo ngayon kalakas mong tumawa" tumawa sya.

"aba! Nang bwibwisit ka nanaman, ahh"

"talaga lan-" hindi na natapos ni andres ang sasabihin nya dahil may biglang sumabat.


"andres?" tawag ng lalaking nasa likuran namin.


"oliver! Buhay ka papala" tumakbo si andres sa kanya at nakipag yakapan ng para bang mga bata.

Napatingin saakin si oliver. Nanlaki yung mata nya. Teka kilala nya ba ako.

"jazzelene?"

*****

Next chapter

Hello Kasiyahan (Editing)Where stories live. Discover now