Balak ko na sanang dadaan nalang sa room, bago mag ring for flag-cem, but someone caught my attention, a girl with a simple outfit, halata na she live with a low-status in life, have an innocent face pero kung gagalitin mo magtatransform into dragon.
'Ohhh! Mukhang may magiging kaibigan na ako.'
JAYN'S POV
Pagkapasok ko sa gate ng SEMU ay nakita ko agad sa harapan ko ang flag-pole.
'Dito siguro gaganapin ang flag-cem mamaya no?'
Sabi sa form ko ay no. 205 daw ang room ko, sa left side daw ng flag-pole kung haharap ako sa field pero sa right side naman kung haharap ako sa gate.
Pupunta na sana ako sa room ko pero--
"Hey!" sigaw ng isang babae
Taka naman akong napalingon kung saan ko narinig yung sigaw, at may nakita akong isang babae, she's smiling while waving at me.. Me?
'Ako ba talaga ang kinakawayan niya?'
Mukhang timang tung babaeng to, pero the way she walks at kung gaano kaganda ang pagkakaplantsa ng damit niya, batid kong mayaman to.
'Pero syempre naka smile parin siya, hala?! Tinitingnan siya ng halos lahat ng students, maganda rin naman siya, pero.. Nakangisi siya eh.
Hala baka?!
Baka?!
Baka taga-mental siya kaya tintingnan siya, bat di ko naisip Jayn?!
Aalisan ko na to baka saktan ako nito, hindi ko pa nga nahahanap ang nagpadala ng papel na yu--
"HEY!"
Tumingin ulit ako sa gawi niya at nasa harap ko na siya ngayon! Nakangisi!
GAGU! CREEPY!
Tiningnan ko muna ang kanan at kaliwa ko, pati na rin sa likod, pero walang tao.
Ah..
Baka..
Tiningnan ko ang nasa ibabaw ko kung may tao--.
"HE-HEY!"
Gulat naman akong napatingin sa kanya
'Hey nalang ba ang sasabihin nito?! Hala akala niya siguro--.
"Ahmm, excuse me pero hindi "HEY" ang pangalan ko."
Sandali naman siyang natigilan sa sinabi ko.
Tsk. Tsk. Tsk. Hey hey kapa ha?! Akalamo mahuhulaan mo pangalan ko? BWAHAHAHAHA---
Eh?!
Bat tumawa?! Hala may saltik talaga tung babaeng to!
"That's what I call others when I don't know their names, kung ayaw mong tawagin kitang "HEY", then introduce yourself." tawang-tawa niyang sabi
Magpapakilala?! Hala baka teacher to?!
"Ah, ako ng mauuna, I'm Raizin Joy Brey, pero ang spelling ng last name ko is B-A-R-E-Y, you?"
"Ah, I'm Jayn Malasanas, pero ang spelling ng apelyido ko is M-A-L-A-S---"
"A-N-A-S" dugtong niyang sabi
Gagu! MALAS lang talaga na word ang pinaspelling niya sakin! Itusok ko kaya to sa flag-pole?!
"Nice meeting you Jayn Malas---"
"AAAAAGHHHH!!"
Napasigaw at napa kapit ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. Napapikit rin ako at napaupo nalang ako dahil sobrang tagal nito mawala. Meron ring parang manipis na tinig na naririnig ng tenga ko, para bang sinisira ang ear-drum ko, alam niyo yan?! Hindi no?!
Nung unti-unti ng nawawala ang sakit ng ulo ko ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko------
"TULONG!!"
"MEDIC! ANG KAIBIGAN KO PO!!"
"HUHUHU, BAT NANGYAYARI TO?!"
Pinikit ko pa ng sobrang matagal ang mata ko at tsaka iminulat pero hindi parin nawawala. Ano to?! Pumikit lang ako ng ilang segundo tas pagka mulat ng mata ko nagkakagulo na dito?! Marami mga students ang nakahandusay, ang iba umiiyak dahil sa sugat na natamo, ang iba naman nakapikit na at hindi na umiimik. Di ko alam kung buhay pa sila o patay na.
'P-pero bat mabilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan ba ako?!'
Tinagalan ko pa ang pagtitig sa nangyayari sa paligid ko dahil baka sisigaw pa sila ng "IZZA PRANK!!", pero wala talaga.
'Ang linis naman ng gumawa neto, ti-niming pa talaga sa pagsakit ng ulo ko para magawa nila ang krimen, tsk. Tsk.'
Wala na akong choice, mukhang wala naman akong natamong sugat kaya tutulong nalang ako--.
SA BAG!!
"Raiz.."tawag ko habang naghahalungkat ng mga gamit sa bag ko, di niyo kasi alam dati akong doctor, choz! For MEDICAL PURPOSES lang to, pabaya kasi akong babae, palaging nasusugatan, palaging napapasukan.
napapasukan ng germs.
ang sugat ko.
'Hayss ano iniisip mo kapatid?'
'Pero hindi parin siya sumagot sa tanong ko kaya..'
"RAIZ!" sigaw ko sa kanya
"What?!"
'Tiningnan ko siya at halatang nagulat siya sa inasta ko. Mamaya ka na magulat tulungan mo ako taena!'
"Pwede mo ba akong tulungan? Marami kasing naaksidente sa paligid ngayo--"
Eh??!
'Bat wala na?! Ang bilis naman ata! Konting lingat ko lang ang bilis magbago ha!
Pero.
Te-teka.
Bat parang wa--walang nangyari?! Wala man lang nasirang gusali oh umiiyak, ngumingiti pa nga lahat, Taena! CREEPY!
"Uhmm Raiz, may nangyari ba dito kanina?"
"Ahmm, like what?"
"Like gulo, aksidente, sugatan, pa-patay?" kabadong tanong ko
'Mag "yes" ka pleasee para cool, hehe'
"What?!" naguguluhan niyang tanong.
Bingi!
"Ang sabi ko wala bang nangyaring gulo, aksidente, sugatan, pata--"
"Ofcourse!"
'Oh sh*t!'
"Ha?!"
"Ofcourse wala! Ano ka ba?! If that happens, siguro nakatakbo na ako ngayon. Ang praning mo! Ang rami ng iniisip mo. Buti pa, samahan na kita sa principal office, ang pagkakaalam ko kasi ang mga transferee daw di muna sasama sa Flag-cem."
Nakahinga ako ng maluwag don.
"Ahh, akala ko nama---- Te-teka!"
"Yes?"
"Ang mga scholars di sasama sa flag cem?"
Tango lang ang nasagot niya
'PUNYETA! BAT PA AKO NAGPAAGA?!
Habang hila-hila ako ni Raizin ay di mawala sa isip ko yung nakita ko kanina, Imagination lang ba yun? O totoo? At kung imagination man, bat ayun ang naimagine ko?! Dala lang ba yun ng kaba ko kaninang umaga?!
At yung death treath kanina, sino ang nagpadala? Bakit niya pinadala 'yun?
Kahit maraming tanong sa isip ko ay sumunod nalang ako kay Raizin kung saan mang principal office ako dalhin nito.
Pero isa lang ang siguradong mangyayari, hindi magiging normal ang taong to.
Nope.
Hindi magiging normal ang buhay ko.
------------------------
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW ME FOR MORE UPDATES, TNX! ^_^
YOU ARE READING
Keeps Forgetting Memory(ON - GOING)
General FictionEverybody wants to have a peaceful school life. Assignments, projects, crush, papel, etc., iyan lang ang poproblemahan mo. Pero paano kung isang araw may gusto palang pumatay sa iyo? That's how the 17-year old girl, Jayn Malasanas experienced. Wha...
CHAPTER 2
Start from the beginning
