"To?"

"Eat them. Rawr."

Tiningnan niya lang ako na para bang hindi siya natutuwa sa joke ko.

"Sabi ko sayo tigil-tigilan mo na kare-rewatch ng fifty shades eh!"

"Hoy hindi na kaya."

"Mamatay?"

"Kahapon hehe."

"But wait paano ko hahanapin ngayon yung taong kumatok-katok kanina dito?"

"Magtanong-tanong ka dyan sa kapit-bahay natin kung sino ang nagpadala, alangan naman pag-katok niya dyan tulog sila lahat, syempre may nakakita talaga yan, maaasahan ba kita, Ate?"

"Oo naman, luh, buhay na nakasalalay dito, ayoko pang mamatay no, hindi pa ako napapasukan."

'Landi talaga nito!'

"At ate, hanggat wala tayong kasiguraduhan kung sino nagpadala nito at kung ano goal niya, mag-iingat ka ha."

"Concer ah? Joke. Ikaw rin."

Nag babye na ako sa kanya at tsaka siya rin.

Nagdali-dali na akong lumabas at sumakay ng taxi, buti nalang 7:30 ang flag cem, 7 palang kasi and malapit lang naman ang paaralan namin, so siguradong di ako mala-late.

RAIZIN'S POV

"To all students of South East Manila University, please kindly put all your bags in your respective rooms cause in 30 minutes we'll going to start the flag cem."

Tsk. Tsk.

Btw my joke ako sa school namin. Diba ang name ng school namin is a lyric in Sarah Geronimo's song?

South East Manila University(SEMU), 🎵SEMU, ang pag-ibig ko, SEMU, ang pag-ibig ko🎵

'K. Corny.'

I'm now at the center of this school, which is the field, why? Wala lang, pake nyo ba?

"Hi Ms. Raizin."

"Ganda niyo naman po Ms. Raizin."

"Mukhang maganda ang unang araw ko ngayon ah."

Normal. My name is very popuplar in this school. Not just because of my parents that are both stockholders here but also because I'm pretty.

Again I'm now at the field. Maraming mga rooms ang nakapalibot sa field, there are 2-storey buildings, 1-storey buildings, The 2-storey buildings are for Grade 7-10, and the 1-storey buildings is for the SPED, bali dalawa ang SPED dito(para sa sumobra at para sa kumulang) para ma gets niyo, it is for the students that are fast-learners and students that have special needs. Sa right side ng Field ay ang SPED na sumobra at sa left naman ang SPED na kumulang.

Sa harapan ko naman, ayy ang flag-pole, kung saan gaganapin ang flag ceremony mamaya, sa palibot ng flag pole, walang nakalagay na any waiting sheds, alam mo na, ang gugulo ng mga students ngayon, kapag mag fla-flag cem, at sobrang init, of course hahanap talaga sila ng masisilungan. Sa palibot naman ng Flag-pole ay may mga buildings, 3-storey lahat, sa kanan at kaliwa, this buildings is for the Senior high schools. Sa right ang mga students na kukuha ng STEM and ABM, on the left is para sa GAS and HUMSS, 'yan lang ang available na strands dito sa school, strikto kasi sila, kahit mayaman naman ang school na 'to, ang pinapapasok lang nila is ang mga students na may tinatagong yaman. NOT LITERAL NA MONEY, I MEAN BRAIN. Yung mga batang nakakapasa sa test, yun lang ang nakaka-enroll dito.

Pero I think now, minsan nalang nila sinusunod 'yan. I mean, may nakakapasok rin naman na matatalino dito pero ang nakikita ko ngayon halos lahat mayayaman, maaarte. Kunting galos iiyak, kapag di nasusunod ang gusto tatakbo, magdadabog. Palaging nag ma-make-up kahit ang init naman. Hayss. I admit naman na rich ako pero I studied here kasi may ibubuga ako.

Keeps Forgetting Memory(ON - GOING) Where stories live. Discover now