12:00 a.m ako nakatulog tas 5:00 a.m ako nagising, galing! Eto kasi si ate eh, di marunong magluto kaya ako nalang ang nagluluto, nagsaing narin ako, ang pangit kasi kung ulam lang kakainin namin sa breakfast no? Isda pa naman yun, edi nagmukhang pulutan yun kung walang kanin.
After kung nagluto, napagdesisyunan ko nang maligo, nagpatugtog ako sa cp ko na kahapon ko lang nabili, hindi ko na sasabihin kung anong brand dahil baka mainggit kayo,basta di siya nokia ha! Tse!
[Now playing: Halik sa hangin]
Ganyan ako ka drama sa c.r, magpatugtog ng sad song with matching tabo na puno ng tubig tas ilalagay sa ulo ko ng pabaliktad, at dahang dahang umagos yung tubig papunta sa katawan ko, oh eh diba, mukhang shower? Tapos minsan with iyak-iyak pa, yun kasi yung nakikita ko sa mga drama sa tv ng kapit-bahay ko eh, umiiyak sila sa cr habang umaagos ang tubig sa katawan nila, bat kaya? Effective ba 'yun?
After kung maligo, lumabas na ako syempre, alangan naman pumasok ako?
'Ok walley, salamat sa lahat.'
Pagkalabas ko nakita kuna si ate na nasa mesa na, naghihintay ng pagkain.
'Kitamss?! Gusto talaga nito maging mayaman! Gusto niya siya ang pagsisilbihan! '
"Hoy ate! Ilagay mo na tong kanin at ulam sa pinggan para pagkatapos kong magbihis kakain nalang ako, intindihan mo?!"
"K."
Pagkapasok ko ngayon sa kwarto, nagbihis na ako, syempre civillian lang muna, transferee kasi ako kaya wala pa ako ng uniform nila, bali nakapantalon lang ako tas T-shirt na penshoppe, oh saan ko to nabili? Edi sa.. sa basurahan, tse!
Pagkalabas ko, nakahanda na ang pagkain sa mesa, syempre may pinggan na nakapatong sa pagkain. Kumakain narin si ate.
'Hindi man lang ako hinintay.'
Nagmadali akong kumain kase baka ma late ako, flag ceremony pa naman ngayon, tsk.
After kung kumain ay nag toothbrush na rin ako at tsaka inayos ang gamit k--
*Took* *Took* *Took*
Taka kaming nagkatinginan ni ate at tsaka sabay namin tiningnan ang pintuan.
'Sino naman ang kakatok ng ganito ka aga? Hindi pa naman ako tumatanggap ng manliligaw ah?'
*Took!* *Took!* *Took!*
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil habang hindi namin binubuksan ito ay mas lalong bumibilis at mas lumalakas ang katok sa pintuan. Hindi namin alam kung sinong lapastangan ang gustong sirain ang pintuan namin. Kaya wala na akong choice kundi buksan ito, kung sa chapter 1 palang mawawala na ako, I'll accept it HUHUHU.
Habang lumalapit ako sa pintuan ay sumusunod rin si Ate sa likuran ko na halos hindi na makasalita dahil sa takot, Napipi bato?
Pareho kaming kinakabahan ngayong dalawa. Hanggang palapit ng palapit kami ay palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Kulang na lang lumabas to.
'Pero love ako ng heart ko eh kaya di to lalabas.'
Shemsss! Ano ba problema nito?!
Dali dali kong binuksan ang pintuan para makita kung sino ang kakatok sa maganda naming pintuan at para wala ng pa suspens--
WALANG TAO?!
Kinurap ko pa ng tatlong beses ang mata ko dahil baka nag-iinvisible lang siya pero wala talaga eh!
Tumingin ako sa kanan, kaliwa, taas, baba, kaliw--
Eh?!
May papel na nakalagay sa sahig sa harap ng pintuan namin. Simpleng papel lang siya..
Hala!
Baka itong papel nato ang kumatok?!
Taena?! Grabe naman tong taong to na kumatok sa amin! May powers!
Wait.
Teka..
Baka...
'Sulat to ng NANLILIGAW SA AKIN?! KYAAAAAHH--- '
Ayy wala pala akong manliligaw.
'Kaya kinuha ko nalang ang papel na nasa harap ng pintuan at dali-daling binuksan. Malay mo, baka kasi love letter to--'
WTF?!
"I FOUND YOU!" Iyan ang nakasulat sa papel, ang ink na ginamit ay gawa sa----Teka amuyin ko.
Shett! Mukhang dugo to ah?!
Bumilis ang tibok ng puso ko nang nakita ko tong sulat na to, hindi naman sa OA ako pero kinakabahan ako sa posiblidad na may mangyayaring masama sa amin. Dahil sa ink na ginamit dito at sa nakasulat sa papel. Walang kasiguraduhan sa mangyayari at sa pwedeng gawin samin sa nagpadala nito, pero isa lang and dapat namin gawin ni ate, ang mag-ingat.
----------------------------
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW ME FOR MORE UPDATES, TNX! ^_^
YOU ARE READING
Keeps Forgetting Memory(ON - GOING)
General FictionEverybody wants to have a peaceful school life. Assignments, projects, crush, papel, etc., iyan lang ang poproblemahan mo. Pero paano kung isang araw may gusto palang pumatay sa iyo? That's how the 17-year old girl, Jayn Malasanas experienced. Wha...
CHAPTER 1
Start from the beginning
