Prouloge

11 2 0
                                    

"Oy bilisan mo nga maglakad dyan" Bulyaw ni Mama sakin, pano naman ba kase ang bilis bilis niya maglakad kala mo hinahabol ng aso. "Ayan na po" binilisan ko na mag lakad dahil nga nagmamadali kami, papunta kase kami sa simbahan dahil mag-mimisa na.

At sawakas na rito na kami sa simbahan at nag sisimula na si Father mag-salita, Nakatayo na lang kami ni Mama dahil puno na yung simbahan, gusto kase ni mama kompletuhin ang Simbang gabi, dahil may hinihiling kase siya, ako naman sumama lang ako kase maraming street foods HAHA, "Makinig ka nga dyan, saan-saan ka na naman na ka tingin?" Ayy si mama talaga.

Habang na-kikining ako kay Father may biglang kumalbit sakin. "Ate! Ate!, pinapabigay sayo" isang masiglang bata, kinuha ko yun yung binigay niya, tatanongin ko na siya kung sino ang nagbigay ngunit nung ako lumingon ay nawala na siya. Oo, parang sa mga nabasa niyo isang magic.

[Sa bahay]

Pinagmasdan ko ang binigay ng bata isang itong kwintas, napakaganda nito sa totoo lang, nagtataka lamang ako kung bakit sa akin ito binigay, ito isang parang buwan na di buo at may na ka-ukit na "Aries"  iniisip ko kung sino maari mag-bigay nito, hindi naman si mama kuripot yun eh, mukha mamahalin ito, wala naman ako admirer, hmm bala na nga.

Linagay ko sa drawer ang kwintas, at naisipan ng matulog.

Nagising ako sa isang kwarto malawak pero walang laman maliban sa mga instrumento, at nagulat ako dahil ako'y na kasuot ng isang puting gown na may mga bulalak, bakit ako na ka dress? Ano to party? Wala namang tao? "Hello, may tao ba dyan?" Inikot ko ang paningin ko sa kwarto. napakalawak talaga nito, ano ba ito?



Nagulat ako dahil bigla tumugtog ang mga instrumento kahit walang tao. "Aries" isang matipunong boses ang tumawag, sino yun? At ano yun? Di na to nakakatuwa ah. "Aries" nag-iba ang boses ngayon isang napakalalim ng boses, hala siya ano yun, tapos na kaya halloween. "Aries" tatlong magkakaibang boses.


Sa sobrang takot ko ay napaupo ako sa kwartong ito, ano ba ito totoo ba to? O panaginip lang. Oo, baka panaginip lang to HAHA, tinatakot ko lang sarili ko. Sinampal-sampal ko ang aking pisnge para magising na "Gumising ka Tash, Gisi-" may humawak sa pulsohan ko. 





#HopeYouLikeIt

if you have a question or suggestion you can message my Social Media Accounts

Twitter: https://twitter.com/maedereal

Instagram: https://www.instagram.com/littledreamerzxz/

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Nov 08, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Dance With The DevilsOnde histórias criam vida. Descubra agora