Chapter 1

64 37 11
                                        


Avianaen POV

Nag titimpla ako ng kape ng tawagin ako ng nanay ko.

"Nak, paki suyo naman ang planggana at paki-abot sa tatay mo,"

"Sige po nay," sagot ko naman dito.

Kasalukuyang abala si nanay sa tindahan dahil mukhang madami nanaman itong customer. Suki kasi si mama dito, bukod sa mura eh kumpleto din ang mga paninda namin, pero sympre hindi naman pang supermarket ang dating.

Matagal na ding nag titinda si mama simula nga nong nawala ng trabaho si papa. Si papa naman, ayun minsan taga bantay ng tindahan pag walang mag babantay o pag may ginagawa si mama. Ayaw kasi ni papa na walang ginagawa sa bahay.

Agad akong tumayo mula sa pag kakaupo tsaka kinuha sa may dish cabinet namin ang planggana, tsaka inabot kay tatay na nag hihiwa ng gulay na lulutuin.

"Tay eto na po. Papasok na po ako sa trabaho," paalam ko sa kanya, tsaka nag mano.

"Sige anak mag ingat ka a," tumango naman ako.

Bumalik ako ng lamesa tsaka dinampot ang bag ko at lumabas ng bahay para mag paalam kay nanay.

"Nay, alis na po ako," nag mano din ako dito tsaka umalis.

"Oy bunso. Alis na ako ikaw nang bahala kayla mama tsaka papa," tumango naman ito.

Minsan tawag ko nanay, tatay o di kaya mama at papa. Parehas lang yun, depende lang talaga sa tawag ko.

***

Habang buma-biyahe ang bus na sinasakyan ko ay may natanggap ako na text message.

"Dadating ka ba o hindi let me know para hndi ako antay ng antay okay?!" grabe yung impact ng galit niya at nagawang mapaatras ang ulo ko.

From unknown number, wala syang naaalala na may katagpo siya ngayong umaga.

"Excuse me, do i know you? Coz im not expecting to meet anyone today, are you sure your texting the right number? or maybe I just forgot something important today. May i know who is texting?"

Message sent...

Akmang papatayin ko na ang phone ko upang itago kaso bigla uli itong nag vibrate.

"Bakit? Sino ka ba ha?" alam niyo yung feeling na dinig ko yung boses niya, kahit na wala naman siya dito. Mareplyan nga.

"I'am Lea Avianaen Villaverde,"

Message sent...

"Nice named. I'm just looking for a friend/textmate malungkot kasi ako e," siya.

"Ay, tang*na mukha ba akong clown pakielam ko sayo? Madami akong problema dadagdag ka pang bwisit ka!!" ako.

Ampotek! Mukha ba akong barter ng mga problema?! Kaasar! Minsan na nga lang mag karoon ng kausap, yung iinisi ka pa. Tss.

"Napaka sungit mo naman ava," lalo akong umusok sa nabasako, kulang na lang mag buga na ako ng usok sa lahat ng butas ng katawan ko.

"Avianaen hindi ava! Gag*!" tignan mo mali pa!! X-send, tsk.

"Awts, sorry na Bea na lang para maikli at hndi magkamali,"

Inhale, exhale, kalma lea... Kalma!!! Tang*na!!

Gigil akong nag tipa ng i-r'reply dito.

"LEA hindi bea, bungol!!"

Matagal na hndi ngreply ang unknown number. Napahiya siguro, mababanggit na nga lang ng pangalan mali mali pa. Text naman yun at hindi sa personal sinabi pero err! Napaka bungol talaga!

After 30 mins ay nakarating na ako sa opisina. Akala ko tatantanan na ako ng lalaking ito kaso hindi pala.

"I'm josh not bungol," hindi makapaniwalang tinignan ko ang screen ng phone.

Hindi na lang niya nireplayan ang nagtetext dahil bwisit na bwisit na siya dito. Nang bigla uli itong mag text sa kanya.

"Akala mo yun, with all the things that bothering you, pinatulan mo pang aasar ko. Paano pa pag nakita mo ko baka patulan mu din ako hahaha," pinaikot ko ang mata ko tsaka tinago sa bag ang phone.

Hindi ko na lang ito pinansin at gumawa ng action plan sa opisina.

Nag t'trabaho ako bilang Human Resources sa call center na pinapasukan ko. Sa una mahirap pero sa huli na-eenjoy ko na. Hindi naman lahat ng nag uumpisa ay magaling na. Mag t'tatlong taon na ako dito. Tsaka mataas din ang sweldo na pwede nang bumuhay ng pamilya. Pero minsan kinukulang, lalo na kapag tuition fee na ni jam ang usapin.

Halos lahat ng sweldo ko deretso kayla mama ang bigay. Hindi ako nag lalaan para sa sarili ko, pero matigas sila mama binibigyan pa din nila ako ng pera.

***

"Gurl! Tara na! Uwian na. Mag o'overtime ka nanaman eh," tinignan ko ito ng masama.

Bigla bigla ba namang susulpot sa gilid ko eh naka patay na ang ilaw at ako na lang ang natitira dito. Si bakla kasi sa ibang departamento siya naka asign.

"Wala man lang panimula e basta makatawag," naiiling kong saad.

"Sorry naman," natatawa niyang saad.

Muli akong humarap sa computer tsaka tinignan ang oras. Pass 9 na pala. Tumayo na ako at iniligpit ang gamit tsaka pinatay ang computer. Nag c'cellphone lang si bakla sa may gilid. Nang bigla ko nanamang maalala yung nangyari kanina.

Nag inat ako ng bahagya tsaka kinuha ang bag ko. Madilim na ang paligid pero kahit na ganoon, hindi naman kami mag ka-karandarapa, dahil kabisado na namin ang daan.

"Sabay kana ba sa'kin?" tanong niya habang nasa elevator.

"Yes. Inantay mo pa ako kung hindi mo din pala ako isasakay," pamimilosopo ko.

"Gag* ka talaga. Sige, makikikain na lang din ako sa inyo," bigla naman akong napatingin dito.

"Walang pagkain," mabilis kong sagot.

"Halata nga eh, payat mo," kusang umangat ang kamay ko para hampasin ito pero nakailag siya. Amp! Tumawa pa nga.

"Di ako payat! Sadyang sexy lang ako. Inggit ka kasi. Che!" sumimangot ako tsaka inunahan siyang lumabas.

Siya ang isa lang naman sa mga kaibigan ko simula nong nag trabaho ako. Her name was Marcus pero sa gabi Aviel.

"Asan nga pala si Phobie? Pumasok ba siya?" tanong ko habang nasa byahe pauwi.

"Hindi ata, di ko siya nakita eh," tumango-tango naman ako.

"Alam mo naman yun lulubog, lilitaw. Kinakabahan nga ako doon e baka masisante,"

May point siya. Lately lang naging ganon si carol. Tatlo kaming nag kakaibigan na laging mag kasama. Minsan nga ramdam ko may gusto si marcus may carol. Kasi lagi niyang binabanggit, sa tingin niya, sa pag aalala niya.

"Thank you sa pag hatid bakla," sabay baba ko ng kotse niya. Sana lahat may kotse nang naipundar.

"Bye din, see you bukas gurl," ngumiti naman ako tsaka kumaway hanggang sa makalayo ang sasakyan niya.

Pumasok na ako sa bahay tsaka umakyat papuntang kwarto at natulog. Tinatamad na akong kumain, maybe bukas na lang ako kakain. Hindi na din ako nakapag palit ng damit dahil pagod na din ako.

***

Hiiiii bebs, kamusta ang chapter 1?

-🦋

It All Started With A Text Where stories live. Discover now