Avianaen POV
Lunch break na office, isang guard ang narinig kong naghahanap sakin. May atraso ata ako?
"Ma'am avianaen... May nag papa-bigay po ng bulaklak," kinuha ko naman ito.
Wow! Ang ganda...
"Ay! ganda ka ghorl," saad ni marcus napaSANA ALL nanaman ang mga nasa opisina at ngayon pati mga aplikante.
"Ma'am, labas daw kayo sabi po ng delivery guy," sumunod naman agad sa'kin si marcus na parang sa kanya ang delivery.
Pagdating kay kuya delivery boy. "Ma'am, pakitignan po yun o," tinuro nya yung bandang langit hanap naman ako ng hanap tila wala namang kakaiba. Uto-uto amp.
"Anong mero---," napatigil naman ako ng makita ko ang mga lobo na may kasamang tarpaulin na may message na....
"Mahal na mahal kita prinsesa ko," nasabunutan tuloy ako ni marcus. Bwis*t! Balak ata akong kalbuhin.
"Ganda ganda mo! hindi na ktaw ma-reach!" kilig na saad ni marcus.
"Aray bakl--- may balak ka bang kalbuhin ako? Yung buhok ko," binitawan naman agad nito ang buhok ko tsaka tinulungan na ayusin.
Tinawagan ko agad si josh.
"Yes, Mr.manlapaz at ano naman tong pakulo mo?" pagsusungit ko dito.
"Hehehe pagmamahal ko yan at patunay na hanggang sa pagtanda naten ay---," biglang nagsigawan ang mga tao sa kalsada.
Sinilip niya ito at nakita si josh na may hawak na teddy bear na malaki at microphone. Bigla akong nahiya. Ano nanaman bang pakulo ito?
"l wanna make you smile whenever your sad," panimula nitong kanta sa grow old with you.
Pati ang gwardya nilang lalaki kinikilig sa kanila, kinalabit ako ng boss ko, kinabahan naman ako akala ko ay papagalitan na pero...
"Go ahead lea, lapitan mo na wag mong sayangin ang alam mong bagay na sobrang makapagpapasaya sayo, kung ako yan tatakbuhin ko na yan," marahan akong tumingin sa dereksyon ni josh.
Lumapit naman agad ako dito, ang laki ng ngiti nito habang inaabot ang teddy bear.
"Tigilan mo na maiihi na ko sa kilig," nagpalakpakan naman ang mga tao.
"Talagang kumanta ka pa ha? Kung sabagay maganda boses mo," nakangiti kong saad.
***
Third Person POV
After shift
Hindi mai-paliwanag ni lea ang pakiramdam niya basta ang alam niya lang ay ang masaya siya, iba pala ang pakiramdam na may nag aalaga may naglalambing at halos oras-oras.
She is also excited since Josh ask her for a dinner date, habang nagmumuni muni siya ay isang busina ang nagbalik sa kanya sa reyalidad it's her prince charming smiling at her, binuksan ni josh ang pinto ng sasakyan, napansin niyang may nakadikit na bond paper at may nakasulat na RESERVED FOR FUTURE MRS.MANLAPAZ.
"Hmm andaming alam talaga ng future husband ko sana hanggang huli ganyan," saad ni lea tsaka umupo, she is looking at josh while they're on their way going to the restaurant.
After dinner ay agad din siyang umuwi at sinabi kay josh na binibigay na niya ang kanyang matamis na 'oo' masayang masaya ang binata for almost 2hours being with josh is everything for her sobrang saya niya.
Kinaumagahan...
Pag gising ni lea ay agad niyang tinignan ang phone niya ngunit walang text, parang kakaiba to dahil hindi lumalampas ito ng pagte-text sa kanya, siya na ang nanguna pagte-text iniisip niyang baka puyat lamang ito.
"Good morning my prince iloveyou,"
Pero wala pa ding reply.
Kada tunog ng phone niya ay nagmamadali siyang tingnan at umaasang baka si josh na ito. Pero hindi pa din.
Lunch break sa opisina...
"Ano bakla hndi pa din nagtetext?" tanong ni marcus isang malungkot na tingin lang ang ibinato niya bilang sagot sa kanya.
"Baka naman may inihahanda lang na sorpresa," sabi naman ni phobie medyo napangiti naman ako ng bahagya, SANA NGA MAY HINAHANDA LANG SYA NA SORPRESA.
"Baka naman may kapustahan lang siya at pinag sinagot mo na siya tapos na,"
Napahagulgol na lang bigla si avianaen sa sinabi ng isa naming kasamahan.
"Ay, tarantado ka din e no ang hard mo diyan sa part na yan," pinagpapalo naman siya ng dalawa sa sinabi niya at iyak pa din ng iyak si avianaen.
BAKA NGA GANUN!
Hanggang gabi ay walang paramdam si josh hanggang sa makauwi siya sinubukan niya itong tawagan pero cannot be reach kagabi pa din ang last log in nito sa messenger niya magkahalong kaba pag aalala lungkot at sakit ang nararamdaman niya wala man lang siyang ideya sa kung anung nangyari kay josh.
"Please text me once you recieve my text hindi ako magagalit just let me know if you're okay," text niya.
Nagbabakasakaling magreply si josh, ngunit lumipas ang ilang oras na paghihintay niya habang umiiyak ay wala pa ding josh na nagtext.
Lumipas ang mga araw halos nawawalan na siya ng gana pagtatrabaho laging, late minsan absent mga kaibigan na lang niya ang sumasalo sa mga task niya para hndi mapagalitan ng boss nila.
Pilit din naman siyang inuunawa ng boss niya dahil talagang kita ang pagdurusa kay lea magang maga ang mga mata nito kakaiyak, pinipilit nila marcus at phobie na pasayahin siya ngunit walang epekto.
'Nakakaasar! Ngayon na nga lang ako mag mamahal ganito pa ang mangyayari'
***
YOU ARE READING
It All Started With A Text
Short StoryLea is a hard working / family oriented girl, her life after college was spent working and thinking about for her family until one day there is a very unexpected person from the past that texted her and change all her planned in life. Will she give...
