e a s y r o u t e

20 2 0
                                    

I'm Anela Angeles. Isa ako sa mga photographers at journalist ng isang publishing company held by my old school, Estacio Academy. One of the best schools in Asia. One of the best rin naman ako sa Read and Prints, doon ako nagtratrabaho.

Summer non at pinapauwi ako ng lola ko sa amin kahit may trabaho ako. Nag-emergency leave tuloy ako. Hindi ko alam kung sa anong lugar ang pupuntahan ko, pero nung malaman ko, binalot ng kaba ang katawan ko. Nasa isa akong ospital. Nakaupo sa isang kwarto kasama ang Lola at ang bunso kong kapatid.

"Hindi ko alam kung kakayanin pa ng katawan nya  ang lahat ng gamot na papainumin sa kanya at yung mga test na isasagawa namin. Ipagpalagay na nating, may hangganan ang buhay nya" malungkot na sabi ng doctor.

Hindi makapaniwala sa naririnig, tiningnan ko ang Lola ko at nagbigay ng nagtatanong na mga mata. "B-bakit, Nang? Ano nangyari? Akala ko ho maayos na ang kalagayan ni Zyrus?"

Hinawakan ng lola ko ang kamay ko. "Pasensya na ha? Ayoko kasi na mag-alala ka kaya hindi ko na binanggit sayo ang kalagayan ng kapatid mo. Wala tayong pambayad, ineng" puno ng awa na sabi ni Nangnang.

Dala naming ang mabigat na aura hanggang sa pag-uwi ng bahay. Tiningnan ko ang kapatid ko. Sa itsura pa lang ay hindi mo maiisipan na may sakit sya at may taning ang buhay. Six months... ipipilit ko ba na ipagamot ka kahit wala akong pera?

Ilang minuto pa akong nakatulala at nag-iisip nung marinig kong magring ang cellphone ko. "Hello?" bungad ko dahil isang hindi kilalang number ang tumawag.

"Babe, itataas daw sahod naten sabi ni Director!" kilala ko na ang boses na yun. "Nilista ko ang pangalan mo sa nominee of promotion ah? Nabalitaan ko kasi sa Lola mo yung nangyari.." lumungkot bigla ang boses nya.

Sya si Lance Paquiz. Ang boyfriend ko since highschool. Ang tagal na nga naming eh. Pareho kami ng kompanyang pinagtratrabahuhan.

"Ahh yun ba? Salamat, babe. Kelangan ko talaga yun" malungkot ngunit may halong saya na anas ko.

"Oo nga pala. Ako na yung gumawa ng mga papers mo sa lamesa. Wala ka ng aasikasuhin pagbalik." ang bait nya noh? Kaya kami nagtagal dahil sa ugali nyang yan.

"Hala..." wala na akong masabi.

Dumaan ang sabado at lingo. Lunes na naman at balik ako sa trabaho. Pagpasok ko pa lang sa opisina, pinagtitinginan na nila akong lahat. Hindi naman weird yung looks pero, parang nanunukso. Lahat sila ay ganon ang tingin sakin buong araw.

"Alam mob a babe, sabi sakin ni Mama, hindi daw sya papaya na ikasal ako kung hindi ikaw yun" sabi ni Lance nung time na magkasama kami. Katatapos lang ng work naming at naisipan namin na tumambay sa park kung saan kami nagkakilala.

"Siyempre! Sakin boto si Tita eh" mayabang na sabi ko.

"Kaya nga gusto kita tanungin eh." Lumayo sya sakin at may mga taong nagsilabasan mula sa puno. Mga workmates namin! "Anela Angeles, will you marry me? Kapag sinagot mo ko, ikakasal na tayo sa sunod na buwan"

Wow. Planado ang lahat. Right before my eyes, I saw everything before me and him were a thing. Kung paano ko sya inaasar na bakla at kung gaano nya ko iniinis. It has been a very long time. Kaso, naisip ko ang kapatid ko. Ang sakit nya. Pero, kung sasagutin ko si Lance hindi ba't mas maganda yun? Magkakaron ako ng katulong sap ag-aalaga kay Zyrus.

"Sige, Lance" mangiyak-ngiyak na sabi ko. Everyone cheered for us.

That night was one of the best nights. Umuwi ako kina Lance para ipaalam sa kanila ang proposal. Hindi pa kami makakapunta kina Lola kasi balak naming sabihin ang proposal sa birthday ni Zyrus.

The Easy RouteWhere stories live. Discover now