MFLP : Stranded On You - Chapter 1

46 3 0
                                        

[New York City]

Tawag ng marami sa New York City ay "City Of Dreams" o "City That Never Sleeps", dahil ang mga taong naninirahan sa lungsod na ito ay workaholic, driven and ambitious. Idagdag mo pa ang expensive lifestyle sa lungsod na ito na nagtutulak sa karamihan na magtrabaho nang mas mahabang oras. Iyon ang dahilan kung bakit maraming tao ang nagkakaroon ng anxieties at stress, at si Liam Sanders ay hindi ligtas dito. Siya ay 30 taong gulang na nakatira sa malaking apartment, nakipag-date ng maraming mga babae ngunit wala man lang sa mga ito ang tumagal. Naniniwala siya na ang hitsura at mga pag-aari ay ang kaniyang asset upang maakit ang maraming mga babae. Gayunpaman, kamakailan lamang tila nagbago ang mga bagay-bagay. Hindi maganda ang takbo ng kaniyang karera, palubog na ito. Tatlong taon na siyang nagtatrabaho sa isang kilalang publishing house bilang isang content writer. Subalit ang kumpetisiyon sa pagitan ng mga manunulat ay lalong humihigpit. Karagdagan pa, malaki ang inaasahan sa kaniya ng boss niya. Nitong nakaraang mga linggo halos hindi siya nakakatulog sa kaiisip kung paano makabuo ng isang magandang artikulo at mapanatili ang kaniyang puwesto bilang numero unong manunulat.

Tumunog ang kaniyang telepono kaya napabalikwas siyang bumangon sa kama. Hinahagilap niya kung nasaan ito dahil ang kaniyang mga mata ay bahagyang nakapikit pa rin. Nahihilo pa rin siya dahil halos hindi siya nakakatulog ng buong gabi. Sinulyapan niya ang orasan, alas otso na nang umaga. Tumunog ulit ang kaniyang telepono at natauhan siya nang makita niya kung sino ang tumatawag.

"G-good morning boss," nauutal na bati niya sa kaniyang boss sa kabilang linya.

"Are you still in bed? Get your butt out there and come here in my office now! I need to talk to you!" sinagawan siya nito at binagsakan ng telepono. Hindi man lang hinayaang sumagot si Liam kahit isang salita man lang. Napapikit na lang siya dahil alam niyang maaaring huling araw na niya ito sa trabaho.

Nang naglalakad siya sa pasilyo ng opisina, nakatingin sa kaniya lahat ng office mates niya. Para bang sinasabi ng mga ito na katapusan na niya. Bagay na lalong nagpapakaba sa kaniya habang tinutungo ang opisina ng boss niya. Kitang-kita mo kung gaano siya ka-tensiyunado dahil pinagpapawisan siya sa de-aircon na opisina. Nang makarating siya sa may pinto ng opisina, napahugot siya ng isang malalim na hininga. Kumatok muna siya ng dalawang ulit saka pumasok.

"G-good morning boss," bati niya sa boss niya na abalang-abala sa pag-aayos ng mga manuscripts na nakapatong sa mesa nito. Halatado sa tono ng boses niya na kinakabahan siya.

"Liam, let's make it straight to the point," wika nito kay Liam. Napakaseryoso ng pagkakasabi nito habang direktang nakatingin sa mga mata ni Liam. Bagama't hindi magkakalayo ang agwat ng edad nila pero may pagkaold-fashioned ito, kaya naman kahit pa maganda ito, hindi niya tinangkang makipagharutan dito, ni sa panaginip man lang. Minsan may mga lalaki na nakikipagharutan sa kanilang boss na babae kung single ito.

"Liam!" sinigawan siya uli nito kaya nanumbalik siya sa reyalidad.

"Yes," maagap na tugon niya.

"Are you with me? You know I notice you are losing focus these days. You see, your stats are dropping so low. You supposed to be my top writer. What is happening with you!" nagalit na nang tuluyan sa kaniya ang boss niya.

"I Uh... I-I am so sorry boss. I don't know either. Just that recently, all of these competition going on among us, those new comers with new ideas and your big expectation on me, it's just uh...it's just so overwhelming and I slowly lose focus," napakatapat ng pagkakasabi niya kung kaya naman ay napakalma niya ang boss niya.

"You're a one of our assets. You're a good writer. All these years, you're articles brought us to where we are right now. I don't want you to lose your biggest chance to be promoted. But you have to be back on the track, otherwise I'll let you go," kahit pa prangka ang pagkakasabi nito sa kaniya, gumaan pa Rin ang pakiramdam niya. Sapagkat dama niya na kahit papaano ay mahalaga siya sa kumpaniya.

My Foreign Love Presents [Tagalog Edition] CompletedStories to obsess over. Discover now