COY 1

779 27 5
                                    

SHARLENE

Naningkit ang aking mga mata ng makitang may kasamang ibang babae si Lawrence. Sino na naman kaya itong bruhildang ito na umaaligid sa boyfriend ko? Napasimangot ako ng makitang hinaplos pa noong babae ang kaniyang braso pero agad ding natawa noong hinawi iyon ni Lawrence. Natigil ako sa pagtawa noong tumingin sila sa aking gawi. Nanlaki ang aking mga mata at dali dali akong tumakbo palayo sa kanila.

Siguro itatanong ninyo kung bakit tumakbo ako eh samantalang sinabi kong boyfriend ko si Lawrence. Well, boyfriend ko siya sa panaginip ko hahahaha. But in reality ay hindi naman talaga kami at ako lang itong nag iimagine. Hashtag sad life.

"Oh ano? Nasilip mo na ba yung dyowa mo?" tanong ni Lyca noong makabalik ako sa aming classroom.

"Oo. As usual, may kasama na namang iba." nakasimangot kong sagot.

"At least sa lahat ng mga nakakasama niya ay wala siyang naging seryosong dyowa." pampalubag loob niya sa akin.

Unti unti na akong napangiti dahil sa narinig.

"Tingin mo ba, ako ang hinihintay niya?" ngiting ngiti kong bulong sa kaniya.

Umiling iling siya at nag iwas na sa akin ng tingin. Tanda na hindi na niya kinakaya ang mga pinagsasabi ko. Natawa na lang ako at nangalumbaba sa aking desk. Dalawang taon na din ang lumipas simula noong magustuhan ko si Lawrence. Kakatransfer niya lang dito noon at talagang namangha na ako sa kaniya. Sobrang gwapo kasi at matalino pa pero marami akong kaagaw kaya hindi ko na din sinubukan pang makipagkilala sa kaniya. I mean, mas marami pang mas maganda, sexy, matalino at mayaman na umaaligid sa kaniya kumpara sa akin. Walang wala ako kumpara sa kanila. Isa pa, alam ko namang malabong magustuhan niya ako eh.

Lawrence is an actor in our theatre club. Sobrang galing niyang umarte na umabot na sa puntong may mga agency na gustong kumuha sa kaniya bilang artista at kapag nangyari yun ay mas mahihirapan na akong makita siya, lalong hindi na niya ako mapapansin pa.

"Good morning Ms. Malou." natigil ako sa pag iisip ng dumating na ang aming teacher.

"We have a new transferee." panimula niya at tumingin sa may pintuan. "Pwede ka ng pumasok."

Napunta sa taong papasok ang atensyon naming lahat. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang bago naming kaklase. Narinig ko na din ang mga kaklase kong babae na kinikilig dahil sa bagong dating.

"I'm Kevin Garcia. Nice to meet you all." walang emosyon niyang pagpapakilala.

Napalunok ako. Shemay! Napakagwapo naman nito!

"You can sit on that vacant chair." sabi ni Ms. Malou.

Parang nahigit ko ang aking hininga noong dumaan siya sa aking gilid papunta sa bakanteng upuan na nasa aking likod.

Gwapo na, mabango pa!

Napailing iling ako at biglang naisip si Lawrence. Oh God! Baka maturn off siya sa akin kapag nalaman niyang may iniisip akong ibang lalaki. Huminga ako ng malalim at tumango tango. Tama yan, Sharlene. Dapat maging loyal ka kay Lawrence.

Nangalumbaba ako at nakinig na sa sinasabi ni Ms. Malou.

Napatingin ako kay Lyca noong siniko niya ako.

"Bakit?" kunot noo kong tanong. Nagliligpit na ako ng mga gamit dahil kakain na kami ng lunch.

"Gwapo nung transferee." bulong niya at humagikgik pa.

Lumingon ako sa likod at nakitang natutulog sa desk niya yung transferee. Nagkibit balikat lang ako at bumalik na sa pag aayos ng mga gamit.

"Mas gwapo pa din si Lawrence."

Umiling iling si Lyca at hindi makapaniwalang tinignan ako.

"Ikaw na loyal te." sabi niya na ikinatawa ko.

Napatingin kami kina Cindy noong lumapit sila kay Kevin.

"Hi." nakangiting bati niya. Nag angat ng tingin si Kevin at tumingin sa kanila. Napailing ako ng makitang namula agad ang pisngi ni Cindy. "Gusto mong sumabay mag lunch sa amin?" malambing niyang tanong na agad kong ikinairita.

Tss. Ang harot talaga ng isang ito. Tsk. Naging sila ni Lawrence pero tumagal lang ng dalawang araw. Siguro ay talagang pinagbigyan lang siya para hindi siya mapahiya.

Natigilan ako ng biglang tumingin sa aking mga mata yung transferee.

"I'm with her." sabi niya at saglit na tinignan si Cindy bago ibinalik sa akin ang tingin. "Tapos ka na ba? Gutom na ako." tanong niya na para bang may usapan talaga kami.

Wala sa sariling tumango ako bilang sagot. Mistulang nahipnotismo sa paninitig niya. Tumayo naman din siya at tuluyan ng lumapit sa akin.

"Let's go."

Crazy Over You (COMPLETED)Where stories live. Discover now