Chapter 42: Crystal Ball (Part 2)

19 4 4
                                    

Chapter 42: Cystal Ball ( Part 2)

Jedalyn's POV

Langhiya, kanina pa tong lalaking to' kain ng kain parang walang bukas ampucha.

Masarap kumain oo pero putcha hindi ko ma-imagine na ganyan ako kumain ng sobra 'ah.

"Oy, kanina ka pa kain ng kain dyan parang walang bukas 'ah." Reklamo ko, parang kumakain lang sa bahay tong lalaking 'to eh.

"Egh mat-sarap k-kasi—." Sabi nito

"Putik hindi ka ba marunong ng manners? Don't talk while your mouth is full." Singhal ko dito

Mabulunan ka sana.

Tumigil siya sa pagkain, mukhang nabulan nga siya agad-agad itong uninom na tubig saka tumikhim, "Siguro hiniling mong mabulunan ako kaya nabulan ako ngayon!," Singhal nito sakin, at saka uminom ulit ng tubig, "Ikaw kaya itong kinakausap ako alangan naman hindi kita sagutin edi nag mukha kang tanga?" Aniya

Wow ako talaga may kasalan eh no'.

"Aba't ako pa ang may kasalan?"

"Oo, alangan namang ako?"

Lintek na 'to bakit kasi ito ba naging partner ko? Pwede naman iba ah mas okay pa.

Imbis na patulan ay pinanuod ko na lang ang mga kapwa ko estudyante na masayang nag sasayaw sa gitnang hall.

Hindi naman ako naiingit eh sadyang— argh oo na naiingit ako gusto ko din mag sayaw no' hindi ba pwede?

"Miss, pwede ba kitang isayaw?," Tanong ng lalaking nakatayo sa harapan ko

Hay ang swerte naman nila may nag aaya sa kanila.

"Miss." tawag nito

Hay sayang naman si kuya mukhang senior ang gwapo pa naman bakit ba ayaw sumagot ng niyaya niya?

May biglang kumalabit sakin kaya tumingin ako rito. Taka ko itong tiningnan.

May itinuro ito sa aking gilid kaya bahagyang nabaling rito ang aking atensyon.

Si kuya senior pala

"Bakit?." Tanong ko

Bahagyang itong natawa ngunit agad itong tumikhim, "Miss, pwede ba kitang isayaw?" Tanong nito

"H-ha? A-ako ba?." Tanong ko sabay turo sa sarili ko

Tumango ito saka nag lahad ng kamay

O.M.G may nag yaya sakin kala ko pa naman boring ang gabing ito hindi pala.

Aabutin ko na sana ang kamay nito ngunit may isang kamay ang pumigil sakin.

Akmang sisigawan ko na sana ito pero agad akong natigil ng masalubong ang mga brown na mata nito.

"She's my date, so back off." Sabi ni Drew at bumaling sa kuyang senior na nag yaya sakin

"Hey chill, I thought she's alone—."

"I don't care about your excuses, now go." Putol ni Drew sa sinabi ng kuyang senior

Ngumiti ito saka bahagyang sumilip sakin, "Enjoy, Miss." Sabi nito at saka nag lakad palayo

Nang mawala na ito ay agad kong binawi ang kamay ko at saka hinarap si Drew.

"Hoy anong problema mo?" Singhal ko dito

Nabaling sakin ang tingin nito at bahagyang kumunot ang noo na para bang nag iisip, "Problema? Wala." Sagot nito at bumalik sa pag kakaupo

Minsan talaga hindi ko alam kung may sira na ang ulo ng lalaking 'to o sadyang baliw siya.

8 vs 8 ( On-Going/ Slow Update )Where stories live. Discover now