Hinila ako ni Isobel sa isa sa mga upuan doon at umupo ako sa may arm rest ng isang couch. Lahat sila ay nakatingin sa iisang litrato. 

"The guy is Seth!" sabi ni Ry.

"Seth? As in the member of IGNITION?" tanong naman ni Nigel.

Tumango silang lahat. Nanlalaki pa ang mata nina Ezequiel. 

"Pero diba... boyfriend 'yan nung Lyrica?" 

Napatango ako. Iyon din kasi ang alam ko at mukhang 'yon din ang alam ng lahat. 

Sumandal si Ry sa sandalan ng couch at tumingala sa ceiling. "I'd be so hurt if I were her."

Bumaling sa kaniya si Nigel. "Then find a guy who wouldn't hurt you like that."

"Hah! Hindi naman ako sasaktan ni Shun, 'no!"

Nanahimik ang lahat pero nagsalita si Zion. "Pero grabe naman iyong Seth na 'to kung sakali. Ang lakas ng loob isigaw iyong pangalan ni Lyrica nung concert tapos ganito din pala."

"I know, right? Ang gago!"

Nagkibit-balikat ako nang makita ulit iyong picture. "Hindi naman natin alam iyong buong kwento. Alamin muna sa lahat ng anggulo. We shouldn't judge by this picture alone," panimula ko.

"You are journalists. You should know that better than anyone."

Nag-agree si Nigel sa akin at siya na ang nagtuloy ng pangaral sa mga junior staff namin pati na kay Ry na nakisali sa kanila. Kinuha ko na ang bag ko doon sa pwesto ko at nagpaalam na sa kanila. 

"Sorry, Ate Trey! Tatandaan namin iyong sinabi mo..." sabi ni Wyn. I just raised my hand in acknowledgement.

Naghintay ako sa boulevard dahil dito dadaan si Jiro. Napangiti ako nang maalala ang huling beses na hinintay ko siya dito at kung gaano ako ka-badtrip sa kaniya nung gabing iyon.

Laking gulat ko nang naaninag ko na si Jiro na naglalakad papunta sa direksyon ko pero diretso ang tingin niya sa boulevard at nakakuyom ang kamao. 

Natataranta akong tumayo para salubungin siya at harangin ang dinadaanan niya. Habang papalapit siya nang papalapit ay mas nakikita ko ang galit niyang ekspresyon at malalim niyang paghinga.

Hindi niya man lang namalayan na nandoon ako sa dadaanan niya at nabangga niya ang braso ko. Malakas ang impact noon dahil sa bilis niya maglakat.

Ang sakit.

Napahawak ako doon sa natamaan niya. This is definitely going to bruise. 

"Shit," dinig kong sabi niya at sa wakas ay tumigil na sa paglalakad. 

Napalitan ng pag-aalala ang pinapakita ng mga mata niya pero hindi pa rin nawawala iyong iritasyon na naramdaman ko sa kaniya kanina. "Trey? Shit, sorry."

"Anong... problema?" tanong ko.

Hinawakan niya ako nang marahan sa braso at itinabi nang kaunti para hindi ako tamaan ng mga dumadaan na grupo ng mga lalaki. Itinago niya ako sa mas malaki niyang katawan at pinanood ang mga iyon muna bago tuluyang bumaling sa akin.

"Sorry, Trey. Medyo wala lang sa mood kanina." Kinamot niya ang batok niya at nahihiyang ngumiti sa akin.

Medyo nag-iba ang mood ko nang maalala ang dire-diretso niyang lakad kanina na para bang pupunta siya sa kung saan man siya dadalhin ng mga paa niya. "Saan ka pupunta?" tanong ko.

Nakita kong nagulat siya sa tanong ko pero nakabawi siya kaagad. "Saan pa ba? Diba... may lakad tayo ngayon?"

Napakagat ako sa labi ko. Mas klaro pa sa araw na wala ako sa isip niya kanina. Wala iyong plano namin sa isip niya kanina at kung wala ako para harangin siya ay hindi siya sisipot ngayon.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Where stories live. Discover now