Kinisan mo si Shem?

54 4 1
                                    

Chapter Six

Jan Kemuel Dela Cruz Point of View

Shit! Hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko. Malapit na ang labi ko sa pisngi ni Shem. Nararamdaman ko ang malakas na pagkalabog ng dibdib ko.

"Shem gabi na. Pumasok na sa loob"

Bigla akong napatalikod at naihampas ko ang hawak kong jacket sa mukha ko nung marinig ko iyon mula sa gate nila Shem. Si Kuya Aedan.

Paano? Uwe na ako Shem..." nahihiyang paalam ko sa kanya.

"Ingat ka pag-uwe ha... Salamat ulit!" sagot naman niya at nagsimula na siyang maglakad papasok sa loob ng gate nila. Nagsimula na rin akong maglakad papalabas ng gate. Napapasipol nga ako kasi kahit ko naituloy yung pagkiss ko kay Shem eh kinikilig ako. Naiimagine ko kasi na dumadampi ang labi ko sa pisngi niya, lalo na sa labi niya. SHIIIIIIIIT! Kinilig na ako ng sobra.

"Aba! Ngiting ngiti ka Kemuel" bungad sakin ni nanay nung makapasok na ako sa loob ng bahay namin. Nginitian ko lang si nanay at dumiretso na ako sa loob ng kwarto ko. Humiga ako sa kama ko.

Love doesn't need to be perfect. It just needs to be true.

Ang maging tayo ay parang data connection ko – NAPAKABAGAL!!!!

Status ko ngayon yan. Nawili na nga ako sa kakapost nitong mga nakaraan eh. Dati puro shared post lang ang alam ko pero ngayon ultimo yung ginagawa namin ni Shem ay gustong gusto kong ipost sa status ko.

Kapag talaga in love nagiging korni.

Nabasa kong comment ni Dan sa status ko.

Oo nalang! Sa Linggo ha! 1 case ka!

Reply ko sa kanya. Alam ko kasing kulang ang ihahanda kong alak para sa mga kaibigan ko eh. Pupunta rin ang mga kaklase ko tapos pati itong sila Dan. Ay potek! Pupunta rin si Shem. Kailangan may maihanda akong pagkain para sa kanya. Nakakahiya naman kung wala akong ipapakain sa kanya.

Tumayo ako at itinaob ko ang basong pinaglalagyan ko ng pera ko. Binilang ko lahat. 430. Kulang pa sa alak to eh. Kailangan makaisip ako ng paraan para magkapera ako. Hindi pwedeng walang maihain na pagkain para kay Shem.

"Nay kailangan ko ng pera. Gusto ko maghanda" sabi ko kay nanay habang nakain kami ng almusal.

"Katanda tanda mo na Kemuel maghahanda ka pa!" sagot ni nanay habang binababad sa sukang paumbong ang tuyo.

"Nay pupunta si Shem dito. Nakakahiya naman na wala man lang akong maihain sa kanya. Pleaseeeeeeee" pakiusap ko.

"Osya sya. Ikaw magdeliver nung mga dapat na idedeliver kong paninda ni Tita mo. Sayo ko na ibibigay yung isang libo dun" mahabang sagot ni nanay.

"Talaga nay? Salamat!! Labyu nay! Pasok na ako" sabay takbo ko palabas ng bahay namin. Kailangan bilisan ko para maabutan ko si Shem para sabay kaming pumasok.

Ayos! Sakto lang ang dating ko dahil kakababa lang din niya ng tricycle. Mabilis ko siyang nilapitan.

"Goodmorning! Tara na" bungad ko sa kanya at pilit kong kinuha ang bag niya. Ayaw pa nga niya dahil kaya naman daw niya pero syempre gentleman ako. Hindi ako nagpatalo. Ako na ngayon ang may hawak ng bag niya at pinauna ko na siyang makasakay sa loob ng baby bus.

Katulad ng dati ay inilalagay ko sa tainga niya ang kapares ng earphone ko at una kong pinapatugtog ang Crazy For You. Kapag kasi naririnig ko ang kantang iyan ay si Shem agad ang unang pumapasok sa isip ko tapos nadiretso na sa puso ko. Ayieeee. Kinikilig nanaman ako.

"Parang baliw to bigla bigla nalang nangiti" puna niya sakin.

"May naalala lang" sagot ko at ramdam ko pa rin na nakangiti ako.

My No Ordinary LoveWhere stories live. Discover now