hsushs

65 6 3
                                    

Jan Kemuel Point of View


"Happy Birthday Kemuel" bati sakin ni Shem at inabot niya sakin ang isang box.

"Kain ka muna Shem" sabi ko sa kanya at naglagay ako ng pagkain sa paper plate at inabot ko ito sa kanya.

"Kanina pa kita inaantay Kuya Shem. Akala ko hindi ka pupunta eh" malambing na sabi ng kapatid ko.

"Pwede ba yun eh birthday ni Kuya Kemuel mo" nakangiting sagot niya.

"Kemuel tara na dito! Katagal tagal mo namn! Birthday boy eh!" malakas na sigaw na narinig namin mula kay Dan.

Hindi ko inintindi yun. Katabi ko kasi si Shem at sinisigurado ko na titikman niya lahat ng hinanda ko. Kulang na nga lang ay ipakain ko sa kanya lahat ito eh. Siya kasi ang bisitang pandangal ko. Bisita ng puso ko.

"Tara na dun" sabi nya sakin matapos niyang kumain.

"Sasama ka dun?" tanong ko sa kanya tukoy sa mga tropa kong nagiinuman.

"Oo naman... Birthday mo eh. Dapat nandun tayo" ngiting sagot niya at siya na mismo ang humila sa kamay ko pabalik sa likuran ng bahay namin.

"Katagal tagal mo kani- Hi" gulat na bati ni Dan.

"Upo ka dito Shem" -Jerald

"Dito ka oh" -Rj

"Bakit kilala nila ako?" mahinang bulong sakin ni Shem.

"Palagi ka kasing kinukwento samin ni Kemuel. Tara dito upo ka na" sagot ni Rj. Lakas talaga radar ng lalakeng to. Napakahina na ng boses ni Shem ay narinig pa rin niya iyon.

"Dito tayo Shem" kasunod nun ay ang paghawak ko sa kamay niya at iginiya ko siya sa tabi ko.

"O shot mo na Kemuel. Puno yan kasi dami mo nalampasan" kasunod nun ay ang pag-abot sakin ni Dan ng isang basong puno ng alak.

"Tol papindot ako nito" utos ni Rj kay Jerald tukoy sa number code ng videoke. Regalo sakin ni Jerald ang videoke. Inarkila kina Kua Essie. Kaya napapasarap sa inuman eh dahil may kantahan.

"Kapanget panget naman ng boses mo eh. Ako nga!" pag-agaw ni Dan sa mikropono at pinagpatuloy ang kinakanta ni Rj.

"Shem shot oh" habang inaabot ni Jerald ang baso.

"Oy oy oy! Hindi pwedeng mag-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nung kinuha ni Shem ang inaabot sa kanya ni Jerald.

"Yown! Astig mo Shem!" reaksyon ni Jerald.

"Oyyy! Hindi ka naman pwede mag-inom ah" sabi ko sa kanya.

"Kung hindi ako mag-iinom at makikicelebrate sa birthday mo, uuwe nalang ako" sagot niya sakin.

"Huwag ka ngang KJ Kemuel. Chill chill lang tayo" singit naman ni Rj.

"Dan konti lang ang kay Shem. Hindi pwedeng malasing to" bilin ko kay Dan habang patuloy na nagpapaikot ng tagay.

"Kemuel oh" sabay abot sakin ni Jerald ng mic.

Du ru rum du ru rum du du

You say you've been overseas
I say over where
You say just a holiday
My Alsatian heir
I say I've been working late, working overtime
Haven't seen that sun since sixty-nine

Panimula ko sa kanta at naramdaman kong tumahimik itong katabi ko.

Does the moonlight shine on Paris
After the sun goes down
If the London Bridge is falling.
Would anybody hear a sound
If you follow that sunset will it ever end
Oh Does the moonlight shine on Paris
Oooh du ru

My No Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon