Tara. Samahan kita 😊

55 4 0
                                    


Chapter Three

Jan Kemuel Point of View

Ilang araw na rin walang pasok dahil sa bagyo kaya Ilang araw din akong hindi nakatanggap ng baon galing kay nanay. Naghuhulog kasi ako tuwing gabi ng lima hanggang sampung piso sa alkansya ko, yun yung mga sobra sa pamasahe ko. Gustong gusto ko kasing makabili ng bagong sapatos. Sira na kasi yung sapatos na ginagamit ko pangbasketball. Limang taon ko na yatang ginagamit yun eh.

Ngayon din ang birthday ni Rj. Kanina pa nga chat ng chat sa gc namin at laging pinapaalala na birthday niya. Nakapag-paalam na rin ako kina nanay. Siguradong walwalan mamaya kasi suspended pa rin ang klase hanggang bukas. Buti nga hindi kami binaha ngayon. Dati kasi kahit kaunting ulan ay pinapasok ng tubig itong bahay namin. Laking pasasalamat nalang namin sa kapatid ng nanay ko at nabigyan kami ng materyales para mapataasan ng kaunti itong maliit naming bahay.

Matapos kumain ng tanghalian ay naupo ako dito sa sala namin. Scroll scroll lang sa newsfeed at nagbabasa ng pwedeng mai-share na memes. Hindi kasi talaga ako mahilig magpost. Karamihang laman ng timeline ko ay puro shared post. May kaartehan at mas marami ang kalokohan.

Shem Keziah Santos is feeling sad.

Binasa ko ang mga comments dun. ANG DAMIIIII! Puro nagtatanong kung bakit siya sad. Wala naman akong nabasang reply ni Shem dun. Nabasa ko nga rin ang comment ni Mico. Papansin talaga ang abnormal na iyon. Ni-tap ko ang message sa profile niya.

Bakit ka sad? Anong nangyari?

Lakas loob kong tanong sa kanya kahit alam ko namang hindi niya iintindihin ang tanong ko. Bumalik ako sa timeline niya at binasa ko ang mga recent post niya. Puro love quotes. Dami ngang puso at likes ng post niya eh. Umaabot ng 600 likes samantalang ako tatlo lang tapos kabilang pa ako sa naglalike ng post ko.

Hindi kasi pwede si Maica. Pupunta dapat kami sa Robinson ngayon.

Tatlong beses kong binasa at nicheck ang pangalan sa itaas ng cellphone ko. Shem Keziah Santos. Potek! Nireplayan niya ako!

Medyo masama pa ang panahon. Dapat stay muna sa loob ng bahay. May importante ka bang bibilihin?

Bago ko maisend yan ay nakailang delete at type pa ako. Iniisip ko kasing mabuti kung paano ang tamang pakikipagchat sa kanya. Baka kasi hindi niya magustuhan ang font at style ng chat ko kaya binuo ko nalang ang bawat salita.

Bibili kasi ako ng laptop. Nasira kasi yung lappy ko. Kailangan ko pa naman yun sa mga research namin. Saka may importante rin akong bibilin.

Naiimagine ko nga ang mukha ni Shem habang sinasabi yan eh. Yung mukhang parang nagsusumbong na nagpapaawa. Napapangiti nga ako eh. Para akong hibang dito habang nakaupo. Hindi ko nga iniintindi yung mga chat ng tropa ko. Nakamute silang lahat.

Tara. Samahan kita 😊

Kusa na yatang nagtype ang daliri ko at nireply ko sa kanya yan. Gustuhin ko mang i-delete pero bumaba na yung bilog na profile picture niya sa chatbox namin kaya siguradong nabasa na niya iyon.

Talaga? Sige. Daanan kita diyan sa inyo ha. Kitakits! 😉

Bigla akong napatayo nung nabasa ko ang reply niya. Nagulat nga ang kapatid ko nung tumakbo ako papunta sa kusina namin. Kinuha ko ang maliit na baso sa taas ng refrigerator namin itinaktak ko ang mga baryang pinagbilan ko sa yelo. Dumiretso na ako sa banyo. Hindi ko na nga nagawa yung ritwal na ginagawa ko kapag nasa banyo ako dahil sa sobrang pagmamadali ko eh. Nakalimang ulit ako ng sabon sa katawan at dalawang beses ako gumamit ng shampoo. Para siguradong mabango.

My No Ordinary LoveWhere stories live. Discover now