Ako meron. Ikaw pa kaya

62 4 0
                                    

Chapter Four

Jan Kemuel Point of View

"HImala at maaga kang nagising Kemuel. Baka nakakalimutan mong walang pasok ngayon"

Hindi talaga ako nakatulog. Magdamag yata akong nakatingin sa orasan at inaantay ko ang bawat pag-usad ng mga kamay nito. Excited na excited na kasi ako. Excited na ako sa araw na ito. Araw ng sabado.

Paulit-ulit ko ring binabasa yung post ko. Yung tungkol sa kiss. Ewan ko ba pero naiimagine ko yung labi ni Shem na dumidikit sa labi ko kaya lalo akong hindi makatulog. Kinikilig ako. Shet!

"Bago mo halikan ng halikan yang tuwalya mo Kemuel ay kumain na muna kayo ng kapatid mo. Maaga umalis ang tatay niyo at nauna nanaman ako kumain sanyo" sita sakin ni nanay nung napansin niyang dinuduldol ko sa labi ko ang hawak kong tuwalya. Pasira naman ng moment itong si nanay oh! Magdidikit na labi namin ni Shem eh!

"Kuya ide-date mo ba si Kuya Shen?" walang pakundangan na tanong ni Kean sakin habang nakain kami. Potek na bata to ah! Paano kaya nalaman nito na niyakag kong magdate si Shem? Kabata bata pa eh kung ano ano na sinasabi.

"Kunwari ka pa Kuya. Kachat ko si Kuya Shem sabi niya inaantay niya daw ang chat mo"

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko. Nagulat nga si nanay sakin nung bigla akong kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto ko eh. Nagcheck ako ng message.

Chat mo nalang ako kung saan tayo magkikita at kung anong oras ha...

Shaks! May chat nga saken si Shem. Namimiss na siguro ako neto. Ayieeee! Nireplyan ko siya at sinabi kong maliligo na ako. Hindi ko na nga tinapos ang pagkain ko ng almusal kasi baka bigla pang magbago ang isip ni Shem at hindi pa sumama sakin.

"Nay aalis na si Kuya. Makikipagdate daw siya!" malakas na sigaw ni Kean.

"Anong date date Kemuel!"

"Nay naman.. kaibigan lang ako nun.. alis muna ako nay"

"Kunwari ka pa Kuya halata naman na may gusto ka kay Kuya Shem. Lakad na kanina ka pa inaantay ni Kuya Shem. Pasalubong ko Kuya ha!"

Ang kapal talaga ng mukha ng kapatid ko. Naiisip ko tuloy baka kung ano ano sinabi ni Kean kay Shem. Baka iwasan pa ako nun. Naku tuktok ka talaga sakin Kean. Nagsimula na akong maglakad papuntang sakayan ng tricycle. Hindi rin naman nagtagal ay nakapasok na ako sa village nila Shem. Hindi naman gaanong mainit dahil kulimlim ang panahon. Huwag lang sana uulan. Dapat makisama ang panahon sa araw na ito. Ayoko masira ang moment naming dalawa ni Shem.

Potek! Ang hina ng data ko dito. Hindi ko tuloy masabi kay Shem na nasa tapat na ako ng bahay nila. Hindi ko rin naman kasi alam ang cellphone number ni Shem kasi sa chat lang kami nagkakausap. Mga ilang minuto ang lumipas ay biglang bumukas ang gate.

"Pasok daw po kayo sa loob" sabi sakin nung babaeng nakasuot ng kulay blue na damit. Siya yata yung kinukwento ni Shem na Yaya niya. Tumanggi nga ako nung una pero papagalitan daw siya kapag hindi ako pumasok. Sinundan ko siya. Wow! Ang laki ng bahay. Ang ganda! Parang yung mga napapanuod ko sa movie.

"Upo ka muna Kemuel. Nagbibihis pa si Shem"

Bigla akong kinabahan nung narinig ko ang boses na iyon. Kuya ni Shem.

"Goodmorning po" magalang ko bati sa kanya at naupo na ako sa Malaki at napakalambot na sofa. Naglapag ng juice yung babaeng sumundo sakin sa gate kanina at sinabi niyang pababa na rin daw si Shem.

"San kayo pupunta ni Shem?"

Naramdaman ko nanaman ang kalabog ng dibdib ko. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako. Daig ko pa ang umaakyat ng ligaw ngayon dahil sa pinaparamdam sakin ng Kuya ni Shem.

My No Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon