Dapat talaga hindi kami sa Japan ngayong bakasyon dahil doon na kami last year pero doon daw gusto ni Charlie, and kung anong gusto niya yon ang susundin namin. Sa mga ganitong paraan na lamang kami makakabawi sa kanya.

Hurricane nodded. "Ilang araw kayo?"

"Three." Then I smiled, "Buo kaming pupunta this time." I am really happy nang malaman na makakasama sila Kuya at Ate pati ang mga pamangkin ko. Sobrang dalang kasi talaga namin mabuo. Kung mabubuo man, mabilis din maghihiwa-hiwalay kaya ngayon three days na sama sama kaming family. Charlie was so happy, too.

"That's good, enjoy your vacation." Saka siya tipid na ngumiti, naka focus lamang ang mata niya sa chicken niya.

So I cleared my throat, "Hindi ka uuwi sa family mo this vacation?"

He shrugged, "Next week, nasa ibang bansa sila ngayon."

"And Barb?"

"Kasama ko."

I nodded, "Sinong kasama niya ngayon?"

He looked at his watch before returning his look at me, "Can we not talk about her?" he asked so calmly, pero mukhang nainis.

Did I say something wrong?

Or maybe he's right.. time namin ngayon, dapat hindi iba ang pag-usapan. Pero hindi ko na alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam paano ba siya i-approach ngayon ng maayos. Parang kanina pa siyang wala sa mood.

"Is something wrong?" I can't help but ask, "I mean.. sa ating dalawa?"

His face softened then he massaged his temples. Inabot niya ang kamay ko sa table at marahang pinisil yon. "Sorry baby, pagod lang."

"Are you sure?"

"Yes."

Hindi ko na pinahaba ang usapan. Tumahimik na lamang ako, maybe I should stop talking too. Sanay naman akong tahimik lamang. Tinapos ko na lamang ang pagkain at hindi na siya tinginan.

"Hey.." he called.

"Hm?"

"Sorry, what do you want to talk about?"

I looked at him. Gusto kong itanong yong sa story ni Barb sa IG pero ayaw naman niyang pag-usapan si Barb, mukhang wala din siya sa mood at nawawala nadin ako sa mood. Wala din akong maisip na pag-uusapan dahil dati naman hindi ko kailangang mag-isip ng sasabihin kapag kausap siya.

So I heaved a sigh, naiinis man ako sa nangyayari pero wala e. Ayokong sirain ang araw namin ngayon.

"Do you want to rest? Uwi na tayo?"

He really looks tired. More on troubled, I mean. Parang pagod na pagod siya kasi he's in troubled not because physically tired.

He smiled bago pumayag.

**

Sabi niya sa condo ko muna kami dumiretso. Hindi ko pa naman nalilinis since nagbakasyon dahil sa amin na ako nagi stay muna pero pumayag nadin ako. Pagkadating na pagkadating namin humiga siya sa sofa pero nag-iwan siya ng space para sakin.

Umupo ako doon at nilagyan ng unan ang lap ko bago siya pinaunan doon. The television was opened. Siya ang pumili ng papanoorin namin, hindi na ako nag-reklamo ng Sherlock na naman. Maganda naman ang movie kaso halos saulo ko na bawat linya. Super favorite talaga niya yon.

Parang yun yong movie na nakaka-relax sa kanya kaya hinahayaan ko lamang.

"How's your grades pala this sem?" I asked.

Winning HurricaneOnde histórias criam vida. Descubra agora