“Bakit ba kasi andito tayo? Sino ba ibibilhan mo?” Tanong ko habang lumalapit sa kanya at inakbayan. Tangkad hindi ko maabot -_-

He chuckled. Inalis niya ung kamay ko at ako ang inakbayan niya. Inilagay niya ung isa kong kamay on his waist. Hindi niya ako sinagot instead inakay niya ako papunta sa may mga couple accessories.

Nakakita ako ng mga couple necklaces, ang gaganda. “Wow.” Hindi ko napigilang maibulalas ang paghanga ko sa mga necklace na andito. Mas magaganda pa sa nakita ko kanina.

“I thought so. Nadaanan ko yan dito noon eh. I just thought nab aka magustuhan mo itong mga necklace kasi doon ka naman mahilig nung bata tayo eh.” Sabin i Karl na nakangiti. So tambayan pa rin pala niya  ang SM.

Napangiti ako. So para sa amin pala to.

“Thank you.” Sabi ko na nakangiti. Ngumiti rin siya pabalik.

May nakita akong couple necklace na mayroon ding star pendant pero nauna nang kumuha si Karl. Kumunot ang noo ko nang Lock and Key ung pendant ng necklace na kinuha niya. “Bakit yan?” Curious kong tanong.

“Use your mind, Lianna. Hindi pwedeng kailangan kong i-explain ang mga simpleng bagay gaya nito.” Sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lang ako, ung mapang-asar. Inakay niya na ako sa cashier at binayaran ung couple necklace. Pagkaalis naming sa section na un ipinasuot niya agad ung kwintas sa akin so isinuot ko naman. Nakita kong nakasuot na sa kanya ung susi. Yup. Sa akin ung lock.

Hindi ko talaga makuha ung interpretation nung couple necklace so maybe I’ll have to ask Miku or Mariel later.

Binalikan na namin si Rica at si Marc. May dala-dala nang shopping bags si Marc at nagtatawanan sila ni Rica. I felt a pang of jealousy in my heart but I brushed it off right away. Pero pasaway talaga ung puso ko, nagseselos kahit na inutusan na ng utak ko.

Not Enough (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें