3rd Trial

24.1K 347 22
                                    

Hinawakan ko ang cellphone ko ng mahigpit at kinuha ang mga papeles. Kinalma ko ang sarili ko at sinundan siya sa taas.

Andito ako sa tapat ng room namin. Kakatok na sana ako when I heard hin talking over the phone to someone. Alam kong masama ang mageavesdrop pero what the hell?! Asawa ko pa din siya...na baka hindi na mamaya.

So ang ginawa ko ay binuksan ng konti ang pinto upang marinig siya.

"...love you, I made you feel that right? Hindi pa ako umuwi kagabi to prove that to you and to myself. My problem is my wife now..."

Lumayo ako sa pintuan.

Ang bigat sa pakiramdam na marinig un mula sa kanya. Hindi na talaga ako siguro masasanay sa sakit kapag hindi ako lalayo.

Huminga ako ng malalim tapos pumasok sa kwarto.

"...bye." tapos ibinaba na ni Marc ang cellphone niya.

"Marc let's talk." tapos naupo ako sa couch ng mini sala namin sa kwarto.

Marc's POV

"Marc let's talk." Huh? Anong meron? Minsan lang naman niya ako tawagin sa pangalan ko. Kapag may ginawa ako.

Hindi ako sanay. Mas sanay ako sa nickname niya para sakin, Mac.

Hindi kaya---? Pero imposible. Tsk. Binura ko ung hinala ko na baka alam niya ang tungkol sa amin nu Rica.

Malamang alam niya un ! Tsk. Kinwento ko na minsan un tsk.

Aish. Bahala na nga. Umupo na din ako sa kabilang couch. Medyo pinagpapawisan na ako ng malamig.

"Leigh..." Ewan ko kung anong meron at parang nahihirapan akong magsalita at kumilos sa harapan niya. Dahil ba ito sa nangyari kagabi? Dahil ba ito sa konsensya?

I saw her smile. Napangiti din ako. Alam kong yan ang ngiti niya, totoong ngiti niya, ang ngiti niyang nagiging dahilan kung bakit ako mas nahuhulog sa kanya. At alam ko sa sarili ko na mahal ko ang nasa harap ko ngayon.

"Where were you last night?" Malambing niyang tanong, ah sh*t! Si Rica! Tssssk. Pano to lulusutan...

Not Enough (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن