17th Trial

12.4K 113 12
                                    

*Marc's POV*

Nagising ako dahil sa...nagising ako eh ~_~ Nang maalala ko ung nagdaang gabi, hindi ko mapigilan ang pag-alpas ng ngiti sa aking mga labi.

Kinapa ko ung nasa tabi ko pero sumimangot ako dahil hindi ko alam kung saan na naman siya nagpunta.

Bumuntunghininga ako. Saan na naman siya pumunta? Sumasakit ang ulo ko nang dahil sa kanya. Tsk. Makabangon na nga lang. Hinawakan ko ung ulo ko, saka ko lang naalala na may sugat pala ako doon. Pero hindi ko iyon naramdaman kagabi. Tsss.

Hinanap ko ung tshirt ko sa sahig pero hindi ko iyon nakita. Nasaan na kaya un napunta? Isinuot ko na lang ung pantalon ko at lumabas ng kwarto.

Nakita ko si Leigh na nakatalikod mula sa direksyon ko habang suot-suot ung tshirt ko. Napangiti ako. Kaya pala hindi ko mahanap eh.

Lalapit na sana ako nang makita ko si Karl na seryoso siyang tinitignan. Anong ginagawa niya dito?! At hindi pa talaga nakuntento kasi niyakap pa niya si Leigh. Punyeta anong gusto niya??!!

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lumapit ako sa kanila na may nagdidilim na paningin.

*Leigh's POV*

"What was that?"Tanong ni Karl na nakatalikod sa akin. I could imagine him frowning. Ano un? Tinatanong niya kung ano un? Ung ano? Ung nakita niya kanina?

Sa totoo lang...hindi ko rin alam. Naguguluhan ako! Gusto ko si Karl, but...I love him...

Mahal ko ung lalaking nasa kwarto ngayon at mahimbing na natutulog. Mahal ko ung may-ari ng t-shirt na suot ko ngayon.

Tumingin ako sa sahig at napangiti. Mahal ko si Marc. Kahit maraming mali. Mahal ko siya. Un ang sagot sa tanong ni Karl.

Pero hindi ko kayang sabihin. At hindi ko alam kung bakit. Basta mahal ko siya. Kahit na nagawa niya akong saktan, apat na taon na ang nakakalipas.

4 years....naalala ko na naman. Kapag naaalala ko yan hindi ko mapigilang umiyak.

Mahal ko nga siya, paano naman si Rica?

Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Karl ng mahigpit at ibinaon ang ulo ko sa dibdib niya. Gusto ko siyang itulak palayo, pero kailangan ko rin ng comfort sa mga pagkakataong ganito. Kaya hinayaan ko na lang.

Not Enough (Completed)Where stories live. Discover now