Kabanata IV - Ang Nakaraan

Start from the beginning
                                    

"Hoy, baka nakakalimutan mo na Montemayor ang kausap mo! Gusto mo bang sabihin ko sa papa ko na patalsikin kita dito?!" inis niyang sabi sa akin. Napatayo na ako sa kinauupuan ko at hinarap siya.

"Ang sama ng ugali mo!"

"Bakit natatakot ka na ngayon?! Suntukin ko mukha mo, gusto mo?"

"Bakit mo ako susuntukin? Bakla ka ba?!" naiinis kong sigaw sa kanya.

"Hindi ako bakla!" Iritable na ang kanyang mukha.

"Bakla kaya ang nang-aaway ng babae! Inaaway mo ako, e di bakla ka nga!" sabi ko pa sa kanya. Magsasalita pa sana siya nang may tumawag sa kanyang babae.

"Aivan!" napalingon siya sa babaeng tumawag sa kanya kaya dali-dali akong tumakbo papasok ng mansyon.

Baka kasi totohanin niya ang sinabi niya kanina na papaalisin niya ako rito sa mansyon. Ayoko namang mangyari iyon at ayokong mawalan ng trabaho ang nanay ko ng dahil lamang sa akin.

"We have to take him in Manila. He's getting weaker every day, Albert." Narinig kong may nagsasalitang babae habang bumaba sa hagdan ng mansyon. Agad akong nagtago sa likod ng mataas na upuan upang hindi nila ako makita.

"Selene, dad wants to stay here. Kahit ano pang pilit ko sa kanyang magpagamot sa Manila ay ayaw naman niya. Ang lagi niyang sinasabi sa akin ay kung panahon na niya, panahon na niya," ani ng lalaking matangkad na kausap ng babae. Nakita ko namang nagbuntonghininga iyong babae.

"He won't last long anymore," malungkot na sabi ng babae. Hindi ko naman naintindihan ang kanilang pinag-uusapan. Hindi pa kasi ako nakakaintindi ng wikang ingles at kakaunti pa lamang ang alam ko sa lenggwaheng iyon.

Nakita ko silang lumabas ng mansyon kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na umakyat sa itaas para makita si Lolo Gabriel. Dahan-dahan ang bawat kilos ko at sinigurado kong walang makakita sa akin dahil baka mapagalitan ako ni nanay kapag nalaman niyang nagpumilit akong makita si Lolo Gabriel.

Nang masigurado kong walang tao ay dali-dali akong umakyat patungo sa kwarto ni Lolo Gabriel. Marahan kong pinihit ang seradura ng pinto at agad kong sinarado iyon pagkapasok ko.

"Lolo Gabriel..." mahina kong sabi habang tinitingnan ko siya sa kanyang higaan. Mayroong aparato sa gilid ng kama niya na nakakabit naman sa ilong at kamay niya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang namumutla niyang kamay. "Lolo Gabriel, h'wag kang susuko ha? Andito pa si Ara, iyong paborito mong kalaro kapag wala iyong mga apo mo," pabulong kong sabi kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.

"Tsaka Lolo, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Kahit lagi mong sinasabi na dapat isang Montemayor ang mapangasawa ko, mahal pa rin kita. Kahit na lagi mo akong inaasar na pango, mahal pa rin kita," humihikbi kong sabi. Hinayaan ko lamang ang luha ko na tumakas mula sa mga mata ko.

"Lolo Gabriel, magpanggaling ka ha? Kapag gumaling ka, lagi kong hihilutin iyong ulo mo tsaka lagi pa rin kitang patatawanin."

Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiiyak doon. Basta ang mahalaga para sa akin ay nakita kong muli si Lolo Gabriel at nasabi ko ang nais kong sabihin sa kanya. Kahit na bata pa lamang ako ay alam ko na ang sinabi sa akin ni nanay, na kahit anumang oras ay kukunin na ng Panginoon si Lolo Gabriel.

Akmang magsasalita pa sana ako nang makarinig ako ng boses sa labas at nakita ko ang pagpihit ng seradura ng pinto. Agad naman akong nagtago sa ilalim ng kama ni Lolo Gabriel para hindi ako makita ng kung sinong papasok sa loob.

"Lolo," ani ng maliit na boses na sa palagay ko ay boses ng isang batang lalaki.

Nakita ko ang sapatos niya na papalapit sa pwesto ni Lolo Gabriel kaya tinakpan ko ang bibig ko para hindi ako makalikha ng kahit anong ingay.

"Lolo, nakakainis kanina iyong batang babae na uhugin. Inaaway niya ako kahit alam niyang Montemayor ako," sabi ng bata. Napakunot naman ang noo ko dahil pamilyar ang boses ng batang nagsasalita.

"Tapos Lolo, ang laki ng butas ng ilong niya! Mukha siyang unggoy tsaka ang pangit-pangit pa niya," sabi pa niya. Mas lalo lamang kumunot ang noo ko dahil sa palagay ko ay iyon ang batang nakausap ko kanina. Iyong hambog na bata na akala mo kung sino!

"Lolo, kapag nakita ko ulit siya rito sa mansyon. Ipapakain ko siya kay Blackjack, iyong aso natin," sabi niya. Hindi naman na ako nakapagtimpi at dahan-dahan akong lumabas mula sa ilalim ng kama at agad siyang hinarap.

"I-ikaw?!" gulat niyang sabi sa akin pero hindi ko na iyon pinansin dahil agad ko siyang dinamba at sinabunutan dahil sa sobrang inis.

***

WALANG pag-aalinlangan kong itinulak si Sir Aivan nang mapagtanto ko kung ano ang ginagawa niya sa akin. Mabilis ang pintig ng puso ko habang nakatitig ako sa mga mata niya na ngayon ay nakatitig din sa akin. Naramdaman ko rin ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko lalo na nang makita ko siyang ngumisi. Hindi ako makapaniwala sa nangyari at para bang nananaginip lang ako.

"B-bakit niyo po iyon ginawa, Sir?"

"I just want to try your lips," kaswal niyang sagot sa akin.

"H-hindi n'yo po dapat ginawa iyon, mali po iyon. Wala pa pong lalaki ang nakahalik sa akin." Hiyang-hiya ako.

"You're a virgin?" Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. Hindi kasi ganito ang nakagawian ko, hindi ganitong kultura.

"O-opo," tugon ko.

"Good." Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi pero hindi ko na 'yon pinansin.

"B-bababa na po ako, Sir Aivan," sabi ko sa kanya. Hindi ko rin kasi alam kung paano buksan itong sasakyan niya. At kanina ko pa rin gustong bumaba dahil nahihiya na ako sa kanya at sa nangyari. Hindi naman siya sumagot at bumaba lamang siya ng sasakyan para pagbuksan ako. Dali-dali akong bumaba ng sasakyan niya nang mabuksan niya iyon.

"S-salamat po Sir Aivan, sa paghatid mo sa akin."

"It's my pleasure," tipid niyang sagot.

"Sige po, mauuna na po ako. Mag-iingat po kayo sa biyahe." Tinalikuran ko na siya at nagsimula na akong maglakad pero nakakailang hakbang pa lamang ako nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Ara," tawag niya sa akin kaya ako napalingon.

"I like your lips..."

Tell Me Where It HurtsWhere stories live. Discover now