Wattpad Original
There is 1 more free part

Kabanata VI - Adobo

363K 8.9K 825
                                    

"Nakatingin sa 'yo si Señorito Aivan," bulong ni Glenda sa akin habang sinisiko ang aking tagiliran. Pinasadahan ko naman ng tingin ang pwesto ni Sir Aivan at tama nga si Glenda, nakatingin siya sa akin.

"H'wag mo na lang pansinin. Baka mamaya kung ano pa ang isipin niya at sabihing pinag-uusapan natin siya."

"Paanong hindi ko siya mapapansin, eh kanina pa siya nakatingin sa 'yo. Umamin ka nga sa akin, Ara. Mayroon bang namamagitan sa inyo ni Señorito Aivan?" Mahina ko namang pinalo ang braso niya dahil baka mayroong makarinig sa mga pinagsasabi niya. Ayoko naman kasing masamain ng ibang tao ang paglapit ni Sir Aivan sa akin.

"Ano ka ba, syempre wala! Bakit naman iyon papatol sa akin?" sagot ko sa kanya habang maingat kong ginagayat ang karne ng baboy. Tinutulungan namin si Aling Manda sa pagluluto ng pulutan. Marami pa rin kasi ngayon ang bisita at halos lahat ay nagkakasiyahan. Tanaw din namin ang pwesto nila Sir Aivan kung saan sila nag-iinuman.

"Bakit panay ang sulyap niya sa 'yo? Tsaka kanina, ikaw lang ang kinausap niya. Samantalang mas maganda naman ako sa 'yo pero ikaw lang 'tong pinansin niya!"

"Ako kasi ang nagturo sa kanya kanina kung paano magtanim ng palay kaya siguro ako ang una niyang kinausap. Mukha naman kasing mailap si Sir Aivan sa mga taong hindi pamilyar sa kanya." Tiningnan naman niya ako na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "H'wag mo akong tingnan nang ganyan, Glenda. Nagsasabi lang ako ng totoo," sabi ko pa sa kanya.

"Oo na, naniniwala na ako." Kinuha ko naman ang mga nagayat ko ng karne at inilagay iyon sa isang mangkok. Dumiretso ako sa lababo at marahang hinugasan iyon. Si Glenda naman ay patuloy sa paggagayat ng ilang rekado ng lulutuin namin.

"Pakiramdam ko may gusto sa 'yo si Sir Aivan. Iba kasi 'yong mga tingin n'ya sa 'yo. Alam mo 'yon, iyong tipong parang kakainin ka niya," ani Glenda. Naningkit naman ang aking mga mata sa sinabi niya.

"Itikom mo nga 'yang bibig mo at puro kahalayan na lang ang lumalabas d'yan," nakasimangot kong sabi sa kanya.

"Talaga naman kaya! Kung makatitig siya sa 'yo, akala mo pagmamay-ari ka niya," saad pa niya. Isinalang ko naman ang kawali sa kalan at tinantya ang apoy.

"Ganoon lang talaga tumingin si Sir Aivan. Wala namang espesyal sa akin para magustuhan niya ako," malumanay kong sabi kay Glenda habang naglalagay ng mantika sa kawali. Nang makita kong mainit na 'yon, hinulog ko na ang bawang at sibuyas.

"Bakit naman iniisip mong hindi siya magkakagusto sa 'yo? Maganda ka, matalino, masipag at higit sa lahat, isa kang disenteng babae. Hindi malayo na hindi ka niya magustuhan, Ara."

"Hindi ako mayaman," tugon ko.

"Pera na lang ba ngayon ang dahilan para magmahal? Kung mahal ka ng isang tao, hindi niya iisipin ang pera o kung ano ang meron ka." Hindi naman agad ako nakakibo.

Ayokong paasahin ang sarili ko na mayroong gusto sa akin si Sir Aivan. Kakakilala ko lamang sa kanya at hindi ko naman kailangan ngayon ng lalaking magmamahal sa akin dahil masaya na ako na kasama ko ang mga magulang at mga kapatid ko. Kung totoo nga ang sinasabi ni Glenda na mayroong gusto sa akin si Sir Aivan, sigurado akong lilipas din iyon. Maraming babae sa syudad at sigurado akong maraming babae ang nakakalamang sa akin na hindi hamak na mas babagay sa kanya at maaari niyang magustuhan.

"Hindi naman sa ganoon, Glenda. Ang gusto ko lang sabihin—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang biglang sumulpot si Sir Aivan sa likuran ko. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko at muntik na akong matumba dahil sa gulat.

"S-sir Aivan, kayo po pala!" nahihiya kong sabi sa kanya. Nakita ko kasi siyang ngumiti nang makita niya ang reaksyon ko.

"What are you doing?" tanong niya sa akin at saglit na sinulyapan ang ginagawa ko.

"N-nagluluto lang po ako, Sir Aivan." Iginala ko ang tingin ko at nakita kong wala na si Glenda sa kusina.

"Can I stay here?" seryoso niyang tanong sa akin. Hindi ko naman alam ang isasagot ko. Dahil kung papipiliin ako, ayoko siyang nasa paligid at malapit sa akin dahil hindi ako makakilos nang maayos.

"Sige po."

"What are you cooking?" tanong niya sa akin habang ipinagpapatuloy ko ang aking ginagawa.

"Adobo po."

"That's my favorite," mabilis niyang sagot kaya napalingon ako sa kanya. Kumakain siya ng adobo? Kapag kasi mayaman, iniisip ko na puro salad o hamon ang mga kinakain nila. Karamihan kasi sa mga mayayaman ay pihikan sa pagkain at minsan ay mga maaarte pa. O sadyang hindi ko lang talaga alam ang ibang bagay tungkol sa kanila?

"M-madali lang naman po ang magluto ng adobo," pilit kong sabi sa kanya. Ayoko kasing isipin niya na ayokong kausapin siya. Kahit naman papaano ay amo ko siya at pamilya niya ang dahilan kung bakit kami mayroong kinakain at kung bakit ako nakakapag-aral.

"My mom told me the same, but I'm really not familiar with the kitchen. I just love eating."

"Gusto n'yo po bang turuan ko kayo kung paano magluto?" tanong ko at bigla kong pinagsisihan kung bakit ko iyon sinabi sa kanya. Ano bang nakain mo at nasabi mo iyon? Gaga ka talaga, Ara!

"I'm fine with that idea," nakangisi niyang sabi sa akin. Ibinuhos ko lang saglit ang toyo at suka bago ko iyon tinakpan para pakuluin.

"S-sabihin n'yo lang po kung kailan n'yo gustong magpaturo para po mapaghandaan ko," sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya.

"I actually have free time. Do you have a cellphone number so I can call or text you?"

"A-ay Sir, wala po akong ganoon." Bakas naman sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa isinagot ko. Hindi na rin ako nagtaka kung nagulat siya dahil nasa 21st Century na kami pero wala pa rin akong ganoon. Sa totoo lang, maraming nagtataka kung bakit ako walang cellphone na ginagamit. Hindi rin naman kasi uso ang cellphone dito sa amin dahil magkakalapit lang din ang mga bahay at pwedeng mag-usap na lamang sa labas.

"I see."

"Pero Sir, pwede n'yo namang sabihin sa akin kung kailan n'yo gusto at kung saan. May klase rin po kasi ako ng tatlong araw sa isang linggo," sabi ko sa kanya.

"Alright, I'll tell my mom about this so you can have an extra income."

"Hindi n'yo na po ako kailangang bayaran. Handa po akong tulungan kayo nang walang kahit anong kapalit."

"Are you sure?" paninigurado niya.

"Oo naman po, Sir Aivan. Sabihin n'yo lang po kung kailan tayo magsisimula."

"Okay." Parang gusto ko tuloy umurong sa pagtuturo sa kanya. Malamang na masasarap ang nakakain niya at hindi naman ako ganoong kagaling magluto. Marami lamang akong alam na lutuin na pagkain at kung ano ang gusto niya ay ituturo ko. Ibinaling ko ang aking atensyon sa kawali at tinikman ang adobo kung luto na.

"Can I?" Nagulat ako dahil halos ilang dipa lang ang lapit niya sa akin.

"S-sige po," sabi ko. Natigilan ako habang pinapanood ko siyang tikman ang niluto ko. Tumingin siya sa akin pagkatapos niyang tumikim.

"It tastes really good..." nakangiti niyang sabi. Bumilis ang pintig ng puso ko dahil ang lapit namin sa isa't isa. Nakita kong lumipat ang tingin niya sa mga labi ko at wala sa sariling nakagat ko ang pang-ibaba kong labi.

"I like it when you bite your lip." Mas lalo siyang lumapit sa akin at pinigil ko ang paghinga ko.

"Sir—" Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil ipinuwesto niya ang kanyang hintuturo sa gitna ng aking mga labi.

"Shhh, I'm going to kiss you and I know you'll like it." bulong niya bago dahan-dahang ipinikit ang kanyang mga mata. Wala sa sariling napapikit din ako hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagdampi ng kanyang mga labi.

Tell Me Where It HurtsWhere stories live. Discover now