"WOW MINT ANG GALING MO MAGPHOTOSHOP MUNTIK NA AKONG MANIWALA!" initial reaction ko.

"Tanga! Hindi yan photoshopped! Nakita ko sila kagabi sa isang bar! Tae pala yang si Jae ano? Bantay-salakay!"

"Eh di ba may gf siya?! Tsk.. Nako bugbugin mo na Mikko!"

Huminga ako ng malalim. Alam ko na to eh. Napanood ko na to! "Mga pre maghunus dili tayo. Baka naman may pinag-uusapan lang silang importante-"

"-Importante tas sa bar magkikita?! Hilo ka ba Mikko?"

"Ganito na lang-" singit ni Ced. "Bakit hindi natin sila sundan?"

"Ayoko. Kayo na lang." sabi ko sa kanila.

Kalokohan to. Hindi ako gagaguhin ni Chloe right? At si Jae, ipinagmamalaki niya samin ang four years nila ng syota niya. Kaya bakit ako manghuhuli?!

May tiwala ako sa kanila!

But I don't fucking know. Napraning akong bigla hanggang sa napaparanoid na yata ako. Mahal ko si Chloe. She can't do this to me.

Tiit! Tiit!

Nagtext na rin sa wakas si Chloe. Wala naman talagang problema eh. Inuungas lang ako nina Mint at Ced-

Nangunot ang noo ko pagkatapos kong mabasa ang text message sakin ni Chloe.

That awkward moment, when your girlfriend broke up with you THROUGH A SHITTY TEXT MESSAGE when you expect to recieve a 'Happy Monthsary' greeting.

****

Kazumi's POV:

"Umi, magbreak na tayo."

Umi, magbreak na tayo...

Umi, magbreak na tayo...

Umi, magbreak na tayo...

Nagbounce bounce sa utak ko ang sinabi sakin ni kareshi (boyfriend).

"M-Magbreak na tayo?!" nakangiti kong tanong sa kanya. Nanginginig na ang mga kamay ko habang hawak ko ang digicam. Hinihintay kong ngumiti siya at sasabihin niyang 'Joke lang baby' gaya nung ginawa niya dati.

Hindi pa rin siya nag-ismile. Umiyak na ako. Ayaw niyang nakikita akong umiiyak kaya pag nilakasan ko ang hagulgol, baka bawiin na niya ang sinabi niya.

He didn't even move a muscle. Mukha na siyang tuod.

"Jae, ano bang problema? Hindi na ako natutuwa sa break up joke mo! Kung gusto mo lang na makita akong umiyak, pwede mo naman sabihing umiyak ako, hindi yung ganito. Masakit eh-"

"This is not a joke Kazumi."

Hindi. Joke pa rin to. Gusto lang niyang makita kung ano ang gagawin ko pag nakipagbreak siya.

I have faith in him. Hindi niya basta na lang itatapon yung four years namin.

DRIIIIIIN!

"Di ba may klase ka pa? Bumalik ka na sa room mo." ani Jae.

Nawindang talaga ako as in! Ipagpalagay na nga naming maghihiwalay kami ngayon, eh hindi naman kasi ganun kadali yun!

Kilala kami! Marami ang nag-eexpect ng pictures at vlogs ng Jaezumi sa Youtube, sa fanpage ng fb, sa twitter-

BAM!

Ibinato ko sa kanya ang hawak kong digicam sabay sigaw- "KONO BAKA!" [You stupid!]

I walked out. I'm sure mamaya magsosory din yun sakin.

Haiszt... This can't be happening. Wala akong ginawang masama. Binigay ko ang lahat lahat pero bakit kulang pa r-

BAM!

Araaay!

"SORRY!" sabay pa kaming nagsorry sa isa't isa nung nakabanggaan ko. Classmate ko siya, at nagcollide kami sa pintuan ng next classroom namin.

Mikael Collins yata ang name niya. Hindi kami close pero friend siya ni Jae, yung kareshi ko. Sabi ng mga girls Mikael was the most handsome guy sa school na to.

Hoho I beg to disagree. Nakakatawa ang hitsura niya ngayon. Busangot na busangot.

"Mikko? Okay ka lang ba diyan?" tinawag siya nung pinakamatalinong hunk sa balat ng eskwelahang ito na si Cedrick Monreal.

Andaming amazing guys dito. Kaya nga ba love na love ko ang school na to eh.

"Okay lang ako." sagot ni Mikael sabay pasok sa loob ng room.

TSSS! Di man lang ako tinanong kung okay ako.

Boring ang Social Studies. Boring din ang last subject namin which is English.

Boring din pag-uwi ko ng bahay.

"Kazu, may dumating kang package! Nasa room mo na." bungad sakin ng kasambahay namin pagkababa ko ng kotse.

Puro galing lang ang lahat ng yun mula sa mga online shops. Dati excited ako sa mga dumarating na inorder ko. Ngayon hindi na.

Naabutan kong bukas ang pinto ng kwarto ko, at naabutan kong nasa loob ang pinsan kong si Margaux. Mas matanda siya sakin ng two years. Kung eighteen na ako ngayon, twenty na siya.

"Marge, what are you doing?!" my golly, pinuno niya ng kalat ang room ko! At talagang nauna pa siyang magbukas ng mga package kesa sa may-ari ah?

"Ano ba ito, puro couple shirt! Wala ka bang inorder na magagandang sapatos?"

Inilapag ko ang gamit ko sa isang tabi tas pinagpupulot ko ang mga wrapping na sinira niya. "Ano nga pala ang ginagawa mo dito ha?"

Two blocks away lang ang bahay nila from here, but I don't see the point why she's here. Especially now na gusto kong mapag-isa. Kakastress na lovelife to oh.

"Friday ngayon, bar-hopping naman tayo!" yaya niya.

"Ayoko. Hindi ako papayagan."

Lumapit siya sakin. "Tanga! Hindi naman natin sasabihin na magbabar hopping nga tayo eh! Ako nang bahala sa alibi. Sige na! Kahit minsan lang sa buhay mo, magliwaliw ka naman!"

"Okay, okay sige!" baka may mangyari namang maganda pag sumama ako dito kay Marge.

Nag-usap kami na 8pm magkikita. Ipinaalam na niya kay mama na sa isang debut ang punta namin pero di naman talaga.

Nang mapag-isa ako sa room, si Jae lang ang naiisip ko. He's everywhere ba naman. Nasa pader ko siya, nasa bedsheet, nasa kisame, nasa wallpaper ng laptop ko-

Inactive ngayon ang Jaezumi sa fb at twitter. Tinatanong na kami nung mga fans namin kung bakit hindi na daw kami madalas magkasama ni Jae at kung bakit madalang na akong magpost ng vlogs.

Eto ang hirap kapag hayag sa madlang pipol ang relasyon eh. Konting kibot, kailangan may nakaready kang explanation...

Ano ba kasing problema mo Jae? Mas mahirap bang maging okay tayo kesa ang maging hindi okay?

Sinamsam ko yung mga couple shirt na kinalkal na ni Marge.

I'm yours. Your mine.

Si Jae yung pumili ng design pati kung ano ang nakasulat na message. I still can't believe na makikipagbreak siya sakin. Paano na ang Jaezumi?

--

direk_whamba

Mikko Punch!Where stories live. Discover now