Chapter 1

741 31 7
                                    

Chapter One

Mikko's POV:

"Taenang teacher na yan! Wala sa hulog magpaexam eh!" bulalas ko pagkalabas ng room namin. Isa ako sa mga maagang nakatapos sa long exam hindi dahil ang talino ko, kundi umaapaw ako sa katalinuhan. Sa sobrang talino ko nahulaan ko ang mga sagot nang hindi man lang binabasa ang mga questions! Eh nagmadali lang naman ako nung sinabi ng teacher namin na pwede nang lumabas ang tapos na.

"Naghihinanakit ka na naman Mikko? Try mo kayang mag-aral mabuti." inakbayan ako ni Cedrick. Ka-marathon ko ang taong to sa exam. Siya talaga yung matalino.

"Tol, ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko? Hindi ba sapat ang araw araw na pagpasok sa eskwelahan para masabing nag-aaral akong mabuti?"

"Ewan ko sayo. Puro ka kopya. Pwede ko na ngang sabihing nabuhat kita hanggang 4th year eh!"

Batukan ko na to eh. Gumaganyan lang yan pag gustong magpalibre. "Oh tara punta tayong canteen."

He loves freebies. Dumbass.

"Break ba nina Jae at Mint?" tanong ko. Ang tinutukoy ko ay ang dalawa pa naming tropa. May kasabihan nga, birds of the same feather flock together, and since wla naman kaming choice, we hang out. The four of us.

Kaming apat lang naman ang celebrity sa school na to. Si Mint, celebrity chickboy. Si Jae, celebrity couple. Kaklase ko yung syota niya at sikat sila sa internet dahil sa mga kagaguhan nila kung anuman yun. Si Ced naman, siya yung model student na matalino na, gwapo pa, athletic pa. Ako naman, ehem. Gwapo lang ako. Yun lang. Okay, atsaka dala dala ko din pala ang good family name namin. Kilala kasing businessman ang Dad ko. Lagi siyang nasa society pages.

"Nagtext na ako." ani Ced. Mayamaya nakarecieve din siya agad ng reply. "Si Mint pupunta na daw ng canteen. Si Jae, busy daw."

Si Mint ang may effort sa tropa. Talagang mag-cucutting yun basta sabihin namin. Si Jae naman nagiging busy nitong mga nakaraan. Parang kailangan niya lagi ng quality time. Hindi naman siguro siya nagpapart time job dahil hindi naman naglulupa ang pamilya niya.

"Oh pare bakit check ka ng check sa phone mo?" tanong sakin ni Ced.

"Monthsary namin ni Chloe ngayon." sagot ko. "Hinahantay ko siyang bumati."

Mahigit isang taon ko nang girlfriend si Chloe. Kilala na din siya ng parents ko at ako kilala na din ng parents niya.

Kapag monthsary namin, siya yung laging unang bumabati sakin hanggang sa nakasanayan ko na. Palagi kong gustong magset up ng isang romantic date or something special for her, but I guess that's not my thing. Puro na lang ako plano. Palagi kong iniisip na may next monthsary pa naman. Dadaan pa pati birthday niya, pasko, new year, valentines. To cut it short, punta na lang kaming Mcdo mamaya.

Hindi naman kami nag-aaway eh. I never cheat on her. I appreciate other girls pero wala sa appetite ko yung makipag-flirt. Mas gusto ko pang makihang out sa tropa.

"Mga pre!" hingal na hingal si Mint nung dumating siya.

"Astig ah, talagang nagmadali ka. Maupo ka nga muna pare." hinila ko yung isang monoblock chair para sa kanya.

"Mikko, gusto talaga kitang makausap ngayon eh." aniya. Medyo maayos na siyang kausap dahil humupa na ang paghingal niya.

"Tungkol saan?"

Pinindot pindot ni Mint ang hawak niyang iPhone tas inilapag sa mesa.

Nakita namin ni Ced ang picture na nasa screen. Maraming tao pero focused yun sa dalawang tao. Nakaakbay yung lalake sa babae. Si Jae yung lalake, walang duda. Tapos yung babae ay walang iba kundi ang girlfriend ko.

Mikko Punch!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon